Pumunta sa nilalaman

Padron:Unang Pahina/Artikulo/BoA

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si BoA sa isang kaganapan na pagpapapirma ng mga tagahanga noong 2015.
Si BoA sa isang kaganapan na pagpapapirma ng mga tagahanga noong 2015.

Si Boa Kwon (Hangul: 권보아, Hanja: 權寶兒, Kwon Bo-ah), na mas kilala rin sa palayaw na BoA, na retroakronimo bilang Beat of Angel, ay isang Koreanang mang-aawit at mananayaw na aktibo sa Timog Korea, Hapon, at Estados Unidos. Ipinanganak siya at lumaki sa Gyeonggi-do bilang isang Romano Katoliko, natuklasan si BoA ng mga ahenteng pangtalento na SM Entertainment noong sinamahan niya ang nakatatanda niyang kapatid na lalake sa isang paghahanap ng talento. Makalipas ang kanyang dalawang taon ng pagsasanay, inilabas niya ang kanyang kauna-unahang Koreanong album, ang ID; Peace B, sa ilalim ng SM Entertainment. Makalipas ang dalawang taon, inilabas naman niya ang kanyang kauna-unahang Hapones na album, ang Listen to My Heart, sa ilalim ng Avex. Noong 8 Oktubre 2008, sa ilalim ng SM Entertainment USA, isang sangay ng SM Entertainment, inilabas naman ni BoA sa Estados Unidos ang kanyang sinsilyong "Eat You Up" at inilabas ang kanyang kauna-unahang Ingles na album, ang BoA noong 17 Marso 2009. Dala ng impluwensiya ng mga mang-aawit ng hip hop at R&B tulad nila Nelly at Janet Jackson, madalas na ka-genre o kauri ito ng mga awit ni BoA. At dahil nararamdaman ng naturang mang-aawit na "walang talento sa pagsulat (ng mga awit)", hinahawakan ng mga kasamahan niya ang mga sulat at komposisyon. At dahil sa kadahilanang iyon, nakatanggap siya ng mga kritisismo subalit sariling sulat naman ang ilan sa mga awit niya, nagsimula si BoA na lumikha ng komposisyon sa kanyang unang album na Hapones Listen to My Heart, na kung saan nakisulat siya at nagsagawa ng komposisyon sa awit na "Nothing's Gonna Change". Ang kanyang unang tagumpay ay nagsimula sa kanyang pagkadalaga, at naihambing siya kay Britney Spears.