Pagkakaiba sa pagitan ng mga paru-paro at mga gamu-gamo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Larawan ng mga paru-paro, gamu-gamo, mga uod at mga bahay-uod.
Larawan ng isang gamu-gamo.
Larawan ng isang paru-paro.

May mga pagkakaiba ang mga paru-paro at mga gamu-gamo. Ito ang mga sumusunod:

Pisikal na pagkakaiba[baguhin]

Hugis at itsura ng sungay[baguhin]

Karamihan sa mga paruparo ang may manipis, payat at balingkinitang antena na may tila-batutang dulo. Sa kabila, karaniwang may mga malasuklay o mabalahibong antena naman ang mga gamugamo at walang bukol sa dulo.

Itsura ng mga pakpak[baguhin]

Karamihan sa mga gamugamo ang may frenulum o sungay na bumabangon mula sa panlikod na pakpak na nakikitambal sa mga tulis sa ibabaw ng pangharap na pakpak. Mapapansin lamang ang frenulum kung tatanganan ang halimbawang insekto. May ilang mga mga gamugamo na may hugis-lobong bahagi sa pangunahing pakpak, tinatawag na jugum, na nakatutulong sa pagtatambal sa panlikod na pakpak. Walang ganitong mga istruktura ang mga paruparo.

Karamihan sa mga paruparo ang magkaroon ng mga matitingkad na mga kulay sa kanilang mga pakpak. Pangkaraniwan naman sa mga pang-gabing gamugamo ang may kulay-kalawang, abuhin, puti o itim na mga pakpak, na kadalasang malabong padron ng mga zigzag o paikot na guhit. Nakatutulong ang mga guhit na ito sa pagtatago habang namamahinga tuwing umaga. Subalit mayroon din namang mga gamugamong lumilipad sa araw na may mga pakpak na nabahiran ng mga matitingkad na kulay, at kadalasang nakalalason. May ilan-ilan din namang mga paruparong payak lamang ang mga kulay ng pakpak.

Bahay-higad o pyupa[baguhin]

Karamihan sa mga anak na higad ng mga gamugamo ang nagpapainog ng mga cocoon o balot na yari sa sutla (seda), kung saan sa loob ng balot na ito sila natutulog para magbagong-anyo (metamorposis) at maging ganap na may-gulang na gamugamo. Sa kabilang banda, karamihan sa mga paruparo ang bumubuo ng nakalitaw o walang balot na pyupa (nahimhimbing na higad), na tinatawag na krisalis (Ingles: chrysalis).

Itsura ng katawan[baguhin]

Moths tend to have stout and hairy or furry-looking bodies, while butterflies have slender and smoother abdomens. Moths have larger scales on their wings which makes them look more dense and fluffy. Butterflies on the other hand possess fine scales. This difference is possibly due to the need for moths to conserve heat during the cooler nights whereas butterflies are able to absorb solar radiation.

Pagkakaiba sa pag-uugali at gawi[baguhin]
  • Oras ng pagkilos:

Karamihan sa mga gamugamu ay panggabi o nagsisikilos tuwing madaling-araw at dapit-hapon, samantalang pang-araw naman ang mga paruparo.

  • Tikas sa pamamahinga:

Karaniwan sa mga gamugamo ang namamahinga na ang pakpak ay nakabukang nakalatag at nakaunat. Samantalang kadalasang nakatiklop sa ibabaw ng likuran ang sa mga paruparo kung nakadapo, datapuwa't paminsanminsang bubuklatin para ibilad at ilantad ang mga pakpak nang panandalian. Saubalit mayroon pa ring mga ilang paruparong inilalatag o isinasara ang mga pakpak o maging ang pagtitigil sa tila-nakahandang-lumipad na posisyon kung nakadapo.

Karamihan sa mga gamugamo ang nakagawiang tiklupin ang kanilang mga pakpak sa ibabaw ng likuran kung nakalagak sila sa isang pook, katulad kung walang sapat na espasyo upang maibuka ang kanilang mga pakpak. Isa sa mga nakalilitong pamilya ng gamugamo ay ang Geometridae katulad ng Pang-taglamig na gamugamo (Ingles: Winter moth) sapagkat karaniwang ipinapahinga ng mga gamugamong may sapat na gulang ang kanilang pakpak sa posisyong nakatindig. May mga payat na katawan at malalaking pakpak ang mga gamugamong ito (katulad ng mga paruparo) subalit maaaring makilala at madaling ibukod kung susuriin ang pagkakaiba ng kanilang mga sungay.

Mga talasanggunian[baguhin]

Wikipedia-logo-en.png
Ang artikulong ito o mga bahagi nito ay hinango o isinalin mula sa Wikipediang Ingles. Ang katumbas na artikulo nito sa Ingles ay may pamagat na: