Pablo Hanh
Si San Pablo Hanh (1826 – Mayo 28, 1859), kilala sa Ingles bilang Saint Paul Hanh, ay isang Katolikong santong Biyetnames na nagmula sa Cho Quan, Biyetnam.[1]
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Naligaw ng landas mula sa kanyang pananampalatayang Katoliko si Hanh dahil sa kanyang pagsanib sa isang pangkat ng mga bandido. Ngunit sa kabila ng kanyang pagiging isang bandido, palihim siyang nagbigay ng tulong sa ibang mga taong Katolikong naghihirap sa ilalim ng pag-uusig na ginawa ni Emperador Tu Duc.
Sa paglaon, nahuli si Hanh dahil sa kanyang mga pagnanakaw. Nagsisi si Hanh sa kanyang mga nagawang kasalanan, at lantad na ipinahayag ang kanyang katauhan bilang isang Katoliko sa harap ng may kapangyarihang mga pagano. Bagaman dumanas ng mga pagpapahirap sa katawan, upang mapilit siyang itanggi at bitawan ang kanyang pananampalatayang Kristiyanong dati niyang kinaligtaang isabuhay, hindi niya na muling tinalikuran ang kanyang pagiging Katoliko.
Kinamatay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pinugutan siya ng ulo noong 1859 dahil sa kanyang relihiyon.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "Saint Paul Hanh". Magnificat, Tomo 11, Bilang 3. Magnificat USA LLC, Bagong York, ISBN 0843709227. 2009.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 384.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.