Pumunta sa nilalaman

Pagpaslang kina Eileen Sarmenta at Allan Gomez

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagpaslang kina Eileen Sarmenta at Allan Gomez
Petsa28 Hunyo 1993 (1993-06-28)
LugarLaguna, Pilipinas
UriPagpatay / Panggagahasa
Mga namatayEileen Sarmenta
Allan Gomez
IhinatolAntonio Sanchez
(at ilang mga kasabwat)
HatolMay sala (Marso 14, 1995)
Mga hinatulanPitong mga termino ng reclusión perpetua

Ang pagpaslang (o pagpatay) kina Eileen Sarmenta at Allan Gomez ay isang kaso ng panggagahasa at pagpatay noong taong 1993 na kinasangkutan ng ilang tauhan ng pulisya at noo'y alkalde ng Calauan, Laguna na si Antonio Sanchez na nilitis at nahatulan sa krimen. Inakusa si Sanchez bilang utak sa likod ng pag-dukot kay Sarmenta at sa kaniyang kinakasamang si Gomez, at ang kasunod na panggagahasa at pagpatay kay Sarmenta at ang pagpapahirap at pagpatay kay Gomez. Kapuwang mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños (UPLB) ang mga biktima.[1][2][3]

Noong Marso 14, 1995, tinapos ni Hukom Harriet Demetriou ng Pasig ang 16 na buwang paglilitis sa pagpaslang kina Sarmenta at Gomez sa pamamagitan ng isang pagkatuklas na may sala sina Alkalde Antonio Sanchez at ilang mga tauhan (ilan lamang sa kanila ay mga pulisya) sa paggahasa at pagpatay kay Sarmenta at pagpatay sa kasintahan nito. Sa kaniyang 132-pahinang desisyon, inilarawan ni Demetriou ang krimen bilang isang krimeng buhat ng "isang balak na waring napisa mula sa impiyerno."[4]

Kasalukuyang nagsisilbi si Sanchez sa kaniyang pitong (7) mga termino ng reclusión perpetua (40 taon sa bawat termino) para sa krimen. Noong Enero 25, 1999, ipinagtibay ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ang pasiya ng Panrehiyon na Hukuman sa Paglilitis. Noong Agosto 29, 1999, binigyan si Sanchez ng ikalawang habambuhay na pagkabilanggo ng Kataas-taasang Hukuman para naman sa ibang kaso. Kasama ang kaniyang pitong mga termino para sa pagpaslang kina Sarmenta at Gomez, gugugulin ni Sanchez ang kabuuang 360 taon sa bilangguan.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Kathleen M. Dijamco (Marso 23, 1995). "Senators on Sanchez: Triumph of Justice". Filipino Reporter. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 23, 2012. Nakuha noong Oktubre 1, 2016 – sa pamamagitan ni/ng HighBeam Research. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo October 23, 2012[Date mismatch], sa Wayback Machine.
  2. "GMA News Research: Celebrated rape cases in the Philippines". images.gmanews.tv. Nakuha noong 2016-07-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "G.R. Nos. 111771-77". www.lawphil.net. Nakuha noong 2016-07-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.