Palarong Paralimpiko

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang Palarong Paralimpiko ay isang kaganapang pampalakasan na pangmaramihan para sa mga manlalaro na may mga kapansanang pisikal at sensoryal. Kabilang dito ay mga manlalarong may kapansanang panggalaw, mga amputasyon, kabulagan, at paralising serebral. Ang Palarong Paralimpiko ay ginaganap tuwing apat na taon, kasunod ang Palarong Olimpiko, at pinamahala ng Pandaigdigang Lupong Paralimpiko (IPC). Ang Palarong Paralimpiko ay minsang nalilito sa Pandaigdigang Palaro ng Tanging Olimpiko, na para lamang sa mga taong may kapansanang intelektuwal, subali't ang mga kalahok sa Tanging Olimpiko ay maaaring maging bahagi sa palarong Paralimpiko.

Bagama't ang pangalan ay likas na nilikha nang portmanteau na pinagsama ang 'paraplegiko' (dahil sa mga pinagmulan nito bilang palaro para sa mga taong napinsala sa gulugod) 'Olimpiko',[1] ang pagsasama ng mga ibang pangkat na may kapansanan ay nangangahulugang hindi na itong itinuturing ugma. Ang kasalukuyang pormal na paliwanag para sa pangalan ay samakatuwid hinango sa Griyegong pang-ukol na παρά, pará ("katabi") at kasunod itinukoy sa paligsahang ginaganap nang kaagapay sa Palarong Olimpiko.[1]

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Punong-himpilan ng Paralimpiko ng Estados Unidos sa Colorado Springs.

Ang Palarong Paralimpiko ay mga kaganapang pampalakasan na may mataas na katangian para sa mga manlalaro mula sa mga iba't ibang pangkat na may kapansanan. Sila ay ibinalak upang mabigyang-diin ng mga tagumpay sa palakasan ng mga lumahok, hindi sa kanilang kapansanan.[1]

Sa araw ng pagbubukas ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 1948 sa Londres, nagsaayos si Dr. Ludwig Guttmann ng Ospital ng Stoke Mandeville ng isang paligsahang pampalakasan para sa mga Britanikong beteranong pasyente ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na may pinsala sa gulugod. Ang palaro ay ginanap muli sa parehong lugar noong 1952, at kumatig ang mga Olandes na beterano kaagapay ng mga Britaniko, na naging unang pandaigdigang paligsahan ng ganitong uri. Ang Palarong Stoke Mandeville ay nailarawan bilang mga hudyat ng Palarong Paralimpiko. Kasunod inopisyal ang Paralimpiko bilang pang-apatang taunang kaganapan na nakatali sa Palarong Olimpiko, at ang unang opisyal na Palarong Olimpiko, kung saan hindi na lamang para sa mga beterano sa digmaan, ay ginanap sa Roma noong 1960.[2][3] Sa Palarong Toronto 1976 ang mga ibang pangkat ng mga manlalaro na may iba't ibang kapansanan ay ibinilang.

Ang kilusan ay lumaki nang madulaan mula sa mga unang araw na ito – halimbawa ang bilang ng mga manlalaro na lumahok sa Palarong Paralimpiko sa Tag-init ay lumaki mula sa 400 manlalaro sa Roma sa humigit ng 4,200 manlalaro mula sa mga 148 bansa sa Beijing noong 2008.

Ang Palarong Paralimpiko ay ginaganap sa parehong taon na katulad sa Palarong Olimpiko. Gayumpaman, ito lamang noong 1988 na ang Palaro ay nakapagganap sa parehong lungsod, na ginagamit ang parehong lugar na pinagdausan. Noong 2001, nilagdaan ng IOC at IPC ang kasunduan na nagtitiyak na ang mga Punong-abalang Lungsod na makikipagkasundo sa pamamahala ng magkatuwang na Palarong Olimpiko at Palarong Paralimpiko na magiging mabisa mula 2012. Sa kasalukuyan, ang Pandaigdigang Lupong Paralimpiko (IPC) ay pandaigdigang katawan ng pamamahala ng Kilusang Paralimpiko; nagsasaayos ng Palarong Paralimpiko sa Tag-init at Taglamig; at nagsisilbi rin bilang Pandaigdigang Pederasyon para sa 12 palakasan, na kung saan ito ay nangangasiwa at nakikipagtalastasan ang mga Pandaigdigang Kampeonato at mga iba pang paligsahan.

Palarong Tag-init[baguhin | baguhin ang batayan]

Palarong Paralimpiko sa Tag-init
Palaro Taon Punong-abalang Lungsod Bansa Binuksan ni Ginanap sa Kontinente Mula Hanggang Sang.
I 1960 Italya Roma Italya Camillo Giardina Stadio Olimpico Europa 18 Setyembre 25 Setyembre
II 1964 Japan Tokyo Hapon Yoshiaki Kasai Oda Field Asya 3 Nobyembre 12 Nobyembre
III 1968 Israel Tel Aviv Israel Yigal Allon   Hebrew University Stadium Europa 4 Nobyembre 13 Nobyembre
IV 1972 Alemanya Heidelberg Kanlurang Alemanya Presidente Gustav Heinemann Heidelberg Thingstätte Europa 2 Agosto 11 Agosto
V 1976 Canada Toronto Kanada Teniente Gobernador Pauline McGibbon Woodbine Racetrack

Centennial Park Stadium

Hilagang Amerika 3 Agosto 11 Agosto
VI 1980 Netherlands Arnhem Olanda Prinsesa Margriet National Sports Centre Papendal Europa 21 Hunyo 30 Hunyo
VII 1984 Estados Unidos Bagong York Estados Unidos Presidente Ronald Reagan Mitchel Athletic Complex Hilagang Amerika 17 Hunyo 30 Hunyo
United Kingdom Stoke Mandeville Gran Britanya Charles, Prinsipe ng Wales Stoke Mandeville Stadium Europa 22 Hulyo 1 Agosto
VIII 1988 Timog Korea Seoul Timog Koriya Presidente Roh Tae-Woo Jamsil Olympic Stadium Asya 15 Oktubre 24 Oktubre
IX 1992 Espanya Barselona Espanya Reyna Sofía ng Espanya Estadi Olímpic de Montjuïc Europa 3 Setyembre 14 Setyembre
Espanya Madrid Palacio de Deportes de la Comunidad de Madrid 15 September 22 September
X 1996 Estados Unidos Atlanta Estados Unidos Bise Presidente Al Gore Centennial Olympic Stadium Hilagang Amerika 16 Agosto 25 Agosto
XI 2000 Australia Sidney Awstralya Gobernador-Heneral Ginoong William Deane Stadium Australia Oseaniya 18 Oktubre 29 Oktubre
XII 2004 Greece Atenas Gresya Presidente Costis Stephanopoulos Athens Olympic Stadium Europa 17 Setyembre 28 Setyembre
XIII 2008 Republikang Bayan ng Tsina Beijing Tsina Presidente Hu Jintao Beijing National Stadium Asya 6 Setyembre 17 Setyembre
XIV 2012 United Kingdom Londres Gran Britanya Reyna Elizabeth II London Olympic Stadium Europa 29 Agosto 9 Setyembre
XV 2016 Brazil Rio de Janeiro Brazil Presidente Michel Temer Maracanã Estádio Olímpico Timog Amerika 7 Setyembre 18 Setyembre
XVI 2020 Japan Tokyo Hapon Emperor ng Hapon (inaasahan) New National Stadium Asya 25 Agosto 6 Setyembre
XVII 2024 Pransiya Paris Pransiya Presidente ng Pransya (inaasahan) Stade de France Europa 28 Agosto 8 Setyembre
XVIII 2028 Estados Unidos Los Angeles Estados Unidos Presidente ng Estados Unidos (inaasahan) Los Angeles Memorial Coliseum

SoFi Stadium

Hilagang Amerika 22 Agosto 3 Setyembre

Palakasang pantag-init[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang mga sumusunod na palakasan ay kasalukuyang nasa programa ng Palarong Paralimpiko sa Tag-init:

Palarong Taglamig[baguhin | baguhin ang batayan]

Palarong Paralimpiko sa Taglamig
Palaro Taon Punong-abalang Lungsod Bansa Binuksan ni Ginanap sa Kontinente Mula Hanggang Sang.
I 1976 Sweden Örnsköldsvik Suwesa Hari Carl XVI Gustaf Kempehallen Europa 21 February 28 February
II 1980 Norway Geilo Noruwega Hari Olav V Vestia Resort Europa 1 February 7 February
III 1984 Austria Innsbruck Awstrya Presidente Rudolf Kirchschläger Olympiahalle Europa 14 January 20 January
IV 1988 Austria Innsbruck Awstrya Presidente Kurt Waldheim Olympiahalle Europa 17 January 25 January
V 1992 Pransiya Albertville Pransiya Presidente François Mitterrand Stade Lognan Europa 25 March 1 April
VI 1994 Norway Lillehammer Noruwega Reyna Sonja Håkons Hall Europa 10 March 19 March
VII 1998 Japan Nagano Hapon Tagapagmanang Prinsipeng Naruhito M-Wave Asya 5 March 14 March
VIII 2002 Estados Unidos Lungsod ng Salt Lake Estados Unidos Presidente George W. Bush Rice-Eccles Stadium Hilagang Amerika 7 March 16 March
IX 2006 Italya Turino Italya Presidente Carlo Azeglio Ciampi Stadio Olimpico Europa 10 March 19 March
X 2010 Canada Vancouver Kanada Gobernador General Michaëlle Jean BC Place Hilagang Amerika 12 March 21 March
XI 2014 Rusya Sochi Rusya Presidente Vladimir Putin Fisht Olympic Stadium Europa 7 March 16 March
XII 2018 Timog Korea Pyeongchang Timog Korea Presidente Moon Jae-in Pyeongchang Olympic Stadium Asya 9 March 18 March
XIII 2022 Republikang Bayan ng Tsina Beijing Tsina Presidente ng Tsina (inaasahan) Beijing National Stadium Asya 4 March 13 March
XIV 2026 Italya Milan-Cortina d'Ampezzo Italya Presidente ng Italya (inaasahan) PalaItalia Santa Giulia Europa 6 March 15 March

Palakasang pantaglamig[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang mga sumusunod na palakasan ay kasalukuyang nasa programa ng Palarong Paralimpiko sa Taglamig:

Mga kategoryang pangkapansanan[baguhin | baguhin ang batayan]

[4]

Ang mga kategoryang ito ginagamit sa parehong Paralimpikong tag-init at taglamig.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 1.2 "Tungkol sa IPC". IPC.
  2. "Paralympics traces roots to Second World War", CBC, 3 Setyembre 2008
  3. "2012 – The Paralympics come home", BBC, 4 Hulyo 2008
  4. "Making sense of the categories". BBC Palakasan. 2000-10-06. Nakuha noong 2008-09-18.

Karagdagang babasahin[baguhin | baguhin ang batayan]

  • P. David Howe, The Cultural Politics of the Paralympic Movement. Through an Anthropological Lens, Routledge, 2008, ISBN 978-0-415-28887-3

Mga panlabas na kawing[baguhin | baguhin ang batayan]