OOP
Itsura
Ang OOP (mula sa Ingles: Object oriented programming [tuwirang salin: pagpoprogramang nakatuon sa mga obheto]) ay isang paradaym ng pagpoprograma ng kompyuter gamit ang estruktura ng datos (data structure) na tinatawag na "obheto" (objects) na binubuo ng mga field at method kabilang na ang mga interaksiyon ng mga obhetong ito sa isang programa. Ang mga pamamaraang gumagamit ng OOP ay kinabibilangan ng data abstraction, encapsulation, messaging, modularity, polymorphism at inheritance. Kabilang sa mga wikang pamprograma na implementasyon ng OOP ang Java, C++, PHP, Javascript, C# at marami pang iba.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.