Usain Bolt
Kailangang isapanahon ang artikulong ito.(Enero 2021) |
Personal na impormasyon | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Palayaw | Lightning Bolt | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Nasyonalidad | Jamaican | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Kapanganakan | [1] Sherwood Content, Trelawny, Jamaica[2] | 21 Agosto 1986||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Tirahan | Kingston, Jamaica | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Tangkad | 6 tal 5 pul (196 cm)[3] | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Timbang | 94 kg (207 lb)[4] | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Isport | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Isport | Track and field | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Kaganapan | Sprints | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Klab | Racers Track Club | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Mga nakamit at titulo | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Personal best(s) | 100 m: 9.58 WR (Berlin 2009)[5] 150 m: 14.35 WB (Manchester 2009)[6] | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Talaan ng medalya
|
Si Usain Bolt (IPA: [ju'seːn]) (ipinanganak noong Agosto 21, 1986) ay isang Hamaykanong manlalarong atletikang hagibis. Si Bolt ay may hawak ng mga talang pandaigdig at Olimpiko ukol sa 100 metro sa oras ng 9.69 na segundo, 200 metro sa oras ng 19.30 segundo at, kasama ang kanyang kapwa-manlalaro, ang 4x100 metrong pagpasa ng baton sa 37.10 segundo, na lahat ay nakatala sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008. Si Bolt ay naging unang tao na nanalo ng lahat ng mga tatlong kaganapan sa isang Olimpiko mula kay Carl Lewis noong 1984, at ang unang tao na nakatala ng mga pandaigdigang tala sa lahat ng tatlo sa isang Olimpiko. Ang kanyang pangalan at mga naisagawa sa paghahagibis ay nilikha ng mga ataga-mediya na "Lightning Bolt" o "Kidlat Bolt".[8]
Nakilala si Bolt nang manalo ng medalyang ginto sa 200 m karera sa 2002 Pandaigdigang Kampeonatong Pambata, na naging pinakabatang medalistang ginto sa paligsahang iyon. Noong 2004, sa Palarong CARIFTA, naging unang batang manlalarong hagibis si Bolt na tumakbo ng 200 m sa loob ng 20 segundo na may oras na 19.93 s, nakabasag ng talang pandaigdig ng kabataan ni Roy Martin sa dalawang-sampuhan ng segundo. Nakatala rin si Bolt sa mga tala ng ibang pangkabataang kaganapan.
Naging propesyonal si Bolt noong 2004 subali't hindi nakapaglaro nang halos ng kanyang unang dalawang kasagsagan nang dahil sa kapinsalaan; siya ay inalis sa unang yugto ng karerang 200 m sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2004. Noong 2007, nilampasan ni Bolt ang pambansang tala ng Hamayka ni Don Quarrie na may takbo ng 19.75 s. Noong Mayo 2008, nakatala si Bolt ng kanyang unang pandaigdigang tala sa 100 m na 9.72 s, tumitindi sa kanyang pansariling husay ng 9.76 s na nilikha sa unang bahagi ng buwan.
Mga naisagawa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pansariling husay ni Bolt ng 9.69 na segundo sa 100 metro ay ang pinakamabilis sa kasaysayan ng ligal na oras.[9] Nakapagtakbo si Tyson Gay na may oras ng 9.68 s sa 2008 Olimpikong Pagsubok ng EU subali't ang hanging buntot ng 4.1 m/s na lumampas sa ligal na hangganan ng 2.0 m/s na nakatala sa IAAF, na napawalang-bisa ang pagsasama bilang pandaigdigang tala.[10] Nakalikha rin si Obadele Thompson ng takbo na may 9.69 s noong 1996, nguni't hindi kinilala na ito ay nasa hanging buntot ng 5.0 m/s.[9]
Ang pansariling husay ni Bolt ng 19.30 s ay ang 200 metrong pandaigdigang tala at Olimpikong tala. Ito ay nakatala sa 2008 Palarong Beijing laban sa hanging ulo ng 0.9 m/s. Nabasag ng takbo ang dating pandaigdigang tala at Olimpikong tala ni Michael Johnson sa oras ng19.32 s. Pagkatapos ng mga nakatalang takbo nina Bolt at Johnson, ang sumunod na pinakamabilis na oras ay tatlong-sampuhan ng segundong higit namabagal; ang pansariling husay ni Tyson Gay ay 19.62 s. Si Bolt ay ang manlalarong hagibis lamang na hindi nagmumula sa Mga Nagkakaisang Estado sa pangunahing lima ng IAAF.[11]
Ang Hamaykanong kuponan sa pagpasa ng baton, kabilang si Bolt, ay nakatala ng 4x100 metrong talang pandaigdig at Olimpiko sa Olimpikong 2008 na may takbo ng 37.10 s. Ang oras na iyon ay isa lamang ng pangunahing sampu ng pagsasagawa ng IAAF ng lahat ng oras na hindi nakatala para sa kuponang Amerikano.[12]
Taon | Paligsahan | Lugar | Resulta | Kaganapan | Oras (segundo) |
---|---|---|---|---|---|
2002 | Pandaigdigang Kampeonatong Pangkabataan | Kingston, Hamayka | Una | 200 m | 20.61 |
2002 | Pandaigdigang Kampeonatong Pangkabataan | Kingston, Hamayka | Ika-2 | 4x100 m pagpasa ng baton | 39.15 NJR |
2002 | Pandaigdigang Kampeonatong Pangkabataan | Kingston, Hamayka | Ika-2 | 4x400 m pagpasa ng baton | 3:04.06 NJR |
2003 | Pandaigdigang Kampeonatong Pangkabataan | Sherbrooke, Kanada | Una | 200 m | 20.40 |
2004 | Palarong Carifta | Hamilton, Bermuda | Una | 200 m | 19.93 WJR |
2005 | Kampeonato ng Gitnang Amerika at Karibyana | Nassau, Bahamas | Una | 200 m | 20.03 |
2007 | Pandaigdigang Kampeonato sa Atletika | Osaka, Hapon | Ika-2 | 200 m | 19.91 |
2008 | Reebok Grand Prix | Lungsod Bagong York, Mga Nagkakaisang Estado | Una | 100 m | 9.72 |
2008 | Olimpikong Beijing | Beijing, Tsina | Una | 100 metro | 9.69 |
2008 | Olimpikong Beijing | Beijing, Tsina | Una | 200 metro | 19.30 |
2008 | Olimpikong Beijing | Beijing, Tsina | Una | 4x100 metrong pagpasa ng baton | 37.10 |
Estadistika
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Sa kasalukuyan ng Ika-22 ng Agosto, 2008
Pansariling pinakamahusay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Petsa | Kaganapan | Lugar | Oras (segundo) |
---|---|---|---|
16 Agosto 2008 | 100 metro | Beijing, Tsina | 9.69 |
20 Agosto 2008 | 200 metro | Beijing, China | 19.30 |
5 Mayo 2007 | 400 metro | Kingston, Hamayka | 45.28 [8] |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 "Usain Bolt IAAF profile". IAAF. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Agosto 2008. Nakuha noong 17 Agosto 2008.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ferdinand, Rio (1 Pebrero 2009). "Local heroes: Usain Bolt". The Observer. Nakuha noong 3 Pebrero 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Usain Bolt". sports-reference.com. Sports Reference LLC. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-08-08. Nakuha noong 17 Enero 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Biography". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-09-19. Nakuha noong 28 Nobyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Usain Bolt beats Gay and sets new Record – from Universal Sports sa YouTube
- ↑ New World Best over 150m for Usain Bolt from Universal Sports sa YouTube
- ↑ New World Record over 200m for Usain Bolt – from Universal Sports sa YouTube
- ↑ 8.0 8.1 Lawrence, Hubert; Samuels, Garfield (2007-08-20). "Focus on Jamaica - Usain Bolt". Focus on Athletes. Pandaigdigang Pederasyon ng Atletika. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-10-23. Nakuha noong 2008-06-01.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 9.0 9.1 "100 Metres All Time". IAAF. 2008-08-09. Nakuha noong 2008-08-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hersh, Philip (2008-06-30). "Though wind nullifies a world record, Gay's 9.68-second 100 is the fastest in history". The Los Angeles Times. Nakuha noong 2008-08-18.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "200 Metres All Time". IAAF. 2008-08-21. Nakuha noong 2008-08-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "4x100 Metres Relay All Time". IAAF. 2008-08-22. Nakuha noong 2008-08-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
- Mga artikulo sa Wikipedia na nangangailangan ng pagsasapanahon - Enero 2021
- Mga manlalaro sa atletika sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2004
- Mga manlalaro sa atletika sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008
- Mga Hamaykanong manlalaro
- Mga Olimpikong manlalaro mula sa Hamayka
- Mga Olimpikong medalistang ginto mula sa Hamayka
- Mga manlalarong hagibis
- May hawak ng pandaigdigang tala