Pumunta sa nilalaman

Pagganap (sining)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pagkakaganap)

Ang pagganap, pag-akto, o pag-arte (Kastila: actuación, Ingles: acting) ay ang gawain o pagkilos na isinasagawa ng isang aktor o ng isang aktres, na mga taong nasa larangan ng teatro, telebisyon, pelikula, o anumang iba pang mga midya ng pagkukuwento at nagsasalaysay ng kuwento sa pamamagitan ng paglalarawan o ng isang tauhan at, sa pangkaraniwan, ay nagsasalita o umaawit ng nakasulat na teksto o dula. Sa mundong Kanluranin, ang karamihan sa maagang mga sanggunian na sumisiyasat sa sining ng pag-arte (Griyego: ὑπόκρισις, hypokrisis) ay tumatalakay nito bilang isang bahagi ng retoriko (karunungan o kasanayan sa pagsasalita).[1]

Propesyonal at Baguhan na Aktor

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang propesyonal aktor ay isang aktor na binabayaran para sa pag – arte. Hindi lahat ng aktor na nagtatrabaho sa pelikula, telebisyon, o teatro ay may pormal na pag – eensayo. Halimbawa nito ay si Bob Hoskins na walang pormal na pagsasanay ng pag – arte bago pa niya ito tahakin bilang propesyon. Ang baguhang aktor naman ay isang aktor na hindi kinakailangan ng bayad para sa pagtatanghal. Subalit may mga propesyonal aktor na tumatanggap ng trabahong pang – baguhan para sa maraming dahilan. Yung iba ay para sa layuning pang – edukasyon o kaya ay layuning pangkawanggawa.

Isa sa mga pinakaunang tagaganap o aktor ay isang sinaunang Griyegong  pinaniniwalaang si Thespis ng Icaria. Ayon sa istoryang apocryphal, (teksto o dulang hindi nalalaman kung sino ang sumulat) si Thespis ay humiwalay sa korong dithyramb at nagsalaysay bilang isang hiwalay na karakter o tauhan. Bago si Thespis, ang koro ang sumasalaysay. Nang humiwalay si Thespis sa mga koro (taong 12 BC), siya ay nagsalaysay na parang bang siya yung mismong karakter. Sa pangalan ni Thespis nanggaling ang salitang “thespian.”

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Csapo at Slater (1994, 257); hypokrisis, na ang literal na kahulugan ay "pagganap," ay ang ginamit na salita sa loob ng mga talakayan na may pagpapahayag na retorikal.