Pumunta sa nilalaman

Espiritwalidad

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pagka-makadiwa)
Huwag ikalito sa espirituwalismo. Tingnan din ang espiritu (paglilinaw).

Ang espiritwalidad,[1] (pagka-espirituwal[2]) ay tumutukoy sa sukdulan o imateryal (walang katawan o anyong materyal) na realidad[3]. isang panloob na daan na nagbibigay-daan sa mga tao na matuklasan ang katuturan o diwa ng kanilang pagkatao; o ang pinakamalalim na mga pagpapahalaga at mga kahulugan na ikinapamumuhay ng mga tao.[4]

Ang mga gawaing pang-espiritu, kasama ang meditasyon, pagdarasal, at kontemplasyon, ay naglalayong makapagpaunlad ng panloob na pamumuhay ng isang tao; kalimitang nagdudulot ang ganyang mga gawain ng isang karanasan ng pagkakaroon ng kaugnayan sa isang mas malaking katotohanan, na nagbubunga ng mas malaganap o mas komprehensibong sarili, sa ibang mga indibiduwal o sa pamayanan ng mga tao, sa kalikasan o sa kosmos, sa nasasakupan ng banal.[5]

Kadalasang nararanasan ang espirituwalidad bilang isang pinagmumulan ng inspirasyon o oryentasyon sa buhay.[6] Lumalagom ito sa pananalig sa mga realidad na imateryal o mga karanasan ng nakahihigit na kalikasan ng daigdig.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Almario, Virgilio, pat. (2010). "espiritwalidad". UP Diksyonaryong Filipino (ika-2 (na) edisyon). UP-Sentro ng Wikang Filipino-Diliman – sa pamamagitan ni/ng Diksiyonaryo.ph.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Gaboy, Luciano L. Spirituality - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. Ewert Cousins, paunang salita sa aklat nina Antoine Faivre at Jacob Needleman na Modern Esoteric Spirituality, Crossroad Publishing, 1992.
  4. Philip Sheldrake, A Brief History of Spirituality, Wiley-Blackwell 2007, p. 1-2
  5. Margaret A. Burkhardt at Mary Gail Nagai-Jacobson, Spirituality: living our connectedness, Delmar Cengage Learning, p. xiii
  6. Kees Waaijman, Spirituality: forms, foundations,methods Leuven: Peeters, 2002 p. 1

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.