Pumunta sa nilalaman

One Piece

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
One Piece
Wan Pīsu
ONE PIECE(ワンピース)
DyanraAction, Adventure, Comedy-drama
Manga
KuwentoEiichiro Oda
NaglathalaShueisha
MagasinWeekly Shōnen Jump
DemograpikoShōnen
Takbo4 July 1997 – kasalukuyan
Bolyum110 (listahan)
Teleseryeng anime
DirektorKōnosuke Uda (1999–2006)
Munehisa Sakai (2006–2008)
Hiroaki Miyamoto (2008–present)
ProdyuserYoshihiro Suzuki
IskripHirohiko Uesaka
Tatsuya Hamazaki
EstudyoToei Animation
LisensiyaMadman Entertainment (AUS, NZL)
4Kids Entertainment (USA , CAN)(2004–2007)
Funimation Entertainment (USA, CAN)(2007–present)
Inere saAnimax, Fuji TV
Takbo20 Oktubre 1999 – kasalukuyan
Bilang1122 (Listahan ng episode)
Related works

* One Piece films

 Portada ng Anime at Manga

Ang One Piece ay isang seryeng Japanese Shonen Manga at Anime na nilikha ng Hapon na si Eichiro Oda na naging seryal na sa Weekly Shonen Jump mula pa noong 4 July 1997. Ang bawat kabanata ay inilalathala sa takobon volumes ni Shueisha, sa una nitong release noong 24 Disyembre 1997, at ang ika-60 bolyum ay noong Nobyembre 2010. Pagdaan ng 2010, inanunsiyo ng Shueisha na naipagbili na nila ang mahigit sa 200 milyong bolyum ng One Piece sa ngayon; ang ika-60 na volume ay nakapagtala ng bagong record para sa pinakamataas na initial print run sa lahat ng aklat sa Japan sa kasaysayan na may 3.4 milyong kopya. Ito rin ang unang aklat na naibenta ng mahigit 2 milyong kopya sa Opening Week ng Oricon Book Ranking ng Japan.

Hango ang One Piece sa paglalakbay ni Monkey D. Luffy, isang 17 taong gulang na lalaki na nakakain ng sinumpaang prutas (Hapon: 悪魔の実, Akuma no Mi, Ingles: Devil Fruit) na tinatawag na Gomu Gomu no Mi (Sa Pilipinas: Sinumpaang Prutas ng Goma Goma) na naging daan upang ang katawan niya ay humaba at ma-deform na parang Goma, at ang kanyang itinatag na grupo, ang Straw Hat Pirates. Nilakbay ni Luffy ang karagatan upang mahanap ang pinakatago-tagong at ang pinakamalaking kayamanan na tinawag na One Piece at upang hirangin siya bilang ang susunod na Hari ng mga Pirata.

Sinimulan ang pagpapalabas ng One Piece sa Pilipinas noong 2003 ng GMA Network 7. Nakailan na rin itong pag-uulit ng mga episodes dahil sa pagbaba ng ratings nito sa kalabang Network na ABS-CBN. Ang kasalukuyang episode nito sa Pilipinas ay sa pakikipagsapalaran sa Enies Lobby at sa CP9. At sa kabila ng maraming udlot sa telebisyon, unti-unting tumataas ang ratings ito sa 17% kumpara sa kabilang estasyon na 12-15%.

Ang kuwento ay hango sa 17 taong gulang na si Monkey D. Luffy na pinukaw ng kanyang idolo noong bata pa sya na si Red Haired Shanks na naglalakbay upang hanapin ang One Piece. Sa paglalakbay ni Luffy, bumuo siya ng isang samahang pirata na tinawag niyang Straw Hat Pirates. Ang grupo ay binubuo nila:

  • Pirate Hunter Roronoa Zoro
  • Cat Thief Nami (Ang Tagapaglayag)
  • Sharpshooter Sogeking Usopp (Ang Sniper)
  • Black Leg Sanji (Ang Tagapagluto)
  • Cotton Candy Lover Chopper (Ang Manggagamot)
  • Nico Robin (Ang Arkeyolohista)
  • Cyborg Franky (Ang Shipwright)
  • Humming Brook (Ang Musikero).
  • Jinbei (Ang Helmsman)

Humarap din sila sa maraming pagsubok sa lahat ng sulok ng mundo. Ang pinakamalaki nilang kalaban ay ang mga Marino na hawak ng Pamahalaang Pandaigdig na naghahanap ng hustisya upang tuldukan ang Ginintuang Yugto ng mga Pirata. Marami ring ibang istorya ang hango sa paglalaban ng Gobyerno ,Pitong Warlord at ng Apat na Emperador, ang apat na pinakamalakas na pirata sa buong mundo.

Matapos ang pagkamatay nila Portgas D. Ace (Ang kapatid ni Luffy na hindi niya kadugo) at ni Whitebeard, ang bawat miyembro ng Strawhats ay sumailalim sa matinding pagsasanay. Matapos ang dalawang taon, nabuo ulit sila sa Sabaody Archipelago at tinuloy ang paglalakbay sa Bagong Daigdig (New World).