Paghilang-paangat
Ang hilang-angat, paghilang-paangat, o hilang-paitaas (Ingles: pull-up) ay isang uri ng ehersisyong paghila na para sa pang-itaas na bahagi ng katawan, kung saan nakabitin ang katawan sa pamamagitan ng nakabukas na mga bisig, habang nakahawak ang mga kamay o mga kamay sa isang nakatigil baras o nakapirming lambitinan o lambarasan[1], na nasusundan ng paghilang paangat o pataas hanggang sa mabaluktot ang mga siko at mas mataas ang ulo kaysa mga kamay. Nakadepende ang isang tradisyonal na paghihilang paangat sa lakas ng pang-itaas na bahagi ng katawan na walang pag-indayog.[2] (na gumagamit ng isang malakas o makapangyarihang unang galaw ng mga hita upang makapagsimula). Pangunahing pinupuntirya o pinupukol ng ehersisyong ito ang masel na Latissimus Dorsi na nasa likod, kasama na marami pang ibang tumutulong na mga muskulo. Kapag may indayog, nagiging isa itong galaw na panglakas at pangkundisyon, sa halip na purong panglakas lamang. Katulad ito ng ehersisyong pagtataas ng baba, ngunit nagkakaiba sa anyo paghawak o pagkapit ng kamay. Sa paghilang-angat, papalayo sa nageehersisyo ang mga palad, habang nakaharap naman sa nagsasanay ang sa pagtataas ng baba. Kahit na hindi buo ang pagkakabukas ng mga braso, tinatawag o itinuturing pa rin itong paghihilang paangat. Kabilang sa mga uri ng paghihilang paangat ang:
- pangkaraniwang paghihilang paangat (standard pull-up)
- may pabigat na paghihilang paangat (weighted pull-up)
- paghilang-angat na umaabot ang likod ng leeg sa lambitinan (behind-the-neck pull-up)
- pang-isahang kamay na paghihilang-angat (one-arm pull-up)
- pag-aangat ng "masel" na paghihilang paangat (muscle-up), na sa katunayan ay pag-aangat ng katawan na lampas sa kinapipirmihang taas ng lambarasan
- Australyanong paghihilang-angat (Australian pull-up), na kilala rin bilang pabaligtad na pagtulak-paangat (reverse push-up), nakahilig o nakakiling na paghilang paitaas (inclined pull-up) o pabalintuwad na pagsagwan (inverted row)
- paghihilang pataas na may pinaghalu-halong mga anyo ng pagkapit (mixed grip pull-up)
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Types of chin/pull-ups bars for home gyms Naka-arkibo 2009-03-15 sa Wayback Machine., Handyowner.com
- ↑ Eva teaches the kipping pull-up, mula sa Crossfit.com
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mga uri ng paghilang-paangat Naka-arkibo 2010-04-03 sa Wayback Machine., A Pull-Ups Circuit, mensworkoutmagazine.com
- Mga pagsasanay na ginagamitan ng paghilang-paangat Naka-arkibo 2010-04-03 sa Wayback Machine., programa ng mga paghilang-paangat ni Dane Percheron (isang Kanadyanong mananayaw at modelo), mensworkoutmagazine.com