Pumunta sa nilalaman

Paghahambing ng mga sistemang pang-ekonomiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang pagpaparis o paghahambing ng mga sistemang pang-ekonomiya (Ingles: comparative economic systems) ay ang kabahaging larangan ng ekonomiks na humaharap sa pag-aaral na naghahambing ng iba't ibang mga sistema ng organisasyon na pang-ekonomiya, katulad ng kapitalismo, sosyalismo, peudalismo at ng ekonomiyang magkahalo. Kung gayon, ang ekonomiks na komparatibo ay pangunahing binubuo ng pagsusuri ng paghahambing-hambing ng mga sistemang pang-ekonomiya bago ang taon ng 1989 subalit lumipat nang malakihan ang pagpupunyagi nito sa paghahambing ng mga epektong pang-ekonomiya ng karanasan ng paglilipat magmula sa sosyalismo hanggang kapitalismo.[1]

Noong panahon ng Digmaang Malamig

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pag-aaral na pampaghahambing ng mga sistema ng ekonomiks ay may kahalagahang praktikal at pampolitika noong panahon ng Digmaang Malamig, kapag ang kaukulang kagalingan o kabutihan ng mga sistemang kapitalista at komunista ng organisasyon o pagsasaayos na pang-ekonomiya at pampolitika ay isang pangunahing paksa na pampagsasaalang-alang na pampolitika. Isa sa pinaka importanteng maagang mga kontribusyon ay ang debate ng pagkakalkula hinggil sa pagbibigay ng diin o asersiyon ni Ludwig von Mises na ang isang sistema ng pangunahing pagpaplano ay hindi magaganap dahil sa ang impormasyong nalilikha ng isang sistema ng presyo ay hindi kailanman makukuha ng mga nagpaplano. Ang isang tugon ay ang pagtangkilik at bahagiang pagpapatupad ng mga sistema ng sosyalismong pampamilihan (sosyalismong pangmerkado).

Pagkaraan ng 1989

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dahil sa pagbagsak ng Komunismo, ang pagtutuon ng pansin ay lumipat sa mga suliranin ng mga ekonomiya ng transisyon. Sa piling ng sandakot na mga hindi pagsasali, ang lahat ng pangkasalukuyang mga sistemang umiiral ay mayroong oryentasyon o diwa ng kapitalismo, bagaman ang karamihan ng gampaning pang-ekonomiya ng estado ay sumusuporta sa panghaliling pananaw na ang ekonomiyang magkahalo ay lumitaw bilang nangingibabaw na anyo ng mga kaayusan o organisasyong pang-ekonomiya.

Kahit na sa loob ng kawalan ng maraming mga pagkakaiba sa pagitan ng mga bansa, ang mapaghambing na pag-aaral ng mga sistemang pang-ekonomiya ng mga paglalagak o paglalagay ng nakukuhang mga bagay ay talagang mahalaga sa paglalarawan ng mga kahihinatnan ng pamalit na mga metodo ng alokasyon ng rekurso, kasama na ang mga pamilihan, mga kabahayan, sentralisadong alokasyon at kostumbre.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Journal of Comparative Economics. "Mission of the Journal of Comparative Economics". Nakuha noong 19 Abril 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Ekonomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Ekonomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.