Ogden Nash
Ogden Nash | |
---|---|
Kapanganakan | 19 Agosto 1902 |
Kamatayan | 19 Mayo 1971 | (edad 68)
Mamamayan | Estados Unidos ng Amerika |
Edukasyon | Pamantasan ng Harvard ( 1 Taon) |
Trabaho | Makata, May-akda, lyric-writer |
Asawa | Frances Leonard |
Magulang | Edmund and Mattie |
Si Frederic Ogden Nash (19 Agosto 1902 – 19 Mayo 1971) ay isang Amerikanong makatang humorista o masiste na ipinanganak sa Rye, Bagong York, Estados Unidos. Natatangi siya dahil sa hindi kumbensiyonal na paggamit ng wikang Ingles sa pagsusulat ng mga taludturan o berso[1] o "magagaang na mga taludtod". Sa oras ng kanyang kamatayan noong 1971, binanggit ng The New York Times na dahil sa kanyang hindi kumbensiyonal na rima o tugmaan, siya ang naging pinakakilalang tagalikha ng nakakatawang panulaan ng Estados Unidos.[2] Kabilang sa kanyang mga pinakakilalang mga akda ang I'm a Stranger Here Myself, Everyone but Thee and Me, at The Untold Adventures of Santa Claus. Siya rin ang umakda ng mga tulang pinamagatang Trees at The Eel.[1]
Noong 1932, naging kasaping tauhan siya ng magasing The New Yorker. Namatay siya noong 1971 habang nasa Baltimore, Maryland.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "Ogden Nash". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na N, pahina 430. - ↑ Albin Krebs (1971-05-20). "Ogden Nash, Master of Light Verse, Dies". The New York Times. Nakuha noong 2008-01-24.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Panitikan at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.