Pumunta sa nilalaman

Pagdedentista

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang dentistang nagbubunot ng ngipin ng isang pasyente, habang tinutulungan ng isang katulong ng dentista.

Ang pagdedentista[1] , dentistriya[2] ay ang kaalaman at agham sa pangangalaga, pagsusuri, pag-iingat at paggamot sa mga sakit sa ngipin ng tao. Tinatawag na dentista[3] ang mga doktor ng mga ngipin o manggagamot ng mga ngipin. May kinalaman ang larangan sa paglilinis ng mga ngipin, sa panggagamot at pagbubunot ng mga sira, bulok, at may bukbok na mga ngipin, at maging sa pagpapasta ng mga butas na mga ngipin, pati na ng paggamot ng mga sakit ng gilagid.[3][4]

Ang pagdedentista ay isang sangay ng medisina na tumatalakay sa pag-aaral at propesyon ng pagsusuri, pagiiwas, at paglalapat ng lunas sa mga karamdaman at kalagayan sa lukab ng bibig, kadalasan sa ngipin ngunit kasama na rin ang mucosa at ang mga katabi at kaugnay na istruktura at tisyu, lalo na sa lugar na maxillofacial (panga at mukha). Bagaman ang kaugnayan para sa madla ay sa ngipin, ang larangan ng pagdedentista ay hindi limitado sa odontolohiya (mula sa lumang Griyego; odoús "ngipin") -- ang siyensya ng anatomiya, pagbuo, at anomalya ng mga ngipin. Kadalasang sakop na rin ng pagdedentista ang ngayo'y hindi na kinikilalang espesyalidad pang-medisina na stomatolohiya (ang siyensya ng bibig at ang mga sakit nito), dahil sa malaking pagsasanib ng mga konsepto ng mga ito, at kaya nama'y pinagpapalit ang gamit ng dalawang salita sa ilang rehiyon.

Ang pagdedentista ay mahalaga sa pangkalahatang kalusugan. Ang paggamot ay isinasagawa ng isang grupo, na kadalasan ay binubuo ng dentista at mga katulong niya (katulong na dentista, tagalinis, tekniko, at terapruta). Karamihan ng mga dentista ay nagtatrabaho sa pribadong klinika (pangunahing paggamot), ngunit ang iba ay nasa ospital at mga institusyon tulad ng kulungan, pambansang katihan, mga paaralan, atbp.

Ang kasaysayan ng pagdedentista ay halos kasing tanda na ng kasaysayan ng katauhan at sibilisasyon. Ang pinakaunang ebidensya ay pinepetsahan sa 7000 BC. Mga labi mula sa maagang panahon ng Harappan ng Sibilisasyon sa Lambak ng Indus (tinatayang 3300 BC) ay nagpapakita ng ebidensya ng pagbubutas ng ngipin mula pa 9000 taon ang nakaraan. Pinaniniwalaan na ang pagdedentista ay ang pinakaunang pagdadalubhasa mula sa medisina.

Kadalasan kabilang sa pagdedentista ang mahahalagang gawain na may kinalaman sa bibig. Ang mga sakit sa bibig ay kabilang sa mga pangunahing problema ng pampublikong kalusugan dahil sa pagkalaganap sa buong mundo, at ang pinakaapektado ay ang mahihirap.

Karamihan ng mga paggamot na nauukol sa ngipin ay isinasagawa upang mapigilan o gamutin ang dalawang pinakakaraniwan na sakit, ang pagkabulok ng ngipin at sakit ng gilagid. Ang mga pangkaraniwang pamamaraan ng paggamot ay pagpapasta, pagbunot, paglinis, at paggamot sa ugat ng kanal (root canal treatment).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Pagdedentista, dentistry, panggagamot ó pangbubunot ng ngipin Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org
  2. Dentistriya, dentistry Naka-arkibo 2011-07-11 sa Wayback Machine., Gabby's Dictionary, GabbyDictionary.com, nakuha noong 25 Setyembre, 2008.
  3. 3.0 3.1 English, Leo James (1977). "Dentista, pasta". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Dentist". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 50.