Pumunta sa nilalaman

Pagbomba sa Piazza Fontana

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Tumutukoy ang pagbomba sa Piazza Fontana sa pagbobomba ng mga terorista noong 12 Disyembre 1969, ng mga tanggapan ng Banca Nazionale dell’Agricoltura sa Piazza Fontana sa Milano sa Italya. 16 tao ang patay at hanggang 90 ang sugatan. Ayon sa mga pag-aamin ng neopasistang terorista na si Vincenzo Vinciguerra, ang motibo ng atake ay mapaniwala ang publiko na ang mga pambobomba ay bahagi ng isang pambabalak ng mga komunistang pabagsakin ang pamahalaan, upang “maitulak ang estadong Italyanong ipahayag ang state of emergency.” Ito ang paggamit ng tinatawag na estratehiya ng tensiyon, na sinasabing ginamit rin sa pagbobomba ng Plaza Miranda sa Maynila at sa ebentwal din na pagpapahayag ni Ferdinand Marcos ng batas militar sa Pilipinas.


Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.