Padron:Napiling Larawan/SERENATA
Itsura
Ang SERENATA ay isang korong binubuo ng mga Pilipinong bata sa Jeddah, Saudi Arabia. Ipinakikita ng larawan ang una nitong konsyerto sa Auditorium ng Ospital ng Saudi-German, na matatagpuan rin sa Jeddah, Saudi Arabia.
Itinatag ang SERENATA noong Agosto, 2005. Ito ay kinilala ng Konsulada ng Pilipinas sa Jeddah noong Setyembre noong taong din iyon. Si Desil Manapat ang naging chairperson habang si Sylvia de los Santos, kilalang nagtuturo ng piano sa lugar na iyon at ang naging responsable sa Philippine Children's Choir noong panahon ng sentenaryo ng kalayaan sa Jeddah, ang naging musikal direktor.