Pumunta sa nilalaman

Pabebe Girls

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Pabebe Girls o Pabebe Girl ay isang viral video na inuplaod sa YouTube. Tinagurian na rin silang YouTube Sensation na umani ng 2 million views. Ang dalawang ito na sina Janet at Michelle ay mga tubong Bulakan gaya ni Maine Mendoza.

Karera ng Pabebe

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Pabebe Girls ay sikat na sa Pilipinas at umuuso na rin sa Bisayas at Minadanao. Sa Eat Bulaga! segment ng "Juan for All, All for Juan". Ginawang tambalang pagpapatawa ni Wally Bayola at Yaya Dub. "Hay, kami ang mga Pabebe Girls" ika nga. Naging bahagi ang tatlong ito na tubong Bulakan na sumikat sa mga sites tulad ng: Twitter, Facebook, Instagram at YouTube. Dahil sa umiral na at pagkalat ng video, marami na ang gumagaya. Katuwaan lamang ito para sa mga tao. Maging artista man o hindi. Dahil sa Pabebe Girls sumikat na rin ang segment ng Juan for All, All for Juan "Bayanihan of d'Pipol" sa Eat Bulaga!.

Nahawa na rin ang AlDub fever dahil sa Pabebe Girl. Sa taong 2015 patok ang AlDub at ang Pabebe Girls kahit mga politiko, grupo ng edukasyon at iba pang sangay ng gobyerno ay nakikiuso na rin sa Pabebe wave ng AlDub. Sinunda nina Alden Richards at Maine Mendoza ang usong Pabebe kaya't umiral na rin ang "Pabebe Wave" na pinauso ng Pabebe Girls.