Pumunta sa nilalaman

Abzu

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Apsû)

Ang Abzu (Cuneiform: 𒍪 𒀊, ZU.AB; Sumeryo: abzu; Akkadiano: apsû) na tinatawag ring engur, (Cuneiform:𒇉, LAGAB×HAL; Sumeryo: engur; Akkadiano: engurru) na literal na nangangahulugang, ab='tubig' (o 'semilya') zu='malaman' o 'malalim' ang pangalan ng sariwang tubig mula sa mga aquifer sa ilalim ng lupa na binigyan ng isang katangiang relihiyosong nagpepertilisa sa mga mitolohiyang Sumeryo at Akkadiano. Pinaniniwalaang ang mga ilog, mga batis, mga balon at ibang mga pinagkukunan ng sariwang tubig ay kumukuha ng kanilang tubig mula sa abzu.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.