Nita Hontiveros-Lichauco
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Nita Hontiveros-Lichauco | |
---|---|
Kapanganakan | Maria Teresita Vicenta Pardo Hontiveros 11 Agosto 1927 |
Kamatayan | 11 Oktobre 2020 New Manila, Quezon City, Philippines | (edad 93)
Libingan | Our Lady of Mount Carmel Shrine Crypt, New Manila Quezon City |
Nasyonalidad | Filipino |
Ibang pangalan | Tata Hontiveros-Lichauco Tata Lichauco Nita Lichauco |
Trabaho | President |
Organisasyon | Philippine Animal Welfare Society (PAWS) |
Kilala sa | Animal Rights and Welfare |
Sinundan | Muriel Jay (Organizer) |
Sumunod | Anna Hashim Cabrera (Director) |
Asawa | Alejandro Aurelio Nieva Lichauco |
Magulang |
|
Kamag-anak | Daisy Avellana (sister) Eduardo Hontiveros (brother) Lamberto Avellana (bro-in-law) Jose Mari Avellana (nephew) Maan Hontiveros (niece) David Hontiveros (nephew) Risa Hontiveros (niece) Pia Hontiveros (niece) Allan Cosio (nephew-in-law) |
Si Maria Teresita Vicenta Pardo Hontiveros-Lichauco (Agosto 11, 1927 – Oktubre 11, 2020), na kilala rin bilang Nita o Tata, ay ang Ina ng Animal Welfare sa Pilipinas . [1] Siya ang Tagapagtatag at Pangulo ng Philippine Animal Welfare Society at aktibong nangampanya para sa kapakanan at karapatan ng mga hayop na humantong sa pagsasabatas ng Batas ng Republika 8485 Naka-arkibo 2023-09-30 sa Wayback Machine. o ang Animal Welfare Act ng 1998 .
Siya ay ang asawa ng ekonomista, abogado, manunulat at kinatawan sa Kombensiyong Konstitusyonal ng 1971 na si Alejandro Lichauco at anak ng yumaong Senador Jose M. Hontiveros . Siya rin ang nakababatang kapatid ng Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas para sa Pelikula at Teatro na si Daisy Hontiveros-Avellana at paring Heswita, kompositor, musikero at Ama ng Liturhical na Musikang Pilipino na si Eduardo Hontiveros [2] at ang tiyahin ng aktor na si Jose Mari Avellana, tagapagtanghal pangtelebisyon, mamamahayag at negosyante na si Maan Hontiveros, politiko na si Risa Hontiveros at mamamahayag na si Pia Hontiveros .
Maagang buhay at edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Nita Hontiveros-Lichauco ay ipinanganak na María Teresita Vicenta Pardo Hontiveros noong Agosto 11, 1927 sa Capiz, Capiz, Pilipinas sa abogado, hurado at politiko na si Jose M. Hontiveros at biyolinista na si Vicenta Ruiz Pardo. Natanggap niya ang kanyang edukasyong pangelementarya at pangmataas na paaralan sa Kumbento ng Asumpsyon. Pagkatapos ng kanyang kursong pangpreperasyon pang-abogasiya, naisipan niyang mag-aral ng medisina. Gayunpaman, matapos siyang tanungin ng isang doktor kung kakayanin nyang mag-disekto ng anuman at napagtanto nyang ang sagot ay hindi, nagpasya siyang ituloy ang pag-aaral ng musika [3] at nakatanggap ng digri ng Kabakas ng Sining mula sa Unibersidad ng Santo Tomas . Nag-aral siya ng wikang Pranses kinalaunan sa Alliance Française. [4]
Buhay pamilya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Nita ay ikinasal kay Alejandro Aurelio Nieva Lichauco, isang ekonomista at abogadong nagtapos sa Unibersidad ng Harvard noong ika-25 ng Abril, taong 1957. And mag-asawa ay walang naging supling, at itinuturing ang lahat ng mga hayop na dumaan sa kanilang pangangalaga bilang kanilang mga anak.[3]
Ilan sa mga kalimi-limi na kasapi ng kanyang pamilya ang kanyang nakatatandang kapatid na babae na Pambansang Alagad ng Sining para sa pelikula na si Daisy Avellana at nakatatandang kapatid na lalaki na Heswitang pari at Ama ng Liturhikal na Musikang Pilipino na si Padre Eduardo Hontiveros; bayaw na Pambansang Alagad ng Sining para sa Teatro at Pelikula na si Lamberto Avellana; mga pamagkin na sina aktor at direktor Jose Mari Avellana; inatangan ng Chevalier de l’Ordre des Arts et des Lettres na manlilikhang si Allan Cosio; manunulat at nagwagi ng Gawad Palanca na si David Hontiveros; tagapagtanghal pangtelebisyon, mamamahayag at negosyanteng si Maan Hontiveros; mamamahayag at estadistang si Risa Hontiveros at mamamahayag na si Pia Hontiveros.
Karera
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Nita ay bumida bilang Maria Clara sa teatrong pagtatanghal ng "A Rizal Sketchbook" na pag-gunita sa Bayani mula Calamba sa sayaw, dula at awit na itinanghal noong ika-17 ng Hunyo, taong 1955 (hanggang sa hindi bababa sa 1958) ng Women's International League at ng sangay sa Maynila ng Knights of Rizal. Siya din ay nagtrabaho bilang aktor ng boses para sa mga palatastas sa radyo.
Siya ay naging buwanang manunulat ng isang kolumna na pinamagatang Animal Welfare para sa Mr. & Ms. Magazine mula 1982[4] hanggang sa mga unang bahagi ng 2000.
Sumulat din siya ng aklat pambata na pinamagatang "The Boys and the Bees" na inilathala noong 1989 ng Goethe Institute.[5]
Kapakanan Panghayop
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matapos lumisan ni Muriel Jay ng Pilipinas upang umuwi sa kanyang lupang tinubuan sa Inglatera, na sinundan ng pag-alis din ng kanyang mga kapwa tagapagtatag na miyembro na karamihan ay dayuhan, ang organisasyon ay tumigil sa pagiging aktibo. Gayunpaman, itinuloy ni Nita and kanyang pagsagip sa mga hayop katulong and kanyang tagapagmaneho at dalawang kasambahay[4], binago nya ang malaking parte ng kanyang tahanan at ginawang santuaryo ng mga hayop, at ginastos ang sariling pera upang makapaglaan ng pagkain, tahanan at medikal na gamutan para sa lahat ng mga inabandona at inabusong hayop. Matapos maging inaktibo ng ilang dekada, inireorganisa ni Nita ang PAWS noong taong 1986. Kasama ang ilang boluntaryo na nagsilbi bilang unang lupon ng mga direktor ng PAWS, ikinampanya ni Nita ang pagpasa ng Animal Welfare Act ng 1998. Inabot ng 13 taon bago ito naisabatas.[6] Ang Republic Act 8485 ay nagtataguyod sa karapatan at prumoprotekta sa kapakanan ng lahat ng hayop sa Pilipinas.
Sa ilalim ng kanyang patnubay, itinatag ng PAWS ang PAWS Animal Rehabilitation Center na sumusubsidiya ng serbisyong beterinaryo para sa mga hayop na pagmamay-ari ng mga mahirap na sektor ng lipunan[4] at nagsisilbing pansamantalang kanlungan ng mga nasagip na hayop. Naglunsad din ang PAWS ng maraming programa na sumusuporta sa pag-aalaga at makataong pagtrato sa mga hayop.[7]
Kamatayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Nita ay nanungkulan bilang Pangulo ng PAWS hanggang sa kanyang kamatayan noong ika-11 ng Oktubre, 2020.[8] Ang kanyang mga labi ay nahihimlay sa kripto ng Our Lady of Mount Carmel Shrine sa New Manila, Quezon City.
References
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Tata Lichauco, PAWS President and Animal Champion, Passes Away". Esquire Philippines. Oktubre 14, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Eduardo Hontiveros". The Canterbury Dictionary of Hymnology.
- ↑ 3.0 3.1 "Let's PAWS for Nita Lichauco | Philstar.com". www.philstar.com. Nakuha noong 2023-11-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 Montemar-Oriondo, Ann. "Nita Lichauco: A passion for action". Philstar.com. Nakuha noong 2023-11-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Moonaesthetic (2023-11-19), English: Children's book authors Virgilio Almario (left) and Nita Hontiveros-Lichauco (right) flank Goethe-Institut Director Uwe Schmelter and DECS Secretary Lourdes Quisumbing, nakuha noong 2023-11-19
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Love in the Form of Aspins | Netflix x INQUIRER.NET". Inquirer.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Philippine Animal Welfare Society • PAWS" (sa wikang Ingles). 2022-01-17. Nakuha noong 2023-11-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Acar, Aedrianne. "Luis, Senator Risa Hontiveros mourn the death of PAWS founder Nita 'Tata' Hontiveros-Lichauco". www.gmanetwork.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)