Pumunta sa nilalaman

Ninlil

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa relihiyong Sumeryo, si Ninlil (𒀭𒊩𒌆𒆤 DNIN.LÍL"babae ng bukas na kaparangan" o "babae ng hanging") na tinatawag ring Sud at sa Asiryo ay tinatawag na Mulliltu ang konsorteng Diyosa ni Enlil. Siya ay karaniwang tinatawag na anak nina Haia (Diyos ng mga tindahan) at Nunbarsegunu (o Ninshebargunnu [Diyos ng sebada] o Nisaba). Sa ilang sanggunian, siya ang anak nina Anu (aka An) at Antu. Sa ilang pang sanggunian, siya ay anak nina Anu at Nammu. Siya ay may pitong iba ibang mga pangalan gaya ng Nintud, Ninhursag, Ninmah, etc.) para sa pitong iba ibang lokalidad.[1][2] Siya ay nanirahan sa Dilmun kasama ng kanyang pamilya. Siya ay ginahasa ng kanyang asawang si Enlil na bumuntis sa kanya ng tubig at naglihi ng lalakeng si Nanna/Suen na Diyos na Buwan sa hinaharap. Bilang parusa, si Enlil ay ipinadala sa mundong ilalim na kahariang Ereshkigal kung saan siya sinalihan ni Ninlil. Binuntis siya ni Enlil na nagbalat kayo bilang tagpagbantay ng tarangkahan at nanganak sa kanilang anak na si Nergal na Diyos ng kamatayan. Sa parehong paraan, naglihi siya sa Diyos ng mundong ilalim na si Ninazu nang buntisin siya ni Enlil na nagbalat kayo bilang lalake ng ilog ng daigdig na mundong ilalim. Kalaunan ay nagbalat kayo si Enlil bilang lalake ng bangka at binuntis siya ng ikaapat na Diyos na si Enbilulu na Diyos ng mga ilog at mga kanal. Ang lahat ng mga ito ay humalili kay Nanna/Suen upang umakyat.[3] Sa ilang mga teksto, si Ninlil rin ang ina ni Ninurta na makabayaning Diyos na pumatay kay Asag na isang demonyo gamit ang kanyang sandatang Sharur.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Society of Biblical Archæology (London, England) (1911). Proceedings of the Society of Biblical Archaeology, Volume 33, Pl. XI. Society of Biblical Archæology.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Babylonian liturgies: Sumerian texts from the early period and from the library of Ashurbanipal, p. 87. Geushner. 1913. Nakuha noong 2 Hunyo 2011.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-07-15. Nakuha noong 2013-09-24.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)