Pumunta sa nilalaman

Apoy ng Olimpiko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Olimpikong Sulo)
2008 Olimpiko Sulo ay dumadaan sa Londres.

Ang Apoy ng Olimpiko o Sulong Olimpiko ay isang sagisag ng Palarong Olimpiko.[1] Ito ay isang parangalang pang-ala-ala ng pagnanakaw ng apo mula sa diyos na Griyego na si Zeus, ang pinagmulan ay nasa lumang Gresya. Ang apoy ay muling ipinakilala sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 1928 sa Amsterdam, at naging bahagi ng makabagong Palarong Olimpiko nang mula't sapul. Ang pagpasa ng sulo ng makabagong panahon na dinadala ang apoy mula sa Gresya sa mga iba't ibang inatasang pook ng palaro ay walang pinagkakasumundan at ipinakilala ni Carl Diem, at may kandili ni Joseph Goebbels sa masigalot na Palarong Berlin bilang paraan sa pagtataguyod ng ideyolohiyang Nasi.[2]

Ang Sulong Olimpiko sa kasalukuyan ay nilatang ng ilang buwan bago ang pagdiriwang ng pagbubukas ng Palarong Olimpiko sa pinagdausan ng Sinaunang Palarong Olimpiko sa Olimpiya, Gresya. Ang mga labing-isang babae, na gumaganap bilang mga babaeng pari, ay nagtatanghal ng isang seremonya kung saan ang sulo ay nasindihan sa pamamagitan ng liwanag ng Araw, ang mga sinag na ito ay nakatuon sa parabolikong salamin.

Ang Pagpasa ng Sulong Olimpiko ay nagtatapos sa araw ng seremonya ng pagbubukas sa istadyum sentral ng Palaro. Ang huling tagapagdala ay palaging nasa paglilihim hanggang sa pagdating ng huling sandali, at ang karaniwan ay isang sikat na manlalaro ng namumunung-abalang bansa. Ang huling tagabuhat ng sulo ay tumatakbo patungo sa kawa, na palaging nasa itaas ng malawak na hagdanan, at sumunod gumagamit ng sulo upang magsimula ang apoy sa istadyum. Itinuturing itong isang magiting na karangalan na makiusap na sindihan ang Apoy ng Olimpiada. Pagkatapos ng pagsindi, ang apoy ay nagliliyab nang tuluy-tuloy sa kabuuan ng Olimpiada.

Mula nagdiriwang ang unang palarong Olimpiko sa panahon ng makabago, ang Sulong Olimpiko ay naging sagisag ng kapayapaan sa pagitan ng mga lupalop (ganundin ang mga Olimpiyano, na nagbabahagi ng gampaning ito sa ating makabagong pagdiriwang).