Pumunta sa nilalaman

Ina ng Salambaw

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Nuestra Señora de Salambao)

Ang Mahal na Birhen ng Salambao o Ina ng Salambaw ay isa sa mga pintakasing banal ng Obando, Bulacan, pook na malapit sa Maynila, Pilipinas. Siya rin ang santong pinagdarasalan ng mga mangingisda upang magkaroon ng mayamang huli. Hinango ang pangalan niya mula sa imahen ng Ina ng Imakulada Concepcion (Ina ng Malinis na Paglilihi) na nahuli ng mga mangingisdang sina Diego, Julian, at Juan dela Cruz sa pamamagitan ng kanilang salambaw, isang malaking lambat na nasa dulo ng pinagkrus na mga bahaging kawayan na nakalagay sa isang balsa. Ipinagdiriwang ang kaniyang kapistahan tuwing Kalagitnaan ng buwan ng Mayo kasunod ng araw ng pagdiriwang para sa dalawa pang mga banal na pinipintakasi sa Obando, Bulacan: ang ika 17 ng Mayo para kay San Pascual Baylon, Siya ang Pintaksi ng mga Humihiling ng mga anak na lalaki mga gawaing may Kinalaman sa Pagpapari at buhay relihiyoso Siya rin ang Pintakasi ng Kapulungang Pang Eukarstiya, ika 18 ng Mayo naman para kay Santa Clara ng Assisi, Pintakasi ng Mga Humihiling ng mga anak na babae, pagpapa aliwalas ng panahon Telebisyon mass media at ng mga optalmologo, at ang ika 19 naman ng Mayo ay para naman sa Mahal na Birhen ng Salambao. Ipinagdiriwang ito kasama ang pagsasayaw ng Pandanggo sa Simbahan ng Obando o mas kilala sa Pangalang Parokya ni San Pascual Baylon, Pambansang Dambana ng Mahal Na Birhen Ng Salambao na nasa Barangay ng Pag-asa sa Bayan ng Obando. Kilala rin ang Ina ng Salambaw sa katawagang hango sa wikang Kastila na Nuestra Señora Dela Inmaculada Concepcion De Salambao. Nakuha ang imaheng ito noong ika 19 ng Hunyo 1763 at ito rin ang pintakasing banal ng mga magsasaka mga Ina na nangangalaga at kumakalinga sa kanilang mga anak; Ang tubig na pinagkunan sa imahen ng Mahal na Ina ay sagisag ng buhay.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pananampalataya Ang lathalaing ito na tungkol sa Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.