Morpema
Ang morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Bawat salita sa isang wika ay binubuo ng mga pantig na pinagsama-sama. Subalit hindi lahat ng pinagsama-samang mga pantig ay makakabuo ng isang salita. May tatlong uri ng morpema: ang morpemang di-malaya (kilala rin bilang panlapi), ang morpemang malaya (kilala rin bilang salitang ugat), at ang morpemang di-malaya na may kasamang salitang ugat.[1]
Mga halimbawa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Morpemang di-malaya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Halimbawa ng morpemang di-malaya o panlapi ang mga unlaping ma-, mag-, gitlaping -um, at hulaping -an at iba pa. [1]
Morpemang malaya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang uring ito ng morpema ay binubuo ng pangngalan, pang-uri, pandiwa o panghalip at ang pang-abay kasama ang pangatnig na may sariling diwa at katuturing ipinahahayag. Halimbawa ng morpemang malaya o salitang ugat ay ang galing, sipag, linis, linaw, dilim, at dasal at iba pa.[1]
Morpemang di-malaya at salitang ugat
[baguhin | baguhin ang wikitext]Halimbawa ng tambalang ito ang mga sumusunod:[1]
- Unlaping nag- + salitang ugat na dasal = nagdasal
- Gitlaping –um- + salitang ugat na bili = bumili
- Hulaping -in + salitang ugat na linis = linisin
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 Ang Morpema Naka-arkibo 2012-01-18 sa Wayback Machine., southridge.edu.ph
Ang lathalaing ito na tungkol sa Balarila ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.