Pagpapakita ng mga hindi tukoy na lumilipad na bagay sa Pilipinas
Ito ay isang tala ng mga pinanindigang mga pagpapakita ng mga hindi tukoy na lumilipad na bagay sa Pilipinas.
Pangyayari sa Las Piñas, taong 2000
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Antonio Israel, 37 taong gulang ay nagsasabi na nakuhanan niya sa bideyo ang pinaninindigang "maliliit na bolang ilaw na sumasayaw na natataranta sa himpapawid sa gabi sa taas ng kanyang pamayanan sa Daang Silver sa Carmela Homes IV sa Las Piñas noong Setyembre. 3, 2000." Ang mga sigaw ng mga kapitbahay ni Israel ay maririnig sa bideyo habang sila ay nagiugulat sa hanga at 'di kapani-paniwalang mga bagay na nikikita nila. Naninindigan din diyang ang mga UFO na iyon ay nakita sa katabing barangay na marahil naglalaman ng mga nakatira sa katabing lungsod ng Parañaque.[1]
Pangyayari sa Las Piñas, taong 2004
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mahigit sa 10 UFO ang nakita sa Las Piñas noong ika-7 ng gabi Sabado gabi noong Agosto 28. Tatlong bata ang unang nakapansin sa dalawang hindi karniwang ilaw na metaliko't pula na lumalakbay sa taas ng bahagyang maulap na himpapawid sa ibabaw ng Daang Mabolo, Verdant Acres, Pamplona, Lungsod ng Las Piñas. Habang ang mga kakaibang bagay ay pumunta sa silangang dirksiyon habang bumababa na ang buwan, dalawa pa ang dumating at tatlo pa ang sumunod na lumulutang sa kanlurang direksiyon. Ang mga kakaibang bagay ay hindi maaaring mga eroplano, ayon kay Nica Carinas, 11 taong gulang sapagkat ang dalawa sa kanila ay pumapalapit sa buwan. Si Nica, ang pinakamatanda sa mga magkakapatid at ang isa sa mga naunang nakakita ay tinawag agad ang kanyang siyam na taong gulang na kaibigan na si Adrian Israel na alam ng mga bata na may naranasang pangyayaring UFO at ang ama na si Antonio (Tony) ay nakakuha ng mga bideyo ng UFO sa Las Piñas noong 3 Setyembre 2000.
Tinukoy na Adrian na ang mga bagay na ito ay kaukha sa mga nakita niya apat na taong nakararaan at nagmadaling bumalik sa bahay para sabihin sa knayang mga nakatatandang mga kuya na sinabi naman sa kanilang ama na si Tony na kinuha ang kanyang video camera matapos pagmasdan ang kakaibang pangyayari. Sinamahan siya ng mga kapitbahay nila at pinagmamasdan ang mga bagay habang ang mga ito ay natatarantang gumagalaw papunta sa iba't ibang mga direksiyon. Mula 7:30 hanggang 8:15, si Tony ay kumuha ng bideyo ng limang UFO habang sila ay pumupunta sa isang gawi na may layong walong segundo na sinusundan ang isa't isa. Si Israel, salamat sa kanyang naranasan noong 2000 ay mas bihasa sa pagtutok ng kanyang Sharp digital video camera na may 200x magnification sa bahagyang maulap na kalangitan ng Las Piñas. na nagtutuon pansin sa mga punto ng pinanggalingan at tantiyang taas ng mga bagay. Ang PAGASA ay nagsasabing ang mga ito ay mga baloon na ginamit sa piyesta na makikita sa mahigit kumulang na 30,000 hanggang 40,000 na talampakasn sa tantiya ni Israel. "Alas! Matapos ng apat na taon, nagbalik sila," sabi ni Israel.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Farshores UFO Dimensions: Incident At Las Piñas" Naka-arkibo 2008-05-16 sa Wayback Machine.. Retrieved 11-18-2008.
- ↑ Balita sa TV PATROL-ABS-CBN (30 Agosto 2004)