Pagbubuhos ng tubig
Ang pagwiwilig (mula sa salitang-ugat na wilig) o apusyon (mula sa Ingles na affusion) o pagbubuhos ng tubig ay ang pagpapatulo at pagpapadaloy ng tubig na ginagawa sa pagbibinyag. Sa larangan ng medisina, tumtukoy ang apusyon sa pagbubuhos ng tubig sa buong katawan o bahagi nito bilang isang uri ng panggagamot sa karamdaman.[1]
Pagbubuhos ng malamig na tubig
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ginagamit ang pagbubuhos ng malamig na tubig o malamig na apusyon para sa pagpapababa ng temperatura kapag may lagnat ang pasyente. Isinasagawa ito habang nakahiga ang may lagnat sa isang lubluban o babaran. Mas may epekto at mas madaling punasan sa pamamagitan ng esponghang binasa ng malamig o maligamgam na tubig ang isang pasyente. Kung kinakailangan, gumagamit din ng malalamig na mga pakete o bilot, o kaya malamig na paligo. Ginagamit din ang pagbubuhos ng tubig na malamig bilang mabilis na panlunas o remedyo sa kaso ng mga inatake ng matinding pag-init ng katawang sanhi ng sikat ng araw.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Robinson, Victor, pat. (1939). "Affusion". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 20.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.