Juan Antonio Samaranch
Juan Antonio Samaranch | |
---|---|
Pangulo ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko | |
Nasa puwesto 1980–2001 | |
Nakaraang sinundan | Panginoong Killanin |
Sinundan ni | Jacques Rogge |
Personal na detalye | |
Isinilang | 17 Hulyo 1920 Barselona, Espanya |
Yumao | 21 Abril 2010 | (edad 89)
Kabansaan | Espanya |
Si Don Juan Antonio Samaranch Torelló, Markes ng Samaranch (ipinanganak noong 17 Hulyo 1920) ay isang Kastilang opisyal sa palakasan at naging pangulo ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko (IOC) mula 1980 hanggang 2001.
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Samaranch, ipinanganak sa mayaman na pamilya, ay nag-aral ng kumersyo sa IESE Paaralan ng Negosyo sa Barselona. Naging chef de mission ng kuponang Kastila sa bilang ng mga kaganapang pang-Olimpiko, bago inatasan siya bilang Pampamahalaang Kalihim para sa Palakasan ng Kastilang Puno ng Estado Francisco Franco noong 1967, at naging pangulo ng Pambansang Lupon ng Olimpiko ng Espanya at kasapi ng IOC. Naging taong tanyag si Samaranch sa mga huling taon ng rehimeng Franco. Siya ay naging pangalawang-pangulo ng IOC mula 1974 at 1978, at inatasan siya bilang Kastilang lakansugo sa Unyong Sobyet at Munggolia mula 1977 hanggang 1980, dahil sa kanyang pagpupunyagi sa pagtaguyod ng kilusang Olimpiko, nabigyan siya ng titulo ng Marqués (Markes) de Samaranch ng Hari ng Espanya.
Pangkapangulo ng IOC
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nahalal si Samaranch bilang Pangulo ng IOC sa Ika-83 Pagpupulong ng IOC sa Moskow, kasabay ang kaganapang Palarong Olimpiko sa Tag-init 1980 - sa pagitan ng 15 Hulyo at 18 Hulyo 1980.[1]
Mga naisagawa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa panahon ng kanyang panunungkulan, ipinamahala ni Samaranch upang ang Kilusang Olimpiko ay maging malusog pagdating sa pananalapi, sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga malalaking kompanya ng pantelebisyon at tulong-pananalapi. Bagama't ang Palarong Olimpiko sa Tag-init 1984 ay nananatiling binoboykoteo ng blokeng Silangan, ang bilang ng mga bansa na may kasapian ng IOC at dumadami ang mga lumalahok sa bawat Palaro sa panahon ng panunungkulan ni Samaranch. Nais din ni Samaranch na makipagpaligsahan ang mga pinakamahusay na manlalaro sa Olimpiko, na namumuno sa paunting-unti ng mga bihasang manlalaro.
Isang naisagawa ni Samaranch ay tandisang nailigtas ang IOC sa mga problemang pananalapi sa kalagitnaan ng suliraning pampananalapi noong dekada 70. Ang palarong mismo ay itinuturing pabigat sa mga punong-abalang bansa na ang kinalabasan na walang matatagpuan na punong-abala para sa mga susunod na Olimpiko. Sa ilalim ni Samaranch, binalasa ng IOC ang mga kaayusang pantulong-pananalapi (manapa ay pinili na kumilos na may mga pandaigdigang tagapagtaguyod sa pananalapi kaysa sa nagpapahintulot ang bawat pambansang pederasyon na hawakan ang nasa pampook), at bagong kasunduan sa pambobrodkast na nadadala na may maraming salapi.
Naging kaugalian para kay Samaranch, habang nagbibigay ng talumpati ng Pangulo sa pagtatapos ng bawat Olimpikong Tag-init, na purihin ang mga nagsaayos sa bawat Olimpiyada ukol sa paglalagay ng "pinaka" sa Palaro. Kinimkim niya ang pariralang ito nang isang beses, sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 1996 sa Atlanta, Georgia[2] kung saan ang organisasyon ay nakarating sa ilalim ng mabigat na kritisismo.[3]
Kritisismo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Anong ginawa ng IOC pagdating sa mga bagong-tindig ng mga angaw ay, gayumpaman, ang dahilan ng maraming kuru-kuro at puna, na may iba pang pagpupuna sa labis na ginawang pangkalakalan ng kung saan nararapat ito bilang paligsahang pambaguhan, samantala ang mga iba ay nagsimulang magparatang ang IOC ng pangungurakot.
Sa panahon ng kanyang tungkulin bilang pangulo ng IOC, nangpupumilit si Samaranch na dapat ipatungkol sa kanya na may pamagat na "Kagalang-galang". Sa karagdagan, habang naglalakbay siya upang mangasiwa ng negosyong pang-Olimpiko, nangpupumilit siya na sumakay sa limosinang may truper gayundin ang pagtitira sa pampanguluhang silid sa pinakamagandang otel ng kung anumang lungsod na dinadayo niya. Ang IOC ay naglalagay ng taunang upa (sa halaga ng EU$500,000 bawat taon) sa pampanguluhang silid para sa kanyang pagtira sa Lausanne, Swesya, kung saan nakaluklok ang punung-himpilan ng IOC.[4]
Katiwalian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maliban sa kanyang bulagsak na pansamantalang matutuluyan, siya ay napupuna nang nadagdagan ukol sa paghuhukom at mga aliwaswas na paggamit ng narkotiko at talamak na katiwalian na nangyari sa ilalim ng kanyang bantay. Ang tagunton na may hangganan ay pagkatapos pinatalsik ang mga maraming kasapi ng IOC ukol sa pagtanggap ng mga suhol nguni't tiniyak si Samaranch ng maling-gawaing. Ipinahayag ni Samaranch na ang pinakamalalang krisis ay tapos na subali't isang pangkat ng mga dating manlalarong Olimpiko, na pinamunuan ni Mark Tewksbury, ay itinuloy ang pagtulak sa kanyang pagtanggal. May mga paratang ng pagbili ng boto sa matagumpay na pag-alok ng Lungsod Salt Lake, Utah par sa Palarong Olimpiko sa Taglamig 2002. Ang alingasngas ay naglalantad ng matinding pangungurakot sa loob ng IOC.
Panunuran
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 2001, hindi na naghain si Samaranch ukol sa panguluhan muli. Siya ay pumalit kay Jacques Rogge. kasundo siya ay naging Parangal na Pangulo sa Buhay ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko.
Siya ay nang-aamuki sa mga naghahalal para sa pag-alok ng Olimpikong 2012 ng Madrid, na naging isa sa mga huling limang kandidato, subali't inalis ito sa ikatlong yugto ng pagboto.
Pamilya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kanyang maybahay ay si Maria Teresa Salisachs Rowe, na ang kanyang palayaw ay "Bibí" (26 Disyembre 1931 - 16 Setyembre 2000), noong 1 Disyembre 1955. Nagkaroon ng dalawang supling. Ang kanyang anak na lalaki, Juan Antonio Samaranch Salisachs, ay kasalukuyang kasapi ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko. Mayroon din siyang anak na babae, Maria Teresa.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Pagsusuring Olimpiko, N154 Agosto 1980, pp. 410-412, nakalinya Naka-arkibo 2011-05-27 sa Wayback Machine.
- ↑ Simon Kuper, "Beijing strikes gold in the propaganda Olympics", Financial Times, 29 Setyembre 2007, p. 10.
- ↑ "The Coca Cola Olympics", Irish Times, 5 Agosto 1996, p. 15.
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-03-10. Nakuha noong 2008-09-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas ng kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Juan Antonio Samaranch at Olimpismo Naka-arkibo 2010-05-07 sa Wayback Machine.
Sinundan: Panginoong Killanin |
Pangulo ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko (IOC) 1980–2001 |
Susunod: Jacques, Kondeng Rogge |