Jacques Rogge
Kondeng Jacques Rogge | |
---|---|
Pangulo ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko | |
Kasalukuyang nanunungkulan | |
Unang araw ng panunungkulan 16 Hulyo 2001 | |
Nakaraang sinundan | Juan Antonio Samaranch |
Personal na detalye | |
Isinilang | Gante, Belhika | 2 Mayo 1942
Kabansaan | Belhika |
Si Jacques, Kondeng Rogge (ipinanganak noong 2 Mayo 1942) (pagbigkas [ˈrɔɣə] sa Olandes) ay isang Belhikanong nangangasiwa ng palakasan. Siya ay ikawalong pangulo ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko (IOC).
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isinilang si Rigge sa Gante, Belhika. Siya ay nagtapos sa Pamantasan ng Gante at isa nang ortopedikong maninistis pagdating sa propesyon. Nakapagpaligsahan siya sa pagyayate Palarong Olimpiko sa Tag-init 1968, 1972 at 1976, at nakapaglaro sa Belhikanong kuponang pambansa ng unyong ragbi.
Panunungkulan sa Olimpiko
[baguhin | baguhin ang wikitext]Naging pangulo si Rogge ng Belhikanong Lupon ng Olimpiko mula 1989 hanggang 1992, at pangulo ng mga Lupong Europeo ng Olimpiko mula 1989 hanggang 2001. Siya ay naging kasapi ng IOC noong 1991 at sumanib sa Lupong Pantagapagpaganap noong 1998. Siya ay hinirang, at pagkatapos itinaas sa Konde, ng Haring Alberto II ng Behika. Sa kanyang malayang oras, nakilala si Rogge sa pagkahilig sa mga makabagong sining at isa siyang masugid na mambabasa ng mga panitikang pangkasaysayan at hinggil sa agham.[1]
Nahalal si Rogge bilang pangulo ng IOC noong 16 Hulyo 2001 sa Ika-112 Pagpupulong ng IOC sa Moskow bilang kapalit kay Juan Antonio Samaranch, na namunuan ang IOC mula 1980.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno, nais ng IOC na maglikha ng mga maraming bagay na maaaring mangyari para sa ng umuunlad na bansa na mag-alok para sa at mamunong-abala ng Palarong Olimpiko. Naniniwala si Rogge na ang pananaw na ito ay makakamtan sa gi-gaanong malayong kinabukasan sa pamamagitan ng malaking pagtulong ng pamahalaan at mga bagong patakaran ng IOC na maglilikha ng hangganan sa laki, kasalimuutan at halaga ng pagpupunong-abala ng Palarong Olimpiko.
Sa Olimpikong Taglamig 2002 sa Lungsod ng Salt Lake, si Rogge ay naging kauna-unahang pangulo ng IOC na tumira sa nayong Olimpiko, upang masiyahan nang lubos ang pag-uugnay sa mga manlalaro.
Sa ilalim ng kanyang pamamahala, naging masigasig si Rogge sa pagtitiyak na ang beysbol at sopbol ay alisin mula sa Programang Olimpiko. Inayunan ang pasiya sa Ika-117 Pagpupulong ng IOC noong Hulyo 2005 sa Singapura at mapapalaganap ito sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2012 sa Londres. Gayumpaman, ipinahayag ni Rogge sa panahon ng pasiya na ang parehong palakasan ay maaaring manalo nang pabalik sa lugar sa mga susunod na Palarong Olimpiko.
Noong Pebrero 2008, tumugon si Rogge sa mga tanong ng mga mamamahayag tungkol sa pagbitiw ng Amerikanong direktor na si Steven Spielberg sa tungkulin bilang makasining tagapayo ukol sa Olimpikong Beijing dahil sa posisyon ni Spielberg sa kinalaman ng Tsina sa kaguluhan sa Darfur. "Ang pagkawala ni Spielberg ay hindi manganganib sa kalidad ng Palaro. Ang Palarong Beijing ay higit na malakas kaysa sa mga pangisahan." Ipinahayag niya na ang IOC ay "isang panlaro, hindi pampolitika, kapisanan." at "isa sa kanila ay hindi dapat manawagan sa IOC na maglutas ng mga suliraning pandaigdig."[2] Pagkalipas ng salawang buwan, noong 7 Abril 2008, ipinahayag ni Rogge sa Beijing na siya ay "nag-aalala" tungkol sa 2008 pag-aalsa sa Tibet, nguni't umiwas sa usap-usapan tungkol sa boykoteo ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008.[3] Sa pagpapahayag sa mga mamamahayag, sinabi ni Rogge noong 10 Abril 2008, "ikinalungkot" niya sa mga protesta sa San Francisco. "Ang Palaro ay patungkol sa kagandahang-loob," sabi ni Rogge. "Mayroon tayong 120 araw na makamit nito."[4]
Sa kalagitnaan ng Hulyo 2008, ibinatid ni Rogge na, "sa unang pagkakataon, ang mga dayuhang mamamahayag ay makakapag-ulat nang malaya at makapaglathala nang malaya sa Tsina. Walang mangyayaring panunuri sa mga lathalaing pang-Internet." Gayumpaman, noong 30 Hulyo 2008 inihayag ng tagapagsalita ng IOC na si Kevan Gosper na ang Internet ay tunay na dadaan muna sa sensura ukol sa mga mamamahayag sa Beijing para sa Olimpikong Tag-init 2008.[5] Si Gosper, na sinabi niyang hindi niya narinig tungkol dito, ay nagmungkahi na ang mga matataas na opisyal ng IOC (sakali kabilang ang Olandes na Hein Verbruggen at Pranses na pangkalahatang-tagapamahala na si Gilbert Felli, at karamihang naaayon sa mga kaalaman ni Rogge) ay nagkaroon ng lihim ng kasunduan sa mga Tsinong opisyal na payagan ang mga panunuri sa pamamahayag, na walang alam maski mula sa mediya o mga kasapi ng IOC.[6][7] Pagkatapos itinanggi ni Rogge ang mga pangyayari anumang uri ng pagpupulong na iyon, nguni't hindi niya iginiit na nangungunyapit ang Tsina sa mga nauunang katiyakan nito na ang Internet hindi dadaan sa sensura.
Napunahan si Rogge ukol sa pagpapagalitan sa pagbubunyi ni Usain Bolt pagkatapos manalo ng mga kaganapan sa atletika sa panahon ng Olimpikong Beijing 2008 sa Tsina.[8] Si Dan Wenzel, kolumnista ng Yahoo Sports na nagmamasid ng palarong Olimpiko 2008 sa Beijing, ay pinuna nang mahayap si Rogge sa pamamagitan ng paglalarawan sa kanya bilang "...isang klasikong ismid na burokrata." Sinagupa nang lubos ni Wenzel na ang "organisasyon ni Rogge ay nakalikha ng mga daplot ng mga manlalaro tulad ni Bolt pagkalipas ng mga taon, datapwa't naghahanap siya ng isang tao na tudyuhin.[9] Napuna rin siya ng pamayanang Griyego ukol sa pahayag batay sa ulat na "Ang Gresya ay nanalo ng gintong medalya nang dahil sa paggamit ng narkotiko", na binubunton sa diskwalipikasyon ng maraming manlalarong Griyego dahil sa paggamit ng narkotiko.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "2007 impressions", Het Laatste Nieuws, 31 December 2007
- ↑ China Daily-Xinhua. "Spielberg's move 'won't hurt' Games". 2008-02-18. Nakuha noong 2008-02-18. http://www.chinadaily.com.cn/china/2008-02/18/content_6461092.htm
- ↑ CNN "IOC president 'very concerned' about Tibet". 2008-04-06. Nakuha noong 2008-04-07. http://edition.cnn.com/2008/WORLD/asiapcf/04/06/beijing.ioc.ap/index.html Naka-arkibo 2008-07-18 sa Wayback Machine.
- ↑ CNN "Olympic chief 'saddened' by protests". 2008-04-06. Nakuha noong 2008-04-10. http://edition.cnn.com/2008/WORLD/asiapcf/04/09/olympics.torch/index.html Naka-arkibo 2008-09-23 sa Wayback Machine.
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-09-21. Nakuha noong 2008-09-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-08-12. Nakuha noong 2008-09-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-06-03. Nakuha noong 2008-09-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sports Illustrated, 2008". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-08-27. Nakuha noong 2008-09-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "mga nanalo at natalo sa Olimpikong Beijing", Yahoo Sports!, 24 Agosto, 2008
Sinundan: Raoul Mollet |
Pangulo ng Belhikanong Lupon ng Olimpiko (BOIC) 1989–1992 |
Susunod: Adrien Vanden Eede |
Sinundan: Juan Antonio Samaranch |
Pangulo ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko (IOC) 2001 – kasalukuyan |
Kasalukuyan |
- Mga kasapi ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko
- Mga Belhikanong manlalaro ng unyong ragbi
- Mga Belhikanong mangangarera ng baloto
- Mga Olimpikong manlalayag ng Belhika
- Mga manlalayag ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 1968
- Mga manlalayag ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 1972
- Mga manlalayag ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 1976
- Mga taga-Gante
- Mga Belhikanong maninistis
- Mga nagtapos ng Pamantasang Gante
- Mga Konde ng Belhika