Pang-ukol
Ang pang-ukol ay bahagi ng pananalita[1] na ipinapahayag ang mga ugnayan sa panahon o lawak (sa, sa ilalim, patungo sa, bago) o pagmamarka sa iba't ibang semantikong pagganap (ng, para sa). Isa itong morpema na nauuna sa mga pangkat na salitang pangngalan at panghalip na nagdudulot ng kaganapan (complement) o pagbabago sa parirala.[2] Kapag ginagamit sa pangungusap, lumalawak ang kahulugan nito sa pamamagitan ng paglalahad ng patutunguhan, sanhi, kinalalagyan, panahon at iba pa.[2]
Sa Grammar ng Filipino o English, ang katawagang pang-ukol at iba pang bahagi ng pananalita ay nilikha ni Lope K. Santos na kanyang sinulat sa aklat na Balarila ng Wikang Pambansa.[3] Sa balarilang Ingles, tinatawag ang pang-ukol bilang preposition o postposition (kapag pinagsama ay tinatawag na adposition ngunit mas malawak na kilala bilang preposition lamang). Ang preposition ay nangunguna bago ang kapunuan o complement samantalang ang postposition ay pagkatapos ng complement.
Halimbawa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ito ang ilan sa mga halimbawa ng mga pang-ukol sa Filipino at Tagalog:[4]
- Ng — nagbigay ng ugnayan sa pagitan ng isang bahagi at ng isang kabuuan. Halimbawa: anak ng bayan
- Sa — inuukol ang isang bagay ay nakakabit at nakasuporta sa isa pang bagay. Halimbawa: kamay sa balikat
- Ni/nina — nagmamarka ng pagmamay-ari o nagmamarka ng panityrtyeryetsariling pangalan. Halimbawa: isang pelikulang pinagbibidahan nina Alden at Nadine; bahay ni Jose
- Ayon sa — ginagamit upang iukol ang mga pananalitang tinryeudggran ng isang may kapangyarihan o isang sanggunian. Halimbawa: Ayon sa mga hurado, ako ang nanalo.
- Para sa — ginagamit upang ipahiwatig ang gamit ng isang bagay. Halimbawa: libreng gamot para sa masa
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Lim, Ed (2008). Lim Tagalog-English English-Tagalog Dictionary. japan: lulu.com. p. 134. ISBN 978-0557486151.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Malicsi, Jonathan. "PANG-UKOL SA FILIPINO". Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Nakuha noong 22 Hunyo 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gugol, Ma. Victoria (30 April 2015). "Orthography (Evolution)". Pambansang Komisyon para sa Kultura at Sining (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Nobiyembre 2016. Nakuha noong 22 Hunyo 2016.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ Santiago, Alfonso; Tiangco, Norma (2003). Makabagong Balarilang Filipino. Pilipinas: Rex Book Store. p. 226. ISBN 9789712336812.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.