Pumunta sa nilalaman

Norma Blancaflor

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Norma Blancaflor
Kapanganakan
Lydia Jurado Velasco

27 Oktubre 1919(1919-10-27)
Tondo, Maynila
Kamatayan12 Oktobre 2004(2004-10-12) (edad 84)
NasyonalidadPilipino
TrabahoArtista

Si Norma Blancaflor ay isang artistang Piilipino na tinaguriang Heart-Shaped Beauty dahil sa ang kanyang mukha ay hugis puso. Isinilang noong 1918 at bago pa man naging artista ay isang ganap ng parmasiyutiko. Sa Dating Pugad ang una niyang pelikula na sinundan ng Bawal na Pag-ibig ng Parlatone Hispano-Filipino at ang Tinig ng Pag-ibig ng Joaquin Film Comp.

Nakagawa siya ng isang pelikula sa produksiyon ni Rogelio dela Rosa ang RDR Production at ito ang Anong Ganda Mo. Apat ang ginawa niya sa ilalim ng Filippine Pictures ang mga ito ay Binibini ng Palengke, Binibiro Lamang Kita, Serenata sa Nayon at Dalaga. Nakagawa siya ng isang pelikula sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaan Pandaigdig, ito ang Liwayway ng Kalayaan.

Pagtapos ng Digmaan sumabak uli siya sa pelikula at nauna dito ang Oo Ako'y Espiya ng Sta Maria Pictures at Death March ni Leopoldo Salcedo ng Philippine Pictures. Hanggang gawin niya ang kauna-unahang pelikula pagtatambal nila ni Jaime dela Rosa sa bakuran ng LVN Pictures ang Aladin na kung susuriin ay mas nauna tayong gumawa ng bersyon kaysa sa mga Amerikano.

Siyam ang nagawa niya sa LVN ng bumalik siya sa dati niyang bakuran ang Sampaguita Pictures dito siya gumawa ng apat na pelikula kabilang dito ang Damit Pangkasal ni Oscar Moreno, Apoy sa Langit ni Pancho Magalona, Ang Kampeon ni Fred Montilla at Mga Baguio Cadets. Balik LVN siya noong 1952 para sa pelikulang Amor-Mio