Pumunta sa nilalaman

Paggasta ng konsumidor

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang paggasta ng konsumdor (Ingles: consumer spending) ay ang pangangailangan ng konsumidor o pagkonsumo ay kilala rin bilang paggastang personal konsumpsiyon. Ito ang pinakamalaking bahagi ng pinagsama-samang pangangailangan o epektibong pangangailangan sa antas ng makroekonomika. May dalawang mga uri ng konsumpsiyon sa modelong agregatong pangangailangan kabilang ang pinukaw na pagkonsumo at nagsasariling pagkonsumo .

Mga epekto ng stimuli sa paggasta ng konsumidor

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga buwis ay kilala sa pagiging isang makapangyarihang kasangkapan sa pagsasaayos ng ekonomiya. Pagdating sa paggasta ng konsumer, ang mga paraang ang mga patakaran ng buwis ay pinapatupad sa iba't ibang mga pangkat ng konsumer ay malakas na tumutukoy sa epekto ng buwis. Ang mga konsumer ay sumusubok na panatilihin ang isang konsistenteng pagdaloy sa kanilang paggasta at ayaw na kadalasang sumailalim sa mga drastikong pagbabago sa kanilang mga gawaing paggasta. Kaya malibang ang sahod ng konsumer ay permanenteng mababago o sa pangmatagalang yugto ng panahon, ang konsumer ay may kagawiang hindi magbago ng kanilang mga lebel o gawain ng paggasta. Gayunpaman, sa mas mababang sahod na mga pangkat ng konsumer, ito ay nagpapatunay na hindi palaging ang kaso. Kung ang isang sambahayan ay may isang lebel ng mababang sahod, ang mga ito walang kakayahang handang humiram ng salapi. Ito ay nangangahulugang ang mga ito ay may kagawiang gumasta ng mga temporaryong pagputol sa mga buwis kung paanong nilang mabilis na ginagasta sa mga permanenteng ito. Gayundin, ang mga konsumer ay may kagawiang magbago lamang ng kanilang mga gawaing paggasta kapag ang pagbabago sa buwis ay may epekto sa kanilang personal na iniuuwing sahod. Ito ay nagpapatunay na nakasusupresa dahil nauunawaan ng mga konsumer na ang mga pagbabago sa buwis ay ginagawa ngunit ang kanilang mga ekspekstasyon ay hindi nagbabago ng kanilang paggasta.

Mga sentimiyento ng konsumidor

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga sentimiyento ng konsumidor ang mga pag-aasal ng mga sambahayan at mga entidad tungo sa ekonomiya at kalusugan ng mga pamilihang piskal at ang ito ay malakas na bumubuo sa paggasta ng konsumer. Ang mga sentimiyento ay may isang makapangyarihang kakayahan na magsanhi ng mga pagbabago sa ekonomiya dahil kung ang pag-aasal ng konsumer tungkol sa katayuan ng ekonomiya ay masama, ang mga ito ay mag-aatubiling gumasta. Kaya ang mga sentimiyento ay nagpapatunay na makapangyarihang prediktor ng ekonomiya dahil kung ang mga tao ay may pananampalataya sa ekonomiya o sa kanilang pinaniniwalaang malapit na mangyayari, ang mga ito ay gagasta at mamuhunan ng may konpidensiya. Gayunpaman, ang mga sentimiyento ay hindi palaging umaapekto sa mga gawaing paggasta ng ilang mga tao. Halimbawa, ang ilang mga sambahayan ay nagtatakda ng kanilang paggasta sa kanilang sahod kaya ang ang kanilang sahod ay malapit na tumutumbas o halos katumbas ng kanilang konsumpsiyon. Ang iba ay umaasa sa kanilang mga sentimiyento upang diktahan kung paano nila gagastahin ang kanilang sahod.

Estimulong ekonomikong ipinapatupad ng pamahalaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa mga panahon ng problema o kawalang katiyakang ekonomiko, ang pamahalaan ay kadalasang sumusubok na tuwirin ang isyung ito sa pamamagitan ng pamamahagi ng estimulong ekonomiko (economic stimulus) na kadalasan ay nasa anyong mga rebate o tseke. Gayunpaman, ang gayong mga pamamaraan ay nabigo sa nakaraan dahil sa ilang mga dahilan. Gaya ng tinalakay sa itaas, ang temporaryong pagpapaluwag na pinansiyal ay bihirang nagtatagumpay dahil ang mga tao ay kadalasang ayaw ng mabilis na paglipat ng kanilang mga gawaing paggasta. Gayundin, ang mga tao sapat na matalino na matantong ang mga mga package na stimulus ekonomiko ay sanhi ng pagbagsak ekonomiko at kaya ay mas nag-aatubiling gastahin ang mga ito. Bagkus, kanilang inilalagay ang mga ito sa pagtitipid na potensiyal na makatutulong sa pumukaw ng ekonomiya. Sa paglalagay ng mga ito sa pagtitipid, ang mga bangko ay tumutubo at may kakayahang bawasan ang mga rate ng interes na humihikayat naman sa iba na magtipid ng kaunti at magtaguyod ng panghinaharap na paggasta.

Ang langis ay isang labis na mahalagang mapagkukunan sa mga ekonomiya at lipunan kahit saan. Mayroon nakapalakas na relasyon sa pagitan ng pagtaas ng presyo ng langis at tunay na paglago sa ekonomiya. Kapag ang lipunan ay dumaranas ng isang kaguluhan sa mga suplay ng enerhiya, may potensiyal para sa shock sa mga mahal na konsumpsiyon o mga kalakal ng pamumuhunan na mabigat na nakasalalay sa enerhiya tulad ng mga sasakyang motor at mga makinarya. Ito ay dahil sa ang disrupsiyon sa mga suplay ng enerhiya ay lumilikha ng kawalang katiyakan tungkol sa pagiging magagamit at paparating na mga presyo ng mga suplay na ito. Sa kadalasan, ang mga konsumer ay nagtatangkang mag-antala ng kanilang pagbili ng mga gayong item hanggang sa ang mga ito ay may mas mabuting ideya kung ano ang magiging hitsura pagtapos ng paghinahon ng disrupsiyon. Gayundin, ang pagtaas ng mga presyo ng enerhiya ay nangangahulugang ang isang mas malaking bahagi ng sahod ng konsumer ay kinakailangan upang bumili ng langis, at kaya ay ang kaunti ay magagamit sa pagbili ng ibang mga kalakal. Ang mga pagbabago sa presyo ng langis na parehong pagtaas at pagbagsak ay may labis na makapangyarihang epekto sa mga naglalaang channel.

Marangyang paggasta ng konsumidor sa Estados Unidos

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Paggasta sa mga kalakal na karangyaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Estados Unidos noong 2007, ang mga marangyang kalakal (luxury goods) ay bumubuo ng industriyang may halaga na $157 bilyon.[1] Sa yugto sa pagitan ng 1979–2003, ang sahod ng sambahayan ay lumago ng 1% para sa ilalim na ikalima ng mga sambahayn, 9% para sa gitnang ikalima at 49% para sa taas na ikalima ng sambahayang sahod na higit na dumudoble (hanggang 111%) para sa itaas na 1%.[2] Kung ang nasa itaas na kagawian ay binaliktad, walang halos kasing raming mga item ng karangyaan gaya ng $1 milyong mga kotse at $45 milyong pribadong mga jet. Ang pamilihan ng mga karangyaang kalakal ay patuloy na lumalagong industriya.

Estados Unidos

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1929, binubuo ng 75% ng ekonomiya ng Estados Unidos ang paggasta ng mga konsumidor. Ito ay lumago sa 83% noong 1932 nang bumagsak ang paggasta ng negosyo. Ang paggasta ng konsumidor ay bumagsak sa mga halos 50% noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig sanhi ng malaking paggasta ng pamahalaan at kawalan ng mga produkto ng konsumidor. Ito ay tumaas mula 1983 sa mga 70% bilang resulta ng pinaluwag na kredito ng konsumer. Ang paggasta ay bumagsak noong 2008 bilang resulta ng mga takot ng konsumer tungkol sa ekonomiya. Ang mga konsumer ay nagtipid kesa gumasta.[3]

Sa Estados Unidos, ang inilimbag na pigura ng paggasta ng konsumidor ay kinabibilangan ng tatlong malalawak na mga kategorya ng personal na paggasta.[4]

  • Matibay na kalakal: mga sasakyang motor at bahagi, mga muwebles at matibay na kasangkapang pambahay, mga kalakal na panlibangan at mga sasakyan at iba pa.
  • Hindi matibay na kalakal: pagkain at inuming binili para sa konsumpsiyon sa labas ng premisa, pananamit at kagamitang pampaa, gasolina at iba pang mga kalakal ng enerhiya.
  • Mga serbisyo: tirahan at mga utilidad, pangangalaga ng kalusan, mga serbisyong pangsasakyan, mga serbisyong pampagkain at mga akomodasyon, mga serbisyong pampananalapi at kaseguruhan at iba pa.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. American Chamber of Commerce (2007). Snapshot of the U.S. Luxury Goods Market.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Caserta, Kimberly (12 Mar 2009). Luxury Good Demand. Boston College.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Simon, Ellen (The Associated Press) (29 Nobyembre 2008). Meltdown 101:Should consumers drive the economy. Burlington Free Press.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2012-08-25. Nakuha noong 2012-08-24.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2012-08-25 sa Wayback Machine.