Pumunta sa nilalaman

Oseanograpiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Osyanograpiya)
Termohalinong sirkulasyon

Ang oseanograpiya (mula sa Sinaunang Griyego ὠκεανός "karagatan" at γράφω "sulat"), kilala din bilang oseanolohiya, ay ang pang-agham na pag-aaral ng mga karagatan. Mahalaga ito sa agham pandaigdig, na sumasakop sa isang malawak na paksa, kabilang ang dinamikong ekosistema; mga agos ng karagatan, mga alon, at dinamikong pluidong heopisiko; plakang tektonika at ang heolohiya ng sahig ng dagat; at pagkilos ng iba't ibang sustansiyang kimikal at katangiang pisikal sa loob ng karagatan at sa mga hangganan nito. Sinasalamin ng iba't ibang paksang ito ang maraming disiplina na ginagamit ng mga oseanograpo upang makapulot ng karagadagang kaalaman sa mga karagatan ng mundo, kabilang ang astronomiya, biyolohiya, kimika, klimatolohiya, heograpiya, heolohiya, hidrolohiya, meteorolohiya at pisika. Pinag-aaralan sa paleoseanograpiya ang kasaysayan ng mga karagatan sa nakaraang pang-heolohiya. Ang oseanograpo ay isang tao na nag-aaral ng maraming bagay na may kinalaman sa mga karagatan kabilang ang marinong heolohiya, pisika, kimika at biyolohiya.

Mapa ng Daloy ng Gulpo ni Benjamin Franklin, 1769–1770. Kurtesiya ng NOAA - Aklatan ng Litrato.

Maagang kasaysayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakuha ng mga tao ang kaalaman ng mga daluyong at agos ng mga dagat at karagatan bago pa ang kasaysayan. Naitala ang pagmamasid ng mga kati ni Aristotle at Strabo noong 384-322 BC.[1] Pangunahin para sa kartograpiya ang naunang paggalugad ng mga karagatan at pangunahing limitado sa mga ibabaw lamang nito at sa mga hayop na nahuhuli ng mga mangingisda.

Ang kampanyang Portuges ng Atlantikong paglalayag ay ang pinakamaagang halimbawa ng isang malaking sistematikong proyektong pang-agham, na napanatali sa maraming mga dekada, na pinag-aaralan ang mga agos at hangin sa Atlantiko.

Naalala ang mga gawa ni Pedro Nunes (1502-1578), isang dakilang matematiko, sa konteksto ng nabigasyon para sa pagtukoy sa kurbang loksodromiko: ang pinakamaikling daan sa pagitan ng dalawang punto sa isang ibabaw ng isang globo na kinakatawan sa isang dalawang-dimensyong mapa.[2][3] Nang nailathala ang kanyang "Kasunduan ng Globo" (1537) (karamihan isang naka-komentong salin ng mas naunang gawa ng iba), binilang niya ang isang kasunduan sa heometrikal at astronomikong kaparaanan ng nabigasyon. Malinaw na sinabi niya na ang mga paglalayag ng Portuges ay hindi isang gawaing mapangahas:

"nam se fezeram indo a acertar: mas partiam os nossos mareantes muy ensinados e prouidos de estromentos e regras de astrologia e geometria que sam as cousas que os cosmographos ham dadar apercebidas (...) e leuaua cartas muy particularmente rumadas e na ja as de que os antigos vsauam" (ay hindi nagawa ng pagkakataon: ngunit umalis ang ating mga mandaragat na maalam at nabigyan ng mga instrumento at ang mga patakaran ng astrolohiya (astronomiya) at heometriya na mga alalahaning binibigay mga kosmograpo (...) at kinuha nila ang mga tsart na may tumpak na ruta at hindi na iyong mga ginamit ng mga sinauna).[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "A History Of The Study Of Marine Biology ~ MarineBio Conservation Society" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-05-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. https://mathshistory.st-andrews.ac.uk/Biographies/Nunes/ (nakuha 13/06/2020) (sa Ingles)
  3. W.G.L. Randles, "Pedro Nunes and the Discovery of the Loxodromic Curve, or How, in the 16th Century, Navigating with a Globe had Failed to Solve the Difficulties Encountered with the Plane Chart," Revista da Universidade Coimbra, 35 (1989), 119-30 (sa Ingles).
  4. Pedro Nunes Salaciense, Tratado da Esfera, cap. 'Carta de Marear com o Regimento da Altura' p.2 - https://archive.org/details/tratadodaspherac00sacr/page/n123/mode/2up (hinango 13/06/2020) (sa Ingles)