Oliver La Farge
Oliver Hazard Perry La Farge | |
---|---|
Kapanganakan | 19 Disyembre 1901 Lungsod ng New York, New York |
Kamatayan | 2 Agosto 1963 Santa Fe, New Mexico |
Trabaho | nobelista |
Nasyonalidad | Amerikano |
Si Oliver Hazard Perry La Farge o Oliver II[1] (Disyembre 19r, 1901 - 2 Agosto 1963) ay isang Amerikanong nobelista at antropolohista. Ipinanganak siya sa New York, New York. Kilala siya dahil sa pagkakaroon niya ng pagpapahalaga sa mga katutubong Amerikanong Indiyano. Inibig niyang painaman ang mga kalagayan ng mga mamamayang ito ng Estados Unidos. Naglingkod siya mga ekspedisyon ng pagtutuklas na may kaugnayan sa arkeolohiya sa Arizona, Mehiko, at Guatemala.
Larangan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Naging pangulo siya ng Association on American Indian Affairs mula 1937-1942 at muli noong 1948 hanggang 1963. Nagwagi siya ng Gantimpalang Pulitzer noong 1929, para sa kaniyang mahabang salaysayin tungkol sa isang batang lalaking Indiyano, na pinamagatang Laughing Boy (o "tumatawang batang-lalaki").[1]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "Oliver Hazard Perry La Farge / Oliver II". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Talambuhay Naka-arkibo 2007-03-11 sa Wayback Machine. sa Pamantasan ng Texas
- Mga sipi mula Tribes and Temples na nasa Mesoweb.
- Oliver La Farge sa Find-A-Grave
Ang lathalaing ito na tungkol sa Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.