Pumunta sa nilalaman

Pamamahinga sa higaan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pagpapahinga sa higaan)

Ang pamamahinga sa higaan ay ang pagpapahinga sa anumang maginhawang higaan na maaaring gawin sa ospital, ngunit mas pangkaraniwang nasa tahanan o bahay ng pasyente. Sa larangan ng panggagamot, isa itong reseta o preskripsyon ng manggagamot sa isang pasyente upang maglaan ng sapat na panahon ng pahinga habang nasa ibabaw ng isang himlayan, araw man o gabi. Isa itong pagbibigay-lunas sa isang karamdaman o kalagayang pang-panggagamot. Partikular itong pinipili bilang pampagaling mula sa sakit o isang katayuang medikal sa halip na nagbubuhat mula sa isang masidhing pagkakaratay o sa pagkakaroon ng nagbabadyang kamatayan ng isang tao. Sa pamamahingang ito, maaari ring nakadapa ang pasyente, alinsunod sa pangangailangang pangkalusugan.

Karaniwang kinakailangan ang pagkakaroon ng kasangkapan, kagamitan, o aparato sa higaan upang maiangat ng nakasandal ang pang-itaas na bahagi ng katawan ng pasyenteng imbalido at namamahinga sa higaan, katulad ng sa mga may sakit sa puso. Sa pagkakataon ng emerhensiya, pansamantalang ginagamit ang isang upuang ibinalintuwad na ipinatong sa kama at nilagyan ng malalambot na mga unan ang panlikurang bahagi. Para sa mas matagalang paggamit, mas minamainam ang pagkakaroon o pagbili ng isang aparatong naaangkop para sa ganitong kalagayan o situwasyon.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Robinson, Victor, pat. (1939). "Bed rest". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 86.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.