Pumunta sa nilalaman

Pagkawala ni Jovelyn Galleno

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jovelyn Galleno
NaglahoAgosto 5, 2022
Robinsons Place, Puerto Princesa, Palawan
NasyonalidadPilipino
Edukasyon
  • San Jose National High School (Puerto Princesa)
  • Fullbright College
Tangkad5 talampakan 3 pulgada (1.60 m)
Magulang
  • Jelyn Galleno (nanay)
Kamag-anakJonalyn Galleno (kapatid)

Si Jovelyn Galleno ay isang Pilipinang 22 taong gulang na dating empleyado ng isang Mall sa Puerto Princesa, Palawan. Siya ay naiulat na nawawala noong ika-5 ng Agosto, 2022 ayon sa kanyang kapatid na si Jonalyn. Ani ng employer ni Galleno, lumisan siya matapos ang oras ng kanyang trabaho sa Robinsons Place Palawan ng mga 6:30 p.m.[1]

Si Galleno ay isang estudyante na nagtatrabaho bilang sales lady sa Robinsons Place, isang mall sa Puerto Princesa City. 6:30 p.m. ng gabi ng siya ay lumabas sa kanyang pinapasukan, 6pm ng gabi ng huli siyang makita.[2] Naglabas ng bidyo ang mall sa oras ng pumasok siya ngunit walang matibay na kopya ng bidyo sa oras ng kanyang pag-alis. Ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas ay umaksyon ng agaran sa gobyerno ng Puerto Princesa at ng Land Transportation Office upang hanapin ang sasakyan na dumakip sa kanya.[3]

Imbestigasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon kay Pulis kapitan Victoria Carmen C. Iquin ng Puerto Princesa City Police Office, base sa kuha ng CCTV ay tinignan nilang maigi ang loob at labas ng mall sa oras ng kanyang pagkawala. Siya ay huling nakitang sumakay sa puting multicab mula sa Robinsons Mall papuntang Sta. Lourdes. Makalipas ang labing walong araw natagpuan ang kalansay ni Jovelyn Kasabay nito ang pag amin sa pulisya ng isa sa dalawang suspek.