Pumunta sa nilalaman

Ogie Alcasid

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ogie Alcasid
Si Alcasid noong 2012
Kapanganakan
Herminio Jose Lualhati Alcasid Jr.

(1967-08-27) 27 Agosto 1967 (edad 57)
Taal, Batangas, Pilipinas
EdukasyonUniversity of the Philippines Diliman (BA)
Aktibong taon1988–kasalukuyan
Asawa
Anak3, kasama sina Leila at Nate
Kamag-anakAi-Ai delas Alas (pinsan)
Tita Duran (tiyahin)
Karera sa musika
Genre
Trabaho
  • Aktor
  • mang-aawit
  • kompositor
  • parodist
  • komedyante
  • personalidad sa telebisyon
Label
WebsiteOfficial website

Si Herminio Alcasid, Jr., na mas tanyag bilang Ogie Alcasid (ipinanganak 27 Agosto 1967), ay isang Pilipinong aktor, mang-aawit, kompositor, parodist, at komedyante.[1] Siya ang kasalukuyang Presidente ng OPM (Organisasyon ng Pilipinong Mang-Aawit).

Karera sa Recording

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Si Ogie Alcasid noong 2010.

Nagsimula si Alcasid bilang isang mang-aawit noong 1989 nang ilabas niya ang kanyang sariling pangalang album na Ogie Alcasid na umabot sa antas na gold record status, samantalang ang kanyang unang single na "Nandito Ako" ay pinarangalang bilang "Awit ng Taon" ng lokal na estasyong pang-radyo na Magic 89.9. Simula noon ay nakapaglabas na siya ng 18 pang mga album, kasama ang album pangpasko na Larawan ng Pasko noong 1994, isang live album (OA sa Hits (Live)) noong 2002, at apat na greatest hits album.

Siya ay nakatanggap ng kabuuang labindalawang Ginto, tatlong Platinum at tatlong Doble Platinum na records[2]

Karera sa Telebisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagsimula ang karera ni Alcasid sa telebisyon bilang isa sa mga host ng palabas pangkomedya na Small Brothers sa ABS-CBN noong 1992. Lumabas din siya sa ibang mga programang pangkomedya ng ABS-CBN gaya ng Mana Mana (mula 1991 hanggang 1992), sa programang Tropang Trumpo sa ABC mula (1994 hanggang 1995), sa programang Bubble Gang ng GMA Network (mula 1995 hanggang kasalukuyan), at sa programang Ay, Robot! ng QTV (mula 2005-2007).

Taon Inilabas Pamagat Sertipikasyon
1989 Ogie Alcasid Ginto
1990 Pagkakataon
1992 A Step Ahead Platinum
1994 On Air Doble Platinum
1994 Larawan ng Pasko
1995 A Different Light Ginto
1997 Phases
1998 Ogie 10th: All the Best Platinum
2000 Now and Then Ginto
2001 Movie Moments
2002 A Better Man Doble Platinum
2002 OA sa Hits (Live) Ginto
2003 Mga Kuwento ng Pag-ibig Doble Platinum
2004 The Songbird and the Songwriter Platinum
2004 I Am a Singer Ginto
2005 Ogie Alcasid Greatest Hits Ginto
2006 Greatest Hits, an Audio-visual Anthology Ginto
2006 Lumilipad Ginto
2007 Ogie All the Classics Ginto
2008 The Great Filipino Songbook Ginto at Platinum
2012 Ngayon at Kailanman: A Tribute to George Canseco Ginto
2012 The Songwriter and Hitmakers Ginto
2016 Ikaw Ang Buhay Ko
2017 Nakakalokal

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Ogie Alcasid profile sa iGMA.tv
  2. Ogie Alcasid official website Naka-arkibo 2008-01-15 sa Wayback Machine. (All pages are directed to a single link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]