Pumunta sa nilalaman

Labis na katabaan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Obesity)
Obesidad
Tomograpiyang komputerisadong abdominal ng ng isang taong may obesidad na nagpapakita ng labis na taba (adiposidad) sa bahagi ng tiyan
EspesyalidadEndokrinolohiya, bariyatrika
SintomasPinadagdag na taba[1]
KomplikasyonMga sakit na kardiyobaskular, diyabetes na tipo 2, nakakahadlang apnea sa pagtulog, ilang uri ng kanser, osteoartritis, depresyon[2][3]
SanhiLabis na pagkonsumo ng mga pagkaing mataas sa enerhiya, nakaupo o hindi aktibong uri ng trabaho at pamumuhay at kakulangan sa pisikal na aktibidad, mga pagbabago sa mga paraan ng transportasyon, urbanisasyon, kakulangan ng mga sumusuportang patakaran, kakulangan ng akses sa masustansiyang diyeta, at henetika[1][4]
PagsusuriBMI > 30 kg/m2[1]
Pag-iwasMga pagbabagong panlipunan, mga pagbabago sa industriya ng pagkain, pagkakaroon ng pagkakataon sa isang malusog na pamumuhay, at mga personal na pagpili[1]
PaggamotDiyeta, ehersisyo, medikasyon, pagtistis[5][6]
PrognosisPinaikling inaasahang haba ng buh[2]
DalasHigit sa 1 bilyon / 12.5% (2022)[7]
Napatay2.8 milyong tao bawat taon

Ang obesidad o labis na katabaan ay isang kondisyong medikal na itinuturing ng maraming organisasyon bilang isang sakit,[8][9][10] kung saan ang labis na taba sa katawan ay naiipon hanggang sa antas na maaari itong magdulot ng masasamang epekto sa kalusugan. Ang mga tao ay ikinoklasipika bilang obese o labis na mataba kapag ang kanilang indeks ng masa ng katawan o body mass index (BMI) (ang bigat ng isang tao na hinahati sa parisukat ng kanyang tangkad) ay higit sa 30 kg/m². Ang saklaw na 25 hanggang 30 kg/m² ay itinuturing na overweight o sobrang timbang.[1] Sa ilang bansa sa Silangang Asya, mas mababang halaga ang ginagamit sa pagkalkula ng obesidad.[11] Ang obesidad ay isang pangunahing sanhi ng kapansanan at may kaugnayan sa iba’t ibang sakit at kondisyon, lalo na ang mga sakit sa puso at daluyan ng dugo, tipo 2 na diyabetes, nakakahadlang apnea sa pagtulog (o obstructive sleep apnea), ilang uri ng kanser, at osteoartritis.[2][12][13]

Ang obesidad ay may mga sanhi na indibiduwal, sosyoekonomiko, at pangkapaligiran. Kabilang sa mga kilalang sanhi ang diyeta, mababang antas ng pisikal na aktibidad, automasyon, urbanisasyon, henetikong pagkamadaling maapektuhan, mga gamot, mga karamdamang pangkaisipan, mga patakarang pang-ekonomiya, mga karamdaman sa sistemang endokrina, at pagkakalantad sa mga kemikal na nakaaabala sa endokrina.[1][4][14][15]

Bagaman maraming taong may obesidad ang nagsisikap na magbawas ng timbang at kadalasan nagtatagumpay, bihira ang pangmatagalang pagpapanatili ng nabawasang timbang.[16] Ang pag-iwas sa obesidad ay nangangailangan ng isang masalimuot na lapit na may mga interbensiyon sa antas ng medikal, panlipunan, komunidad, pamilya, at indibiduwal.[1][13] Ang pagbabago sa diyeta at regular na pag-eehersisyo ang pangunahing mga paggamot na inirerekomenda ng mga propesyonal sa kalusugan.[2] Maaaring mapabuti ang kalidad ng diyeta sa pamamagitan ng pagbawas ng pagkonsumo ng mga pagkaing mataas sa enerhiya, tulad ng mayaman sa taba o asukal, at sa pamamagitan ng pagtaas ng pag-inom ng dietary fiber (o pibra/hibla sa diyeta). Binibigyang-diin ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan na ang sakit na ito ay pananagutang panlipunan at na ang mga pagpiling ito sa diyeta ay dapat gawing pinakalaganap, abot-kaya, at madaling maabot na mga opsiyon.[1] Maaaring gamitin ang mga gamot, kasabay ng angkop na diyeta, upang bawasan ang gana sa pagkain o pababain ang pagsipsip ng taba.[5] Kung hindi epektibo ang diyeta, ehersisyo, at mga gamot, maaaring isagawa ang paglalagay ng lobong gastriko o operasyon upang bawasan ang dami ng tiyan o ang haba ng mga bituka, na nagreresulta sa mas maagang pakiramdam ng kabusugan o sa nabawasang kakayahang sumipsip ng sustansiya mula sa pagkain. Ang metabolikong pagtistis ay nagtataguyod ng pagbawas ng timbang hindi lamang sa pamamagitan ng pagbawas ng kaloriya kundi pati sa pagdulot ng pangmatagalang pagbabago sa paglabas ng mga hormona sa bituka na sangkot sa gana sa pagkain at regulasyong metaboliko.[6][17]

Ang obesidad ay isa sa mga nangungunang maiiwasang sanhi ng kamatayan sa buong mundo, at patuloy na tumataas ang mga kaso sa mga adulto at bata.[18] Noong 2022, mahigit 1 bilyong tao ang nabubuhay na may obesidad sa buong mundo (879 milyong adulto at 159 milyong bata), na kumakatawan sa higit sa doble ng bilang ng mga kaso sa mga adulto at apat na beses na mas mataas kaysa sa mga bata kumpara noong 1990.[7][19] Mas karaniwan ang obesidad sa mga babae kaysa sa mga lalaki.[1] Ang obesidad ay may istigma sa karamihan ng mga bahagi ng mundo. Sa kabaligtaran, may ilang kultura, noon at ngayon, na may positibong pananaw sa obesidad at tinitingnan ito bilang sagisag ng kayamanan at pertilidad.[2][20] Ang Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan, ang Estados Unidos, Canada, Hapon, Portugal, Alemanya, ang Parlamentong Europeo, at mga samahang medikal (gaya ng American Medical Association o Amerikanong Asosasyon Pangmedisina) ay inuuri ang obesidad bilang isang sakit. Ang iba naman, tulad ng Reyno Unido, ay hindi.[21][22][23][24]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1 2 3 4 5 6 7 8 9 "Obesity and overweight Fact sheet N°311". WHO (sa Ingles). Enero 2015. Nakuha noong 2 Pebrero 2016.
  2. 1 2 3 4 5 Haslam DW, James WP (Oktubre 2005). "Obesity". Lancet (Review) (sa Ingles). 366 (9492): 1197–1209. Bibcode:2005Lanc..366.1197H. doi:10.1016/S0140-6736(05)67483-1. PMID 16198769. S2CID 208791491.
  3. Luppino FS, de Wit LM, Bouvy PF, Stijnen T, Cuijpers P, Penninx BW, Zitman FG (Marso 2010). "Overweight, obesity, and depression: a systematic review and meta-analysis of longitudinal studies". Archives of General Psychiatry (sa Ingles). 67 (3): 220–9. doi:10.1001/archgenpsychiatry.2010.2. PMID 20194822.
  4. 1 2 Yazdi FT, Clee SM, Meyre D (2015). "Obesity genetics in mouse and human: back and forth, and back again". PeerJ (sa Ingles). 3 e856. doi:10.7717/peerj.856. PMC 4375971. PMID 25825681.
  5. 1 2 Yanovski SZ, Yanovski JA (Enero 2014). "Long-term drug treatment for obesity: a systematic and clinical review". JAMA (Review) (sa Ingles). 311 (1): 74–86. doi:10.1001/jama.2013.281361. PMC 3928674. PMID 24231879.
  6. 1 2 Colquitt JL, Pickett K, Loveman E, Frampton GK (Agosto 2014). "Surgery for weight loss in adults". The Cochrane Database of Systematic Reviews (Meta-analysis, Review) (sa Ingles). 2014 (8) CD003641. doi:10.1002/14651858.CD003641.pub4. PMC 9028049. PMID 25105982.
  7. Powell-Wiley TM, Poirier P, Burke LE, Després JP, Gordon-Larsen P, Lavie CJ, Lear SA, Ndumele CE, Neeland IJ, Sanders P, St-Onge MP (Mayo 2021). "Obesity and Cardiovascular Disease: A Scientific Statement From the American Heart Association". Circulation (sa Ingles). 143 (21): e984–e1010. Bibcode:2021Circu.14300973P. doi:10.1161/CIR.0000000000000973. PMC 8493650. PMID 33882682.
  8. CDC (21 Marso 2022). "Causes and Consequences of Childhood Obesity". Centers for Disease Control and Prevention (sa Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Abril 2022. Nakuha noong 18 Agosto 2022.
  9. "Policy Finder". American Medical Association (AMA) (sa Ingles). Nakuha noong 18 Agosto 2022.
  10. Kanazawa M, Yoshiike N, Osaka T, Numba Y, Zimmet P, Inoue S (2005). "Criteria and Classification of Obesity in Japan and Asia-Oceania". Nutrition and Fitness: Obesity, the Metabolic Syndrome, Cardiovascular Disease, and Cancer. World Review of Nutrition and Dietetics (sa Ingles). Bol. 94. pp. 1–12. doi:10.1159/000088200. ISBN 978-3-8055-7944-5. PMID 16145245. S2CID 19963495.
  11. "Obesity - Symptoms and causes". Mayo Clinic (sa Ingles). Nakuha noong 30 Nobyembre 2021.
  12. 1 2 Chiolero A (Oktubre 2018). "Why causality, and not prediction, should guide obesity prevention policy". The Lancet. Public Health (sa Ingles). 3 (10): e461–e462. doi:10.1016/S2468-2667(18)30158-0. PMID 30177480.
  13. Kassotis CD, Vandenberg LN, Demeneix BA, Porta M, Slama R, Trasande L (Agosto 2020). "Endocrine-disrupting chemicals: economic, regulatory, and policy implications". The Lancet. Diabetes & Endocrinology (sa Ingles). 8 (8): 719–730. doi:10.1016/S2213-8587(20)30128-5. PMC 7437819. PMID 32707119.
  14. Bleich S, Cutler D, Murray C, Adams A (2008). "Why is the developed world obese?". Annual Review of Public Health (Research Support) (sa Ingles). 29: 273–295. doi:10.1146/annurev.publhealth.29.020907.090954. PMID 18173389.
  15. Strohacker K, Carpenter KC, McFarlin BK (15 Hulyo 2009). "Consequences of Weight Cycling: An Increase in Disease Risk?". International Journal of Exercise Science (sa Ingles). 2 (3): 191–201. PMC 4241770. PMID 25429313.
  16. Imaz I, Martínez-Cervell C, García-Alvarez EE, Sendra-Gutiérrez JM, González-Enríquez J (Hulyo 2008). "Safety and effectiveness of the intragastric balloon for obesity. A meta-analysis". Obesity Surgery (sa Ingles). 18 (7): 841–846. doi:10.1007/s11695-007-9331-8. PMID 18459025. S2CID 10220216.
  17. Encyclopedia of Mental Health (sa Ingles) (ika-2 (na) labas). Academic Press. 2015. p. 158. ISBN 978-0-12-397753-3.
  18. "One in eight people are now living with obesity". World Health Organization (sa Ingles). 1 Marso 2024. Nakuha noong 2024-03-01.
  19. Woodhouse R (2008). Obesity in art: a brief overview. Frontiers of Hormone Research (sa Ingles). Bol. 36. pp. 271–86. doi:10.1159/000115370. ISBN 978-3-8055-8429-6. PMID 18230908.
  20. Luli M, Yeo G, Farrell E, Ogden J, Parretti H, Frew E, Bevan S, Brown A, Logue J, Menon V, Isack N, Lean M, McEwan C, Gately P, Williams S, Astbury N, Bryant M, Clare K, Dimitriadis GK, Finlayson G, Heslehurst N, Johnson B, Le Brocq S, Roberts A, McGinley P, Mueller J, O'Kane M, Batterham RL, Miras AD, Miras AD (2023). "The implications of defining obesity as a disease: a report from the Association for the Study of Obesity 2021 annual conference - eClinicalMedicine". eClinicalMedicine (sa Ingles). 58. doi:10.1016/j.eclinm.2023.101962. PMC 10119881. PMID 37090435.
  21. Jensen MD, Ryan DH, Apovian CM, Ard JD, Comuzzie AG, Donato KA, Hu FB, Hubbard VS, Jakicic JM, Kushner RF, Loria CM, Millen BE, Nonas CA, Pi-Sunyer FX, Stevens J, Stevens VJ, Wadden TA, Wolfe BM, Yanovski SZ, Jordan HS, Kendall KA, Lux LJ, Mentor-Marcel R, Morgan LC, Trisolini MG, Wnek J, Anderson JL, Halperin JL, Albert NM, Bozkurt B, Brindis RG, Curtis LH, DeMets D, Hochman JS, Kovacs RJ, Ohman EM, Pressler SJ, Sellke FW, Shen WK, Smith SC, Tomaselli GF (June 2014). "2013 AHA/ACC/TOS guideline for the management of overweight and obesity in adults: a report of the American College of Cardiology/American Heart Association Task Force on Practice Guidelines and The Obesity Society". Circulation (sa Ingles). 129 (25 Suppl 2): S102–S138. doi:10.1161/01.cir.0000437739.71477.ee. PMC 5819889. PMID 24222017.
  22. Pollack A (18 Hunyo 2013). "A.M.A. Recognizes Obesity as a Disease". The New York Times (sa Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Hunyo 2013.
  23. Weinstock M (21 Hunyo 2013). "The Facts About Obesity". H&HN (sa Ingles). American Hospital Association. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Setyembre 2013. Nakuha noong 24 June 2013.
[baguhin | baguhin ang wikitext]