Maine Mendoza
Maine Mendoza-Atayde | |
---|---|
Kapanganakan | Nicomaine Dei Capili Mendoza 3 Marso 1995 |
Trabaho | Dubsmash Queen, artista sa Internet, komedyante, punong-abala |
Aktibong taon | 2015–kasalukuyan |
Kilala sa | Dubsmash Queen, Yaya Dub, AlDub |
Asawa | Arjo Atayde (k. 2023) |
Website | http://www.mainemendoza.com |
Si Nicomaine Dei Capili Mendoza, higit na kilala bilang si Maine Mendoza-Atayde o Yaya Dub[1][2] (ipinanganak noong Marso 3, 1995 sa Santa Maria, Bulacan, Pilipinas), ay isang Pilipina at kilala sa YouTube at Internet, at isang artista sa telebisyon, komedyante, at punong-abala (host).[3]
Kasalukuyan siyang napapanood sa pananghaliang programa ng GMA Network na Eat Bulaga! bilang isa sa mga kasamang punong-abala (co-host)ng programa.[4][5]
Personal na buhay
Si Maine ay ipinanganak at lumaki sa bayan ng Santa Maria sa lalawigan ng Bulacan. Siya ay ikaapat sa limang magkakapatid. Nagtapos siya ng elementarya sa St. Paul School of Sta. Maria at ng sekundarya sa St. Paul College of Bocaue. Nakamit ni Mendoza ang kanyang digri batsilyer (bachelor's degree) sa Sining Kulinarya (Culinary Arts) sa De La Salle-College of St. Benilde. Siya rin ay nagsanay on-the-job para sa kanyang propesyon sa The Sagamore sa Bolton Landing, New York.[6]
Karera
Nagsimulang umarangkada ang karera ni Mendoza matapos maging viral ang kanyang mga compilation ng Dubsmash, kung saan ginagaya niya si Kris Aquino, dahilan kung bakit nakakuha ito ng isang milyong tingin sa loob lamang ng magdamag.[7] Nagsimula siyang magpaskil ng mga compilation ng Dubsmash sa Facebook kung saan isa sa mga bidyong kanyang ipinaskil ay nakakuha ng isang milyong tingin sa loob lamang ng 24 oras.[8] Dito niya nakamit ang titulong "Reyna ng Dubsmash". Ito ang nagbukas ng iba't ibang oportunidad para kay Mendoza. Nagkaroon siya ng pagkakataong makipag-isa sa iba pang mga gumagamit ng Dubsmash, nakilala nang personal si Kris Aquino, at nakapag-odisyon sa Eat Bulaga!. Kasunod nito'y inilagay siya sa palabas bilang si Yaya Dub, ang kasambahay ng karakter ni Wally Bayola na si Lola Nidora, sa segment ng Eat Bulaga! na Juan For All, All For Juan.[9] Ang karakter ni Mendoza na si Yaya Dub ay ipinapareha sa kasamang punong-abala ng Eat Bulaga! na si Alden Richards, sa isang munting seryeng bahagi ng palabas na tinatawag na KalyeSerye.
Nakatakda sina Mendoza at Richards na mapanood sa hinihiling na kalahok sa Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila ng 2015 na Romcom-in Mo Ako. Naibalitang sina Vic Sotto at Ai-Ai de las Alas ang magiging mga bida ng nasabing pelikula. Ito ay sa direksiyon ni Jose Javier Reyes.[10]
Pilmograpiya
Telebisyon
Taon | Pamagat | Ginampanan | Himpilan |
2015 | KalyeSerye | Yaya Dub | |
Eat Bulaga! | Kasamang punong-abala |
Pelikula
Taon | Pamagat | Ginampanan | Istudyo | Mga talà |
---|---|---|---|---|
2015 | My Bebe Love | Anna |
|
Kalahok sa Ika-41 Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila |
2016 | Imagine You and Me | Gara | M-Zet TV Productions |
Mga sanggunian
- ↑ Wang, Nicky. "Make way for Alden and Yaya Dub". Manila Standard Today. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Agosto 2015. Nakuha noong 4 Ago 2015.
- ↑ "Minions fail to destroy cutie with scandal". Philippine Daily Inquirer. 29 Hul 2015. Nakuha noong 4 Ago 2015.
- ↑ Mendoza, Maine (2014). "the pessimistic optimistic bella". the pessimistic optimistic bella. Maine Mendoza. Nakuha noong Hulyo 17, 2015.
- ↑ "This girl makes best Kris Aquino Dubsmash videos". The Summit Express. The Summit Express. Abril 22, 2015. Nakuha noong Hulyo 17, 2015.
- ↑ "The many faces of Maine Mendoza, Eat Bulaga's Yaya Dub". GMA News Online. GMA Network Inc. Hulyo 17, 2015. Nakuha noong Hulyo 17, 2015.
- ↑ "Yaya Dub 101: 10 Things We Know About Maine Mendoza". GMA Network.com. 28 Hul 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-04. Nakuha noong Agosto 30, 2015.
- ↑ "Maine "Yaya Dub" Mendoza is now a TV celebrity". CHISMS. CHISMS.net. July 12, 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 16, 2015. Nakuha noong July 17, 2015.
- ↑ "Kris Aquino Dubsmash video got over 1 million views in 24 hours". Manila Coconuts. Abril 27, 2015. Nakuha noong 30 Ago 2015.
- ↑ Dabu, Bianca Rose (July 15, 2015). "'Yaya Dub' ng Eat Bulaga na si Maine Mendoza, 'secret dream' ang maging isang artista". GMA News Online. GMA Network Inc. Nakuha noong July 17, 2015.
- ↑ "Alden and Yaya Dub to star in a movie". GMA News. Nakuha noong 30 Ago 2015.