Nicky Grist

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Nicky Grist
Nicky Grist.png
Si Nicky Grist noong 2010
Kapanganakan (1961-11-01) Nobyembre 1, 1961 (edad 57)
Ebbw Vale, Wales
HanapbuhayNabigador ng rally (rally co-driver)
Negosyante
Mga taon ng kasiglahan1985–2002, 2005–2006
AsawaSharon Grist
Website
Official site

Si Nicky Grist (pinanganak noong November 1, 1961) ay isang Britong dating nabigador ng rally (rally co-driver) at negosyante mula sa Ebbw Vale, Wales. Nagsimula siyang maging nabigador noong 1982 sa kanyang lugar, ngunit nakilala siya sa kanyang karera bilang nabigador ng mga karerista sa World Rally Championship mula 1993 hanggang 2002, kung saan nagsilbi siya para kay Malcolm Wilson, Juha Kankkunen at Colin McRae.

Buhay at karera[baguhin | baguhin ang batayan]

Pinanganak si Grist noong November 1, 1961 kina Graham at Brenda Grist mula sa Ebbw Vale. Lumaki siya sa Ponthir at Gilwern at nag-aral sa paaralan ng Brynmawr Comprehensive. Una siyang natuto ng paglalaro ng golf sa kanyang lolo at tumigil siya sa pagaaral sa edad na 16 matapos ialok sa kanya ang trabaho bilang propesyonal na golfer.[1] Kinalaunan ay nakahiligan niya ang pangangarera matapos panoorin ang mga rally sa kanyang lugar, at nagtrabaho bilang tagabenta ng sasakyan parara masuportahan ang kanyang pagiging nabigador, Ang kanyang unang karera ay ang George Ford Pips Rally, na ginanap sa Caldicott sa Wales, gamit ang isang Ford Escort na siyang minaneho ni Bryn Wiltshire.[2]

Matapos ang kanyang karera sa WRC ay nagtayo siya ng negosyo malapit sa Pontrilas, Herefordshire, matapos siyang alukin nila Ludovico at Elena Fassitelli, ang Italianong may-ari at may gawa ng mga Stilo helmet, na maging tanging taga-benta ng mga helmet na gawa ng kumpanya. Kabilang sa kanyang mga kliyente ay sina Petter Solberg, Ken Block, Kris Meeke at Sébastien Loeb.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Famous Person: Nicky Grist". Bioeddie's. Hinango noong 3 February 2018.
  2. Jarmyn, Luke. "FIRST PERSON: "There is nothing like the buzz from being in a rally car", Nicky Grist". South Wales Argus. Hinango noong 22 December 2017.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.