Palarong Olimpiko sa Tag-init 2000
Mala-patalastas po ang pagkakasulat sa artikulo na ito. (April 2018)
Malaking tulong po kung matatanggal niyo ang mga promosyonal na nilalaman pati na rin po ng mga di kinakailangan o walang kabuluhang kawing, gayundin kung makakadagdag po kayo ng nilalamang pang-ensiklopedya na nakasulat nang patas at walang kinikilingan. |
Palaro ng XXVII Olimpiyada {{{localname}}} | |
Punong-abala | Sydney, New South Wales, Australia |
---|---|
Salawikain | Share the spirit - dare to dream. The games of the new millennium. Ibahagi ang diwa, mangahas na mangarap. Ang palaro ng bagong milenyo. |
Estadistika | |
Bansa | 199 |
Atleta | 10,651 (6,582 men, 4,069 women)[1] |
Paligsahan | 300 in 28 sports (40 disciplines) |
Seremonya | |
Binuksan | 15 September |
Sinara | 1 October |
Binuksan ni | |
Nagsindi | |
Estadyo | Stadium Australia |
Kronolohiya | |
Tag-init | Nakaraan 1996 Atlanta Susunod 2004 Athens |
Taglamig | Nakaraan 1998 Nagano Susunod 2002 Salt Lake City |
Ang Palarong Olimpiko sa Tag-init 2000, na opisyal na kilala bilang Mga Laro ng XXVII Olympiad at karaniwang kilala bilang Sydney 2000 o ang Millennium Olympic Games / Mga Laro ng Bagong Milenyo, ay isang pang-internasyonal na multi-sport event na ginanap sa pagitan ng 15 Setyembre at 1 Oktubre 2000 sa Sydney, Bagong Timog Wales, Australia. Ito ang pangalawang beses na ginanap ang Summer Olympics sa Australia, at pati na rin ang Southern Hemisphere, ang una ay nasa Melbourne, Victoria, noong 1956. Nanguna sa Estados Unidos ang talahanayan ng medalya, na nanalo ng pinakamaraming ginto at pangkalahatang mga medalya.
Pagpili ng Host ng lungsod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Sydney ay nanalo ng karapatang mag-host ng Mga Laro noong ika-24 ng Setyembre 1993, matapos na mapili sa Beijing, Berlin, Istanbul at Manchester sa apat na pag-ikot ng pagboto, sa ika-101 na IOC Session sa Monte Carlo, Monaco. Ang lungsod ng Australia ng Melbourne ay nawala sa Atlanta para sa 1996 Summer Olympics apat na taon bago. [3] Nawalan ng bid ang Beijing na mag-host ng mga laro sa Sydney noong 1993, ngunit sa kalaunan ay iginawad ang 2008 Summer Olympics noong Hulyo 2001 matapos na mag-host ang Sydney sa nakaraang taon, at sa huli ay iginawad ang 2022 Winter Olympics dalawampu't dalawang taon mamaya sa 2015. Bagaman imposibleng malaman kung bakit bumoto ang mga miyembro ng International Olympic Committee para sa Sydney sa Beijing noong 1993, lumilitaw na isang mahalagang papel ang ginampanan ng kampanya ng Human Rights Watch na "itigil ang Beijing" dahil sa talaan ng karapatang pantao ng China. Marami sa Tsina ang nagalit sa kanilang nakita bilang panghihimasok sa Estados Unidos sa boto, at ang kinalabasan ay nag-ambag sa pagtaas ng sentimento laban sa Kanluranin sa Tsina at pag-igting sa relasyon ng Sino-Amerikano.[4]
2000 Summer Olympics bidding results[5] | |||||
---|---|---|---|---|---|
City | NOC Name | Round 1 | Round 2 | Round 3 | Round 4 |
Sydney | Australia | 30 | 30 | 37 | 45 |
Beijing | China | 32 | 37 | 40 | 43 |
Manchester | Great Britain | 11 | 13 | 11 | — |
Berlin | Germany | 9 | 9 | — | — |
Istanbul | Turkey | 7 | — | — | — |
Mga sagisag
[baguhin | baguhin ang wikitext]Logo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang logo ng anyaya ay naglalarawan ng imahe ng Bahay Opera ng Sydney, habang ang opisyal na logo ay naglalarawan ng imahe ng isang mananakbo sa tinag at dinisenyo ng bantog na artista na si Ken Done.
Mga maskot
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga opisyal na maskot na napili para sa Olimpikong Tag-init 2000 ay sina:[6]
- Syd ang Platipus — pinangalanan para sa 'Sydney', ang punong-abalang lungsod ng Palaro
- Millie ang Ekidna — pinangalanan para sa 'Millennium'
- Olly ang Kukabura — pinangalanan para sa 'Olympics'
Palaro
[baguhin | baguhin ang wikitext]Seremonya ng Pagbubukas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsimula ang seremonya ng pagbubukas na may pasasalamat sa pamanang Awstralyanong pagpapastol ng langkayan (o "paglilipon"), kung saan ang mga tagapag-alaga ng mga hayop na nagtitipon nang sama-sama sa hayupan mula sa mga malawak na lugar ng mga kordero o himpilan ng mga baka mula sa liblib na pook ng Australia, na sumasagisag ng lamin kasama ang mga tao mula sa mga panig ng daigdig. Ito ay ipinakilala ng bukod-tanging mangangabayo na si Steve Jefferys, at kanyang naandukhang Awstralyanong Pintong-Kabayo na si Ammo. Sa paghampas ng latigo ni Jeffrey, pumasok ang humigit sa 120 mangangabayo sa Istadyum, ang kanilang mga kabayo ay nagsagawa ng mga masaligutgot na hakbang, kabilang ang pagkakabuo ng limang Olimpikong Singsing, sa isang tanging Olimpikong bersyon ng tikha na dating nilikha ni Bruce Rowland para sa pelikulang The Man from Snowy River na ginawa noong 1982.
Ang Pambansang Awit ng Australia (Sulong Marilag na Australia) ay inawit, ang unang panulaan ay sa Human Nature at ang pangalawa ay kay Julie Anthony.
Tinuloy ang seremonya, pinapakita ang maraming asta ng lupa at mga tao nito:- ang likas na hilig ng pinakamahalagang nagtatahang-baybaying Awstralyano na may dagat na pinalibutan ng "Lupalop na Pulo". Ang pananahanan ng mga katutubo sa lupa, ang pagdating ng Unang Plota, ang natuloy na imigrasyon mula sa mga maraming bansa at ang industriyang pangnayon kung saan nabuo ang ekonomiya ng bansa, kabilang ang pagpapakita na kumakatawan ng kalupitan ng pangnayong buhay batay sa larawang-pinta ni Gat Sidney Nolan. Dalawang katangi-tanging tagpo ay representasyon ng "Puso" ng bansa ng 200 Taal na babae mula sa Gitnang Awstralia na umindak "ang makapangyarihang kaluluwa ng Maykapal upang kalingain ang Palaro" at ang napakatindi at maingay na representasyon ng industriya ng pagtatayo ng mga tinedyer na sumasayaw ng tapik.
Ang nagbukas ng palaro ay si Gobernador-Heneral Gat William Deane.
Nagtapos ang seremonya ng pagbubukas sa pag-iilaw ng Olimpikong Apoy. Dinala ng dating Awstralyanong kampoen ng Olimpiko na si Herb Elliott ang Olimpikong Apoy sa istadyum. Pagkatapos, sa pagdiriwang ng 100 taon ng paglalahok ng mga kababaihan sa Palarong Olimpiko, ang mga dating Awstralyanang kampeon ng Olimpiko: Betty Cuthbert, Raelene Boyle, Dawn Fraser, Shirley Strickland (ngayo'y Shirley Strickland de la Hunty), Shane Gould at Debbie Flintoff-King ay dinala ang sulo sa loob ng istadyum, at ibinigay sa huli kay Cathy Freeman, na nagsindi ng apoy sa kawang sa palibot ng bilog ng apoy.
Parada ng mga Bansa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isang tala ng 199 na bansa na pumasok sa istadyum, ang nawawalang kasapi ng IOC lamang ay ang Apganistan (bininbin dahil sa pagbabawal ng rehimeng Taliban sa anumang uri ng mga palakasan). Naging isa sa mga tampok sa seremonya ay ang pinagkaisahang pagpasok ng mga manlaalro ng Hilaga at Timog Korea, na gumagamit ng tanging nakadisenyo ng pangpinagkaisahang watawat: isang puting watawat na may bughaw na mapa ng Koriyanong Tangway. Subali't ang dalawang kuponan ay nakipagpaligsahan nang hiwalay. Ang mga apat na manlalaro mula sa Silangang Timor ay nagmartsa sa parada ng mga bansa. Bagama't wala pang Pambansang Lupon ng Olimpiko ang bansa na magkakaroon nito nang balang-araw, pinayagan sila na makipagpaligsahan sa ilalim ng Olimpikong Watawat.
Seremonya ng Pagtatapos
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsimula ang Seremonya ng Pagtatapos sa pag-awit ni Christine Anu ng pumupukaw na pagtatanghal ng kanyang sikat na awit. Nagtanghal siya kasama ang mga Taal na mananayaw sa itaas ng Entabladong Geodome sa gitna ng Istadyum, sa palibot na may maraming payong at kahong-ilaw ng mga bata na naglikha ng larawan ng Taal na panahong-pangarap.
Ang Entabladong Geodome ay ginamit sa kabuuan ng sremonya, na ito ay isang sapad na entablado na inangat nang mekanikal hanggang makabuo ng hugis ng Geode.
Ipinahayag ng Pangulo ng IOC na si Juan Antonio Samaranch sa Seremonya ng Pagtatapos,
"Ipinagmamalaki ko at masayang puriin na ipinalabas ninyo sa daigdig ang pinakamagandang Palarong Olimpiko sa anumang panahon."
Ang mga kasunod na Palarong Olimpiko na ginanap sa Atenas at Beijing ay nailarawan ng kapalit ni Samaranch na si Jacques Rogge, bilang "di-malimutang Palaro na may pangarap" at "lubos na pambihira."
Ang Olimpikong Himno ay inawit ng soprano na si Yvonne Kenny. Ang seremonya ay nagpalabas ng mga nagtatanghal na artista tulad nina Jimmy Barnes, INXS, Midnight Oil, Kylie Minogue, Slim Dusty, Christine Anu, Nikki Webster, John Paul Young, Men at Work, mang-aawit na nakabase sa Melbourne Vanessa Amorosi, Tommy Emmanuel CGP, at dalawang mang-aawit ng popular na musikang Savage Garden.
Ang Palaro ay pagkatapos inilipat sa makabagong lugar ng kapanganakan, Atenas. Natapos ang seremonya na may mga malalaking paputok na ipinalabas sa Daungang Sydney.
Palakasan
[baguhin | baguhin ang wikitext]
|
|
|
|
Mga bansang lumahok
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga 199 Pambansang Lupon ng Olimpiko (NOC) ay lumahok sa Palarong Sydney, humigit nang dalawa sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 1996. Sa karagdagan, may mga apat na taga-Timor na Mga Pangisahang Olimpikong Manlalaro sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2000. Napasinaya sila sa Olimpiko ang mga bansang Eritriya, Mikronesya at Palaw sa taong ito.
Ang Apganistan ay ang kalahok na 1996 lamang na hindi lumahok noong 2000, na pinagbawalan dahil sa sukdulang tuntunin ng siphayo ng Taliban sa kababaihan at ang pagbabawal nito sa palakasan.
- Independent Olympic Athletes (kumakatawang Silangang Timor)
Talahanayan ng medalya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Punong-abalang bansa (Australia)
Antas | Bansa | Ginto | Pilak | Tanso | Kabuuan |
---|---|---|---|---|---|
1 | United States (USA) | 36 | 24 | 31 | 91 |
2 | Russia (RUS) | 32 | 28 | 28 | 88 |
3 | China (CHN) | 28 | 16 | 15 | 59 |
4 | Australia (AUS) | 16 | 25 | 17 | 58 |
5 | Germany (GER) | 13 | 17 | 26 | 56 |
6 | France (FRA) | 13 | 14 | 11 | 38 |
7 | Italy (ITA) | 13 | 8 | 13 | 34 |
8 | Netherlands (NED) | 12 | 9 | 4 | 25 |
9 | Cuba (CUB) | 11 | 11 | 7 | 29 |
10 | Great Britain (GBR) | 11 | 10 | 7 | 28 |
11 | Romania (ROU) | 11 | 6 | 9 | 26 |
12 | South Korea (KOR) | 8 | 10 | 10 | 28 |
13 | Hungary (HUN) | 8 | 6 | 3 | 17 |
14 | Poland (POL) | 6 | 5 | 3 | 14 |
15 | Japan (JPN) | 5 | 8 | 5 | 18 |
16 | Bulgaria (BUL) | 5 | 6 | 2 | 13 |
17 | Greece (GRE) | 4 | 6 | 3 | 13 |
18 | Sweden (SWE) | 4 | 5 | 3 | 12 |
19 | Norway (NOR) | 4 | 3 | 3 | 10 |
20 | Ethiopia (ETH) | 4 | 1 | 3 | 8 |
21 | Ukraine (UKR) | 3 | 10 | 10 | 23 |
22 | Kazakhstan (KAZ) | 3 | 4 | 0 | 7 |
23 | Belarus (BLR) | 3 | 3 | 11 | 17 |
24 | Canada (CAN) | 3 | 3 | 8 | 14 |
25 | Spain (ESP) | 3 | 3 | 5 | 11 |
26 | Turkey (TUR) | 3 | 0 | 2 | 5 |
27 | Iran (IRI) | 3 | 0 | 1 | 4 |
28 | Czech Republic (CZE) | 2 | 3 | 3 | 8 |
29 | Kenya (KEN) | 2 | 3 | 2 | 7 |
30 | Denmark (DEN) | 2 | 3 | 1 | 6 |
31 | Finland (FIN) | 2 | 1 | 1 | 4 |
32 | Austria (AUT) | 2 | 1 | 0 | 3 |
33 | Lithuania (LTU) | 2 | 0 | 3 | 5 |
34 | Azerbaijan (AZE) | 2 | 0 | 1 | 3 |
35 | Slovenia (SLO) | 2 | 0 | 0 | 2 |
36 | Switzerland (SUI) | 1 | 6 | 2 | 9 |
37 | Indonesia (INA) | 1 | 3 | 2 | 6 |
38 | Slovakia (SVK) | 1 | 3 | 1 | 5 |
39 | Mexico (MEX) | 1 | 2 | 3 | 6 |
40 | Algeria (ALG) | 1 | 1 | 3 | 5 |
41 | Uzbekistan (UZB) | 1 | 1 | 2 | 4 |
42 | Latvia (LAT) | 1 | 1 | 1 | 3 |
42 | Yugoslavia (YUG) | 1 | 1 | 1 | 3 |
44 | Bahamas (BAH) | 1 | 1 | 0 | 2 |
45 | New Zealand (NZL) | 1 | 0 | 3 | 4 |
46 | Estonia (EST) | 1 | 0 | 2 | 3 |
46 | Thailand (THA) | 1 | 0 | 2 | 3 |
48 | Croatia (CRO) | 1 | 0 | 1 | 2 |
49 | Cameroon (CMR) | 1 | 0 | 0 | 1 |
49 | Colombia (COL) | 1 | 0 | 0 | 1 |
49 | Mozambique (MOZ) | 1 | 0 | 0 | 1 |
52 | Brazil (BRA) | 0 | 6 | 6 | 12 |
53 | Jamaica (JAM) | 0 | 4 | 3 | 7 |
54 | Nigeria (NGR) | 0 | 3 | 0 | 3 |
55 | Belgium (BEL) | 0 | 2 | 3 | 5 |
55 | South Africa (RSA) | 0 | 2 | 3 | 5 |
57 | Argentina (ARG) | 0 | 2 | 2 | 4 |
58 | Chinese Taipei (TPE) | 0 | 1 | 4 | 5 |
58 | Morocco (MAR) | 0 | 1 | 4 | 5 |
60 | North Korea (PRK) | 0 | 1 | 3 | 4 |
61 | Moldova (MDA) | 0 | 1 | 1 | 2 |
61 | Saudi Arabia (KSA) | 0 | 1 | 1 | 2 |
61 | Trinidad and Tobago (TRI) | 0 | 1 | 1 | 2 |
64 | Ireland (IRL) | 0 | 1 | 0 | 1 |
64 | Uruguay (URU) | 0 | 1 | 0 | 1 |
64 | Vietnam (VIE) | 0 | 1 | 0 | 1 |
67 | Georgia (GEO) | 0 | 0 | 6 | 6 |
68 | Costa Rica (CRC) | 0 | 0 | 2 | 2 |
68 | Portugal (POR) | 0 | 0 | 2 | 2 |
70 | Armenia (ARM) | 0 | 0 | 1 | 1 |
70 | Barbados (BAR) | 0 | 0 | 1 | 1 |
70 | Chile (CHI) | 0 | 0 | 1 | 1 |
70 | Iceland (ISL) | 0 | 0 | 1 | 1 |
70 | India (IND) | 0 | 0 | 1 | 1 |
70 | Israel (ISR) | 0 | 0 | 1 | 1 |
70 | Kuwait (KUW) | 0 | 0 | 1 | 1 |
70 | Kyrgyzstan (KGZ) | 0 | 0 | 1 | 1 |
70 | Macedonia (MKD) | 0 | 0 | 1 | 1 |
70 | Qatar (QAT) | 0 | 0 | 1 | 1 |
70 | Sri Lanka (SRI) | 0 | 0 | 1 | 1 |
Lahat-lahat | 297 | 299 | 325 | 921 |
Binitiwan ni Marion Jones, nanalo ng tatlong ginto at dalawang tansong medalya mula sa Estados Unidos, ang mga ito noong Oktubre 2007 pagkatapos umamin na gumamit siya ng tetrahidrohestrinona (THG) mula Setyembre 2000 hanggang Hulyo 2001.[7] Inalis nang pormal ng IOC kay Jones at ang kanyang kapwa-manlalaro sa pagpasa ng baton ang kanilang limang medalya, bagama't ang kanyang kalaro ay napag-alukan na ipakita ang kaso ukol sa pag-iwan ng mga kanilang natitirang medalya.[8] Pinagbawalan din si Jones sa pakikipagpaligsahan sa loob ng dalawang taon ng IAAF.[9]
Noong Ika-2 ng Agosto, 2008, inalis ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko ang gintong medalya mula sa panlalaking kuponan ng 4x400-metrong pagpasa ng baton ng Estados Unidos, pagkatapos umamin si Antonio Pettigrew sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.[10] Tatlo sa mga apat na mananakbo sa kaganapang huling laro, kabilang sina Pettigrew, kambal na Alvin at Calvin Harrison, at paunang yugtong mananakbong Jerome Young, ay lahat na umaminh o nasuring positibo sa drogang pampabuti ng pagsasagawa.[10] Sina Angelo Taylor, na tumakbo rin sa mga yugto ng paunang laro, at ang humahawak ng pandaigdigang tala na si Michael Johnson lamang ay hindi nadawit.[10] Ang medalya ay ang ikalimang gintong medalya para kay Johnson na humahawak ng pandaigdigang tala, na isinalaysay na nakapagplano siya sa pagbabalik ng medalya dahil naramdaman niyang "nadaya, nakanulo at naunsiyami" ng sinumpaang pahayag ni Pettigrew.[10] Ang posisyong pangmedalyang ginto para sa kaganapang ito ay kasalukuyang bakante.
Lugar
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sydney Olympic Park
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Olympic Stadium: Ceremonies (opening/closing), Athletics, Football (final)
- Sydney International Aquatic Centre: Diving, Modern Pentathlon (swimming) Swimming, Synchronised Swimming, Water Polo (medal events)
- State Sports Centre: Table Tennis, Taekwondo
- NSW Tennis Centre: Tennis
- State Hockey Centre: Field Hockey
- The Dome and Exhibition Complex: Badminton, Basketball, Gymnastics (rhythmic), Handball (final), Modern Pentathlon (fencing, shooting), Volleyball (indoor)
- Sydney SuperDome: Gymnastics (artistic, trampoline), Basketball (final)
- Sydney Baseball Stadium: Baseball, Modern Pentathlon (riding, running)
- Sydney International Archery Park: Archery
Sydney
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Sydney Convention and Exhibition Centre: Boxing, Fencing, Judo, Weightlifting, Wrestling
- Sydney Entertainment Centre: Volleyball (indoor final)
- Dunc Gray Velodrome: Cycling (track)
- Sydney International Shooting Centre: Shooting
- Sydney International Equestrian Centre: Equestrian
- Sydney International Regatta Centre: Rowing, Canoeing (sprint)
- Blacktown Olympic Centre: Baseball, Softball
- Western Sydney Parklands: Cycling (mountain biking)
- Ryde Aquatic Leisure Centre: Water Polo
- Penrith Whitewater Stadium: Canoeing (slalom)
- Bondi Beach: Volleyball (beach)
- Sydney Football Stadium: Football
- Olympic Sailing Shore Base: Sailing
- Centennial Parklands: Cycling (road)
- Marathon course: Athletics (marathon)
- North Sydney: Athletics (marathon start)
- Sydney Opera House: Triathlon
Sa labas ng Sydney
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Canberra Stadium, Canberra: Football
- Hindmarsh Stadium, Adelaide: Football
- Melbourne Cricket Ground: Football
- The Gabba (Brisbane Cricket Ground), Brisbane: Football
Organisasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang parteng ito ay bakante. Makakatulong ka sa pamamagitan ng pagdaragdag dito. |
Merkado
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Opisyal na logo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang parteng ito ay bakante. Makakatulong ka sa pamamagitan ng pagdaragdag dito. |
Ang Maskota
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isponsor
[baguhin | baguhin ang wikitext]Parangal at papuri
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang parteng ito ay bakante. Makakatulong ka sa pamamagitan ng pagdaragdag dito. |
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga tala at sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "The Olympic Summer Games Factsheet" (PDF). International Olympic Committee. Nakuha noong 5 Agosto 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "Factsheet - Opening Ceremony of the Games of the Olympiad" (PDF) (Nilabas sa mamamahayag). International Olympic Committee. 9 Oktubre 2014. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 14 Agosto 2016. Nakuha noong 22 Disyembre 2018.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: Unknown parameter|dead-url=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "IOC Vote History". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-25. Nakuha noong 2020-06-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Keys, Barbara (2018). "Harnessing Human Rights to the Olympic Games: Human Rights Watch and the 1993 'Stop Beijing' Campaign" (PDF). Journal of Contemporary History. 53 (2): 415–438. doi:10.1177/0022009416667791. hdl:11343/217038.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ GamesBids.com Past Olympic Host Cities List
- ↑ "Ang Maikling Kasaysayan ng mga Olimpiko at Paralimpikong Maskoti". Bejing2008. 2004-08-05. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-06-21. Nakuha noong 2006-10-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2008-06-21 sa Wayback Machine. - ↑ "Ibinalik ni Jones ang mga limang medalya mula sa Olimpikong Sydney 2000." ESPN Track and Field News. Ika-8 ng Oktubre, 2007.
- ↑ "Inalisan si Jones ng mga Olimpikong medalya." BBC Sport. Ika-12 ng Disyembre, 2007.
- ↑ "Inalis ng IOC kay Jones ng mga medalyang Sydney." ABC News. Ika-13 ng Disyembre, 2008.
- ↑ 10.0 10.1 10.2 10.3 Wilson, Stephen. "Inalis ng IOC ang ginto mula sa kuponang Estados Unidos ng pagpasa ng baton 2000." Associated Press. Ika-2 ng Agosto, 2008.
Mga panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pahina ng IOC sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2000
- Kabatiran ng Palarong Olimpiko ng Sydney Naka-arkibo 2010-05-23 sa Wayback Machine.
- Liwasang Olimpiko ng Sydney
- Seremonya ng Pagbubukas ng Palarong Olimpiko ng Sydney - Tanging Kaganapang Awstralyano Naka-arkibo 2006-12-30 sa Wayback Machine.
- Pahina ng Awstralyanong Lupon ng Olimpiko sa Olimpikong Sydnet 2000 Naka-arkibo 2007-09-08 sa Wayback Machine. - kabilang ang kabatiran at mga galerya ng mga larawan
- Olimpikong Sydney 2000 - Kultura at Libangan Naka-arkibo 2009-09-18 sa Wayback Machine.
- Palarong Olimpiko ng Sydney 2000 Naka-arkibo 2020-10-06 sa Wayback Machine. - mga nakasuping websayt sa PANDORA
Sinundan: Atlanta |
Palarong Olimpiko sa Tag-init Punong-abalang Lungsod Ika-XXVII Olimpiyada (2000) |
Susunod: Atenas |