Pumunta sa nilalaman

Padron:Portal:Anime at Manga/Selected article/5

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Voltes V ay isang seryeng anime na gawa ni Tadao Nagahama para sa telebisyon at unang lumabas sa TV Asahi noong Abril 6, 1977. Naisalin ito sa Ingles at naipalabas sa Pilipinas simula noong Hunyo 4, 1977 hanggang Marso 25, 1978. Pangalawang bahagi ito ng trilohiyang Robot Romance, at tinuturing na pagbibigay-buhay muli ng nakaraang serye, ang Choudenji Robo Combattler V.

Ito ang isa sa mga pinakatanyag na seryeng Hapon na super robot sa Pilipinas. Bagaman, nagkaroon ng intriga politikal at kontrobersiya pagkatapos ipagbawal ito ng dating Pangulong Marcos.

Ngunit pagkatapos na mapatalsik si Marcos noong 1986, naipalabas muli ito sa telebisyon. Noong huling bahagi ng dekada 1990, naging popular uli ito sa pamamagitan ng Bubble Gang nang gawing pambungad na awit ng "Ang Dating Doon" segment ang awiting tema (theme song) ng Voltes V. At dahil dito ipinalabas ito ng GMA Network at naging daan ng anime boom sa Pilipinas noong mga panahon na iyon. at nagbabalik noong pagsapit ng bagong milenyo ay ipinalabas ito na ang Voltes V ay mapapanood sa rehiyon ng Pilipinas na galing sa Visayas at Mindanao na ginanap ang boses sa wikang Hiligaynon o sa Ilonggo at sa wikang Cebuano tuwing lunes hanggang biyernes ng hapon dito sa GMA 6 sa Iloilo, GMA 7 sa Cebu at GMA TV 5 sa Davao.