Pumunta sa nilalaman

Panunumpang Olimpiko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Panunumpang Olimpiko ay isinasaalang-alang ng isang manlalaro at isang hukom sa seremonya ng pagbubukas ng bawat Palarong Olimpiko.

Ang manlalaro, mula sa kuponan ng namumunung-abalang bansa, ay humahawak sa dulo ng Watawat ng Olimpiada habang binibigkas ang panunumpa:

Sa ngalan ng lahat ng mga mananaligsa, ipinapangako ko na gagampanan bilang bahagi ng Palarong Olimpiko, gumagalang at sumusunod sa mga tuntunin na namamahala sa kanila, mapagkakatiwalaan kami sa isang palakasan na walang paggamit ng narkotiko at walang droga, sa tunay na diwa ng mabuting pakikipaglaro, ukol sa kaluwalhatian ng palakasan at dangal ng mga ating koponan.[1]

Ang hukom, mula rin sa namumunung-abalang bansa, tulad din na humahawak sa dulo ng watawat subali't may kaibahan nang bahagya sa pagbibigkas ng panunumpa:

Sa ngalan ng lahat ng mga hukom at tagapamahala, ipinapangako ko na maglilingkod kami sa aming tungkulin sa mga Palarong Olimpikong ito na walang kinikilingan at walang pinapanigan nang lubos, gumagalang at sumusunod sa mga tuntunin na namamahala sa kanila sa tunay na diwa ng mabuting pakikipaglaro.[1]

Isang panawagan ukol sa panunumpa ay ipinahayag noong 1906 ng tagapagtatag at pangulo ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko na si Pierre de Coubertin sa Revue Olympique (Pagsusuring Olimpiko sa wikang Pranses).[1] Ginawa ito sa kusa upang tiyakin na walang kinikilingan at walang pinapanigan.[1]

Ang Panunumpa ng Olimpiko ay unang nabighani sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 1920 sa Antwerp ng isang manlalaro ng Eskrima/polong pantubig. Ang unang panunumpa ng hukom ay nabighani sa Palarong Olimpiko sa Taglamig 1972 sa Sapporo.

Ang panunumpa ni Victor Boin noong 1920 ay

Sumusumpa ako. Gagampanan namin bilang bahagi sa Palarong Olimpiko sa diwa ng matandang kaugalian ng kagandahang asal, ukol sa dangal ng ating bansa at ukol sa kaluwalhatian ng palakasan.[1]

Noong 1961, ang "sumusumpa" ay napalitan ng "ipinapangako" at "dangal ng mga ating bansa" sa "dangal ng mga ating koponan" sa isang halatang pagpupunyagi upang mabawasan ang pagkamakabansa sa Palarong Olimpiko.[1] Ang bahagi na may alintana sa paggamit ng narkotiko ay nadagdagan sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2000.

Mga tagapagbigkas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga manlalaro at hukom na nakapagbigkas ng Panunumpang Olimpiko ay nakatala sa ibaba.

Panunumpang Olimpiko
Mga Olimpiko Manlalaro Hukom
Palarong Olimpiko sa Tag-init 1920 Victor Boin -
Palarong Olimpiko sa Taglamig 1924 Camille Mandrillon -
Palarong Olimpiko sa Tag-init 1924 Georges André -
Palarong Olimpiko sa Taglamig 1928 Hans Eidenbenz -
Palarong Olimpiko sa Tag-init 1928 Harry Dénis -
Palarong Olimpiko sa Taglamig 1932 Jack Shea -
Palarong Olimpiko sa Tag-init 1932 George Calnan -
Palarong Olimpiko sa Taglamig 1936 Willy Bogner, Sr. -
Palarong Olimpiko sa Tag-init 1936 Rudolf Ismayr -
Palarong Olimpiko sa Taglamig 1948 Bibi Torriani -
Palarong Olimpiko sa Tag-init 1948 Donald Finlay -
Palarong Olimpiko sa Taglamig 1952 Torbjørn Falkanger -
Palarong Olimpiko sa Tag-init 1952 Heikki Savolainen -
Palarong Olimpiko sa Taglamig 1956 Giuliana Minuzzo -
Palarong Olimpiko sa Tag-init 1956 John Landy (Melbourne)
Henri Saint Cyr (Stockholm)
-
Palarong Olimpiko sa Taglamig 1960 Carol Heiss -
Palarong Olimpiko sa Tag-init 1960 Adolfo Consolini -
Palarong Olimpiko sa Taglamig 1964 Paul Aste -
Palarong Olimpiko sa Tag-init 1964 Takashi Ono -
Palarong Olimpiko sa Taglamig 1968 Léo Lacroix -
Palarong Olimpiko sa Tag-init 1968 Pablo Garrido -
Palarong Olimpiko sa Taglamig 1972 Keiichi Suzuki Fumio Asaki
Palarong Olimpiko sa Tag-init 1972 Heidi Schüller Heinz Pollay
Palarong Olimpiko sa Taglamig 1976 Werner Delle Karth Willy Köstinger
Palarong Olimpiko sa Tag-init 1976 Pierre St.-Jean Maurice Fauget
Palarong Olimpiko sa Taglamig 1980 Eric Heiden Terry McDermott
Palarong Olimpiko sa Tag-init 1980 Nikolai Andrianov Alexander Medved
Palarong Olimpiko sa Taglamig 1984 Bojan Križaj Dragan Perovic
Palarong Olimpiko sa Tag-init 1984 Edwin Moses Sharon Weber
Palarong Olimpiko sa Taglamig 1988 Pierre Harvey Suzanna Morrow-Francis
Palarong Olimpiko sa Tag-init 1988 Hur Jae
Shon Mi-Na
Lee Hak-Rae
Palarong Olimpiko sa Taglamig 1992 Surya Bonaly Pierre Bornat
Palarong Olimpiko sa Tag-init 1992 Luis Doreste Blanco Eugeni Asensio
Palarong Olimpiko sa Taglamig 1994 Vegard Ulvang Kari Karing
Palarong Olimpiko sa Tag-init 1996 Teresa Edwards Hobie Billingsley
Palarong Olimpiko sa Taglamig 1998 Kenji Ogiwara Junko Hiramatsu
Palarong Olimpiko sa Tag-init 2000 Rechelle Hawkes Peter Kerr
Palarong Olimpiko sa Taglamig 2002 Jimmy Shea Allen Church
Palarong Olimpiko sa Tag-init 2004 Zoi Dimoschaki Lazaros Voreadis
Palarong Olimpiko sa Taglamig 2006 Giorgio Rocca Fabio Bianchetti
Palarong Olimpiko sa Tag-init 2004 Zoi Dimoschaki Lazaros Voreadis
Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 Zhang Yining[2] Huang Liping[2]
Palarong Olimpiko sa Taglamig 2010 Hayley Wickenheiser Michel Verrault
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 Wendl, Karel. "Ang Panunumpa ng Olimpiko - Isang Maikling Kasaysayan" Citius, Altius, Fortius (Pahayagan ng Kasaysayan ng Olimpiada mula 1997). Taglamig 1995. mga pahinang 4,5. Naka-arkibo 2008-09-07 sa Wayback Machine.
  2. 2.0 2.1 "IOC 2008 Summer Olympics". Olympic.org. Nakuha noong 2011-10-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)