Operasyong natatangi
Ang mga operasyong natatangi (Ingles: special operations, dinadaglat bilang SO, o pinapaiksi bilang special ops) ay mga operasyong pangmilitar na itinuturing na "natatangi" o "hindi kumbensiyunal" (hindi pangkaraniwan). Ang mga operasyong natatangi ay karaniwang isinasagawang walang kahalo o kasabay at kaugnay ng mga operasyong pangmilitar na pangkaraniwan o kumbensiyunal. Ang pangunahing layunin ay ang makapagkamit ng isang layuning pampolitika o pangmilitar kung saan ang isang kailangang pangkaraniwang puwersa ay hindi umiiral o maaaring makaapekto sa pangkabuuang kinalabasan ng estratehiya. Ang mga operasyong natatangi ay karaniwang isinasagawa na nasa paraang hindi kapuna-puna na karaniwang naglalayon na makapagkamit ng kapaki-pakinabang na bilis, panggugulat, at marahas na kilos laban sa isang walang kamalay-malay na puntirya. Ang mga natatanging operasyon ay karaniwang isinasagawa na may limitadong mga bilang ng mga tauhang may matataas na kasanayan na maaaring makaganap sa lahat ng mga kapalagirian, mayroong pagtitiwala sa sariling kakayahan, madaling umangkop at mapagpunyagian ang mga balakid, at marunong gumamit ng mga hindi pangkaraniwang mga kasanayang pampakikipaglaban at kagamitan upang mabuo ang mga layunin. Ang isang halimbawa ng operasyong natatangi ay ang nangyaring pagpaslang kay Osama Bin Laden. Karaniwang isinasakatuparan ang mga operasyong natatangi sa pamamagitan ng partikular o inimbentong intelehihensiya (impormasyon).[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ http://www.shadowspear.com/special-operations-research.html Naka-arkibo 2013-10-20 sa Wayback Machine. ShadowSpear: About Special Operations