Pumunta sa nilalaman

Pagpupulong sa Pamamahala ng Internet

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Internet Governance Forum, Rio de Janeiro 2007

Ang Pagpupulong sa Pamamahala ng Internet o Internet Governance Forum (IGF) sa Ingles ay isang pagpulong at pagtatagpo ng mga iba’t ibang usapan ukol sa pamamahala ng Internet (Internet governance[1]). Ito ay pormal na pinahayag at tinatag ng pangkalahatang kahilim ng United Nations United Nations noong Hulyo 2006 at sinimulan noong Oktubre o Nobyembre ng taong din yun.

Estruktura at tungkulin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pagbuo ng Pagpulong sa Pamamahala ng Internet o “Internet Governance Forum” ay unang inirekomenda sa isang ulat ng Working Group on Internet Governance pagkatapos ng maraming seryeng pagpahayag at pagtanong sa mga nauukol. Ang ulat na ito ay isa sa mga lagom sa ikalawang bahagi ng Sanlibutang Pagtipon para sa Lipunan ng Teknolohiyang Impormasyon World Summit on the Information Society na ginanap sa Tunis noong 2005, na naging daan din para pormal na likhain ang IGF at ilapat ang itong pahayag.[2]

Pagkatapos ng hayag na pulong na ginanap noong Pebrero 2006, ang pangkalahatang kalihim ng UN ay nagbuo ng isang pangpayuhang grupo na tinawag na MAG at pangungunahan ng kalihim (o tinatawag na “Secretariat”) na maging pangunang pasanayan na bubuo sa IGF. Ang mga paghahati sa itong organisasyon ay hindi dapat isiping o akalaing tiyak dahil ang straktura ng organisasyon ay tinutuloy na iayos at baguhin hanggang aangkop ito sa mga kailangan ng mga myembro.

Ang “Multistakeholder Advisory Group” o “MAG”

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Tagapagpayong Grupo, na ngayon ay tinatawag na MAG (Multistakeholder Advisory Group), ay binuo ng dating pangkalahatang kalihim ng United Nations na si Ginoong Kofi Annan noong 17 Mayo 2006[3]. Ang MAG ay unang binubuo ng apatnapung-anim na myembro mula sa internasyonal na gobyerno, sa pribadong sector ng komersiya at pampublikong lipunan o samahang pambansa, bilang ang akademiya at teknolohiyang komunidad, at pinamumunuhan ni Nitin Desai,ang pangkalahatang kahilim at tanging tagapagpayo sa Sanlibutang Pagtipon para sa Lipunan ng Teknolohiyang Impormasyon o World Summit on the Information Society. Lahat ng mga taong sumali o may ganap na angkin sa itong gawain o hangad ay pantay na makihalo dito. Ang layunin ng paglapat ng MAG ay para tulungan o alayin ang Pangkalahatang Kalihim sa pagsimula ng Pagpulong sa Pamamahala ng Internet o ang “Internet Governance Forum .“ Noong 20 Agosto, ang pahayag ng MAG ay binago[4] na ngayon may apatnapung-pitong myembro sa bagong estruktura, at pangungunahan ni Nitin Desai[5], at ng diplomat mula sa Brazil na si Hadil da Rocha Vianna[5].Ang pahayag ng MAG ay may palugit lamang noon na hanggang 30 Abril 2008.[6] na may bagong tatlongpung-tatlong porsiyento ng myembro sa bawat tumaya o sumaling grupo at si Nitin Desai pa rin ang tanging pinuno.[5]. Ang MAG ay nagtatagpo tatlong beses sa isang taon – sa Pebrero, Mayo at Setyembre. Ang tatlong talakdaan ay gaganapin sa Geneva sa Palais des Nations at susundan ng hayag na pulong pagkatapos.

Ang mga detalye sa pagpalakad at pagpili ng MAG ay mababasa sa isang kabuuang ulat sa isang pulong na ginanap noong Pebrero. Ito ay maaring kunin sa [1][patay na link][7]

Noong 22 Agosto 2008, binago ng opisina ng United Nations sa Geneva ang pagsapi ng MAG para sa paghanda sa nararating Pagpulong sa Pamamahala ng Internet o ang “Internet Governance Forum” na gaganapin sa lunsod ng Hyderabad sa India. May kabuuan na limangpung myembro, labing-pito dito ay mga bagong myembro, na kumakatawan ng tatlongpung-tatlong porsiyento ng kabuuan ng mga myembro. Si Nitin Desai pa rin ang pinuno ng Tagapagpayong Grupo . (Source: UN Department of Public Information, United Nations Office in Geneva. Accessed online at:(httpNewsByYear_en)/417AFED5138FD8E5C12574AD002E6C13?OpenDocument)[8]

Kalihim o Tagapangasiwa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Kalihim o Tagapangasiwa ay mamalahagi sa opisina ng United Nations sa Geneva at siya ay tutulong at mangangasiwa sa mga gawain ng MAG. Ang Kalihim o Tagapangasiwa ay pangungunahan ni Markus Kummer bilang Pangkalahatang Tagaganap ng mga gawain at si Chengetai Masango bilang manedyer ng Programa at Tekhnolohiya. Ang Kalihim o Tagapangasiwa ang siya ring nagbibigay ng mga oportunidad at nag-aasikaso na makalahok at makadalo ang interesadong makapunta sa IGF.[9], Si Markus Kummer ay sangkot din sa WGIG na sumasakatuparan sa tagapangasiwa nito.[10].

Kasaysayan at Pag-unlad ng Pagpulong sa Pamamahala ng Internet

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagsubaybay sa WSIS (Sanlibutang Pagtipon para sa Lipunan ng Teknolohiyang Impormasyon o World Summit on the Information Society)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang IGF ay isang mahalagang kaganapan ng Sanlibutang Pagtipon para sa Lipunan ng Teknolohiyang Impormasyon o World Summit on Information Technology (WSIS) sa Ingles. Ang mahalagang resulta ng pagtitipon na ito ay pinabisa ng ika-37 at ika-38 talata ng Pag-ako sa Tunis 2005. Sa talatang tatlongpung-pito, nakasaad na “…ang mga layunin ay maaabot sa pamamagitan ng pagsanib-pwersa, kooperasyon at pagtutulungan ng gobyerno at iba’t ibang interesadong sektor ,halimabawa, ang pribadong sektor, mga iba’t ibang pambansang samahan o lipunan at mga internasyonal na organisasyon, at mapayapa ang kooperasyon sa buong mundo at pag-iisa sa lahat ng antas ay hindi medaling mabura kung ito ay ikabubuti ng Lipunan ng Impormasyon.”[11] Sumusunod sa itong pag-ako, ang ika-38 talata ay nagsasaad din na ang lahat na mga sikap ay “hindi dapat huminto sa pagtatapos o konklusyon ng pagtitipong ito…ang pagsikat ng pangdaigdig na Lipunan ng Impormasyon kung saan tayo ay nakikibahagi sa tumataas na oportunidada sa sambayanan at para sa pangkaloobang pangdaigdig na komunidad…dapat natin ngayon isa-isip at ibahagi ang mga oportunidad na ito at suportahan ang masusunod na paglinang at pag-uunlad nito.”[12] Ang Pagtitipon sa Tunis (Tunis Summit) noong 2005 ay nagkaroon ng mahalagang kaganapan nang nabuo ang ulat ng IGF. Sa ika-72 talata ng Talan ng Tunis, tinanong ang Pangkalahatang Kalihim ng UN para simulan ang pagpulong ukol sa bagong pagtipon ng mga iba’t ibang organisasyon at sektor na may interes o pakinabang dito, at tinatawag na IGF. Sa itong ulat, ang mga iba’t ibang organisasyon o sektor na may interes o pakinabang dito ay hinihikayat na patibayin ang pagsali o pagbilang dito ,lalong-lalo na sa mga mahihirap na bansa. Sa talata ika-72(h), ang ulat ay tinutumbok sa pagtutulungan at pamamahagi ng kakayahan para sa mga mahihirap na bansa at paggamit ng lokal na kaalaman, pamamaraan at husay.[13] Ang akdang ito ay pinatibay sa isang programa ng Diplo Foundation na tinatawag na “Internet Governance Capacity Building Programme” (IGCBP),kung saan ang mga sumasali o mga kalahok ay nanggaling sa iba’t ibang rehiyon, na nakikinabang din sa kaalaman at husay ng mga experto sa Pamamahala ng Internet.[14]

Ang pagsanib-pwersa ng mga iba’t ibang organisasyon at sektor sa pagplano, pamamahala at sistema ng IGF ay isang patunay sa pag-ako, lalong-lalo na pinatibay ito sa ika-39 talata ng Pag-ako sa Tunis. Sa itong talata, may malalim na tungkuling na “…gumawa at ipasakatuparan ang isang epektibong sagot o tugon sa mga dipikultad at oportunidad sa pagtindig ng isang ganap na pangdaigdig na Lipunan ng Impormasyon para sa kabutihan ng kapwang tao.” [11] Sa pagtitipon ng lipunang pambansa noong 16 Hunyo 2008, na inareglo ng OECD (Organisasyon para sa Pag-unlad ng Ekonomiya at Kooperasyon o Organization of Economic Development and Cooperation) at ginanap sa Seoul, S.Korea, nagsalita si Embahador David A. Gross, ng Estadong Departamento ng pamhalaan ng Estados Unidos, ukol sa pagbago ng panglipunang buhay ng mga tao dahil sa Internet. Naniniwala si Embahador Gross na ang pagbabagong ito ay nagkaroon ng malaking epekto sa pagdayo ng impormasyon na naging dahilan din para magbago ang pampolitikang pamamalakad ng mga gawain o empleo. Pinapahiwatig ni Embahador Gross na may dalang malakas at malalim na linggwahe o salita ang 2005 WSIS dahil sa talata ika-4, na nakasaad din sa Tala sa Tunis, ukol sa paghayag.[15]

Pagbuo ng IGF

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pagsali ng iba’t ibang organisasyon at sektor ay inuulit na pinapahayag, hango sa internasyonal na mga hanay ng IGF. Ang pag-andukhain dito ay naiulat sa ika-29 hanggang ika-35 ng Tala ng Tunis. Lahat na nagtunggali dito ay naggaling sa gobyerno, sa pribadong sektor ng teknolohiya at ekonomiya, pambansang samahan, at mga iba’t-ibang hanay o organisasyon ng gobyerno. Sa ika-32 talata, ang Pangkalahatang Kalihim ng UN ay binati sa kanyang Gawain sa pagtayo ng “ Working Group on Internet Governance” (WGIG).

Ang pagkaroon ng isang organisasyon katulad ng IGF ay unang tinuntunan ng atensiyon sa Ulat ng WGIG. Pagkatapos makakuha ang pagsang-ayon ng mga myembro, nagrekomenda ang WGIG at ito ay nakasaad sa talata ika-40 ng ulat:

"nabuo ng WGIG ang espasyo na hango sa akdang estruktura, dahil walang pangdaigdig na pagtitipon para mapag-usapan ang mga isyu tungkol sa pampublikong pamamahala ng Internet. Nagkaroon ng konklusyon na mas makabuluhan kung makabuo ng pagkakataon para sa pag-uusap ng mga iba’t ibang organisasyon o sektor na may kinalalaman dito. Ang pagkakataong ito ang makabigay ng daan para pag-usapan ang mga isyu, at mga dadating na isyu pa, na makakabuluhan at may maraming dimensiyon, at kung anumang epekto nito sa iba’t ibang institusyon, ay hindi nasiayos ng anumang institusyon at hindi naharap nang mabuti”

Ang IGF ay isa sa apat na rekomendasyon na inulat.

Ang ideya ng isang pagtitipon ay inirekomenda ng bansang Argentina, at nakasaad sa rekomendasyong ito [16] na ginanap noong huling ika-3 Prepcom 3 sa Tunis:

"para matibay ang pangdaigdig na pakikibahagi o kooperasyon sa pampublikong pag-uusap sa mga isyu at aspektong pamamahala na may hango sa pamamahala ng Internet, kami ay nagrerekomenda ng isang pagtitipon. Ang pagtitipon na ito ay hindi magbubura ng mga mekanismo na binabahagi ngayon, datapwa’t ito ay titindig sa binabahaging estruktura sa Pamamahala ng Internet, at dapat titindig para sa kabuhayan, estabilismo at katibayan ng Internet sa paghaharap ng mga isyung pampubliko na hindi naman pinakikinggan ng madla o nasi-ayos, di lamang kasama dito ang mga isyu sa pamamalakad o operasyon ng Internet sa bawat araw. Ito ay dapat hango sa konstitusyon ng isang bansa at masabing walang kinakampihan, walang sinusundan at walang proseso na inaaangko para sa pagbibigay ng impormasyon at pagpahayag ng mga mabubuting ehempleo at pagtutugis sa mga isyu, para mapa-alam ang madla, makuha ang sang-ayon at pagsali nila. Sa pag-unawa sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at mga institusyon, kami ay nagrerekomenda na ang mekanismong ito ay akdang matalata dahil kailangan itong matuloy.”

Ang pagsimula ng IGF ay pinahayag noong 18 Hulyo 2006, at ang unang pulong ng Pagtitipon ay ginanap sa Athens, Greece noong 30 Oktubre – 2 Nobyembre 2006.

Mga Konsultasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May dalawang konsultasyon ukol sa pagsisimula ng IGF:

[1] 16—17 Pebrero 2006 – Ang unang konsultasyon ay ginanap sa Geneva. Ang tala o rekord ng pagpulong ay makukuha sa pahina ng IGF.[17][18]

[2] 19 Mayo 2006 – Ang ikalawang konsultasyon ay bukas sa lahat na interesado makalahok dito at ito ay ginanap para paghandaan ang unang pagpulong ng IGF. Ang kabuuang tagapagpamahala dito ay si Nitin Desai na siya rin ang Tagapagpayo sa Pangkalahatang Kalihim ng UN para sa Pamamahala ng Internet.[19]

Ikalawang Pagpulong ng IGF

Ang mga konsultasyon ay ginanap sa Geneva noong 23 Mayo 2007 at ito ay bukas sa lahat na interesadong makilahok. Ang itong konsultasyon ay parte ng mga aktibidades ng WSIS na ginanap din noong 15—25 Mayo 2007.[20] Isang grupong tagapagpayo ay inihanda para sa IGF pulong sa lungsod ng Rio de Janeiro sa bansang Brazil. Ang hayag na konsultasyon na ginanap noong 3 Setyembre 2007 ay ginanap sa Geneva.[21]

Para sa buong impormasyon, ang ulat tungkol sa konsultasyon at mga pulong ng IGF ay mahahanap sa ibaba:

Date Event
16—18 Nobyembre 2005 Ikalawang Bahagi ng WSIS sa Tunis
16—17 Pebrero 2006 Unang bahagi ng Konsultasyon
2 Marso 2006 Pagtatag ng Tagapagpamahala ng IGF
19 Mayo 2006 Ikalawang Bahagi ng Konsultasyon
22—23 Mayo 2006 Pagtatag ng Unang Pulong ng Tagapagpayong Grupo ng IGF
18 Hulyo 2006 Simula ng IGF
7—8 Setyembre 2006 Ikalawang Pulong ng Tagapagpayong Grupo ng IGF
30 Oktubre—2 Nobyembre 2006 Simula ng Pagpulong ng IGF sa Athens
12—15 Nobyembre 2007 Ikalawang Pulong ng IGF sa Rio de Janeiro, Brazil
13 Mayo 2008 Hayag na Konsultasyon
Ika 14 hanggang 15 Mayo 2008 Pagpulong ng IGF Multistakeholder Advisory Group (MAG)

Ang ikatlong pulong ng IGF ay gaganapin sa Hyderabad, India sa ika 3 hanggang 6 Disyembre 2008.

Ang gobyerno ng Egypt nagpahiwatig ng interes na ganapin ang pulong ng IGF sa taong 2009,at ang mga gobyerno ng Lithuania at Azerbaijan ay nagpahiwatig din ng interes na ganapin ang pagpulong ng IGF sa taong 2010.

Ulat at and Kalabasan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang tungkulin ng IGF ay para makabuo ng isang pagtitipon para makapag-usap at makapulong ang mga kalahok dito. Ang IGF ay "tutukoy sa mga dadating isyu, ipaalam, ibahagi at kunin ang atensiyon ng mga nauukulang katawan ng gobyerno o departamento at ng madla, para makabigay din sila ng mga rekomendasyon", but hindi ibig sabihin na sila ay makabigay na ng pasiya.[22].

Mga Aktibidad sa IGF

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga iba’t ibang aktibidad ay nagaganap sa IGF: Mga Pagsasanay, Pagtitipon Ukol sa Pinakamahusay na Empleo, Hayag na Pagtitipon at Konsultasyon at mga pulong ng Dynamic Coalitions.

Ang kabuuang tema ng IGF ay ang mga sumusunod: paghayag, seguridad, kinaiiba at karapatang makibahagi. May bagong tema na tinukoy sa IGF Brazil: ang mga kritikal na kaalaman, husay at yamang-talino ay palaging pinag-uusapansa IGF sa ngayon.

Mga Magilas na Pagpipisan (Dynamic Coalitions)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

The pinakahalagang kinalabasan ng unang IGF sa Athens ay ang pagbuo ng maraming Dynamic Coalitions[23]. Ang mga ito ay hindi mga pormal na grupo, nahahati sa iba’t ibang grupo at may mga isyu na pinag-uusapan sa grupo lamang nila.

Halos lahat ng mga grupong ito ay tumatanggap ng kontribusyon sa sinumang interesado sa kanilang isyu. Dahil dito, itong mga grupo ay hindi lamang pagtitipon ng akademya kundi mga inuukulan ng gobyerno, mga pambansang lipunan na interesado o may hilig sa debate at mga kawang-gawa ng grupo.

Sa ngayon, ang mga sumusunod na Dynamic Coalitions ay napa-alam na sa Pangkalahatang Kalihim o Tagapangasiwa ng IGF:

  • The StopSpamAlliance [2]
  • Dynamic Coalition on Privacy [3] Naka-arkibo 2008-05-18 sa Wayback Machine.
  • The IGF Dynamic Coalition on Open Standards (IGF DCOS) [4] Naka-arkibo 2008-05-16 sa Wayback Machine.
  • The Dynamic Coalition on Access and Connectivity for Remote, Rural and Dispersed Communities [5] Naka-arkibo 2008-08-07 sa Wayback Machine.
  • Dynamic Coalition on the Internet Bill of Rights [6]
  • Dynamic Coalition for Linguistic Diversity [7]
  • A2K@IGF Dynamic Coalition [8] Naka-arkibo 2008-06-05 sa Wayback Machine.
  • Freedom of Expression and Freedom of the Media on the Internet (FOEonline) [9]
  • Online Collaboration Dynamic Coalition [10] Naka-arkibo 2008-07-24 sa Wayback Machine.
  • Gender and Internet Governance (GIG)
  • Framework of Principles for the Internet
  • Dynamic Coalition on Child Online Safety
  • Dynamic Coalition on "Accessibility and Disability" [11]
  • Dynamic Coalition for Online Education

Mga Pagsasanay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa taong 2007, maraming pagsanay ang inihanda ng IGF [12] Naka-arkibo 2012-09-04 at Archive.is na nakakaagaw-pansin o nagbigay interes sa mamamayan. Ang tema sa Pagtanggol ng mga Kabataan ay isa sa mga pinakatanyag na isyung pinag-usapan, kung saan may maraming paglahok. Para sa taong 2008, ang pahina ng IGF ay naghandog para sa mga pagsasanay na ito [13] Naka-arkibo 2008-09-19 sa Wayback Machine. na pwedeng imungkahi sa pamuhatan ng pangunang dibuhong sesyon:

  * Pandaigdigan ng Internet – Paano abutin ang susunod na bilyon (Palakihin ang Internet)
  * Mababang Kabayaran sa Paggamit ng Internet
  * Iba’t –ibang Pananalita o lenguahe
  * Makahulugan o Makabuluhan Paglinang ng Polisa
  * Pangangasiwa ng Internet (Paggamit ng Internet)
  * Kritikal na mga Kakayahan o Kayamanan ng Internet
  * Paghanda para sa Pamamahala ng Internet
  * Pandaigdigang Kooperasyon para sa Seguridad at Stabilisasyon ng Internet
  * Paglaan at Pagkaloobang Galaw
  * Mga Isyung Pumapaibabaw

Ang mga iba’t-ibang pagsasanay ay minungkahi noong 15 Mayo 2008 at ayon sa pahina para sa mga pagsasanay, basahin ang ugnay o dugtong dito [14] Naka-arkibo 2009-07-26 sa Wayback Machine.. Ang mga panukalang ito ay sinuri at may tangkang isama ang mga iba’t- ibang panukala para sa mabilisang, mas makakabuti o mas marami pang pagsasanay.

Number Proposed Workshop Theme
15
Paggamit (ng Internet)
9
Pagkaiba o Pagkabukod
15
Pagiging Hayag
21
Seguridad
13
Kritikal na mga Kakayahan o Kayamanan ng Internet
9
Paglinang
6
Paggawa ng Kakayahan
17
Iba pa

Ang pagbago o pagpalit ng mga proseso at programa ukol sa pagtitipon sa lunsod ng Hyderabad ay makukuha sa http://www.intgovforum.org.

I IGF sa Athens (Greece) Noong 2006

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pahinang ito ay magbibigay ng makawiwiling impormasyon ukol sa pagtubo ng unang IGF.[24]

II IGF sa Rio de Janeiro (Brazil) noong 2007

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May walumput-apat na pangyayari na naganap na magkahanay o magkahilera sa mga pangunang sesyon, at ito ay inihanda sa ilalim ng limang tema: (i) kritikal na mga kakayahan o kayamanan ng Internet

(ii) paggamit (ng Internet); (iii) pagkaiba o pagkabukod; (iv) paghayag at (v) seguridad. May tatlongput-anim na mga pagsasanay, dalawangput-tatlong pinakahusay na pagtitipon, labing-isang mga magilas na pagpipisan, walong hayag na pagtitipon at anim na pangyayari na nagtutukoy sa iba’t-ibang isyu (katulad ng Pagtitipon ng Giganet (Giganet Symposium)[25]) [26]

Ang pahina sa Internet ng punong-abala ay naglalaad ng mga video and audiorekord galling sa mga punong sesyon at ibang nakahilerang pagsasanay, pinakamahusay na pagsasanay at hayag na pagtitipon, at mga karagdagang kasangkapan para isalin ang salita o lenguahe sa Arabic.[27]

Nagbigay pugay din sa pagsali ng mga iba’t- ibang rehiyon, kabilang ang tatlongput-limang porsiyente na nanggaling sa Timog Amerika at Caribbean, kung saan din dalawangput-siyam na porsiyento dito ay nanggaling sa Brazil.

May mga istatistika na makukuha katulad ng[28]:

Rehiyon Partisipasyon
Timog Amerika at Caribbean
35%
Kanlurang Europa
20%
Hilagang Amerika
13%
Asya
13%
Aprika
10%
Silangang Europa
7%
Oceania
2%

Mga Pangunahing Sesyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga pangunahing sesyon ay pinabuti hango sa limang tema na pinili para sa taong ito: Kritikal na Kakayahan o Kayamanan ng Internet,Paggami (ng Internet), Pagkaiba o Pagkabukod, Paghayag at Seguridad.

Pakitingnan sa ibaba ang mga kabuuan ng pangunahing sesyon:

Sinimulang Seremonya/Sinimulang Sesyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang paglahok ng iba’t-ibang tao sa kaganapang ito ay naging mas makabuluhan dahil sa pagdatingan at pagdalo ng mga tagapagsalita at mga panelista sa Sinimulang Sesyon, lakip sa pinadalang mensahe na pinaunlak ng Pangkalahatang-Kalihim ng UN na si Ban Ki-Moon, at binasa ng Mababang-Pangkalahatang-Klihim at may titulo ring Pangkalahatang-Kalihim para sa Gawaing Ekonomiya at Panlipunan ng UN na si M. Sha Zukang.

Tiniyak din ni M. Ban Ki-Moon na hindi aangkinin ng UN ang Pamamahala sa Internet pero aalokin nila na magbigay ng oportunidad para makatipon ng mga taong may katulad na interes para maabot ang pandaigdig na hangarin.[29]

Tinapos ni M. Sha Zukang ang kanyang mensahe sa pagsabi na ang IGF ay naging isang nakakaibang karanasan dahil ito ay “nagtipon ng maraming tao na hindi akalaing makasalubong o makatagpo sa isang bubong.” [30]

Ang Paglinang ay isang partikular na isyu na tinuntunan ng atensiyon sa IGF-Rio, at ito ay isang tema rin sa pagdulong na ito,bilang dito ang pagputol ng “Paghati sa Kaalaman sa Internet” (o tinatawag na Digital Divide), na maging tema sa susunod na IGF: Internet Para sa Lahat.

Ang Katalagahan at Tanaw ng IGF ay pinag-usapan din, na may kabuuan na ginawa ng Pinuno[26]:

“Tinukoy ng maraming kalahok na ang IGF ay hindi lamang naging daan o nagbigay ng espasyo para makapag-usap, pero it =o rin nagbigay daan para palakasin ang makabuluhang pagbabago para bigyan ng kapangyarihan ang mamamayan,pagpalakas ng kakayahan at kasanayan para sa paglawak ng Internet, at sa pamamagitan nito maka-ambag sa paglinang ng ekonomiya at panlipunan na bagay."

Kritikal na mga Kakayahan o Kayamanan ng Internet

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Paggamit (ng Internet)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagkaiba o Pagkabukod

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Paglaan at Pagkaloobang Galaw

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Isyung Pumapaibabaw

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga sesyong ito ay tumutukoy sa mga masusing isyu sa Pamamahala ng Internet at dapat bigyan ng direksiyon sa Pagtitipon na ito. Ang unang hadlang ay kung paanu salain ang mga iba’t-ibang tema, dahil may maraming interes na dapat ayunan. May apat na tema na minungkahi:

(i) pagkukusang panig ng hiling at kailangan demand (ni Robert Pepper). Dinala nya sa diskusiyon ekonomiyang ideya sa hiling at kailangan na pwedeng idulog sa Pamamahala ng Internet. Sa kabilang panig naman, may maraming nakakaiba o nakakawiling mungkahi, katulad ng pangangailangan sa edukasyon sa pamamagitan ng pagtindig ng kakayahan para sa mga taong gagamit ng Internet, ang kakayahan ng tao sa pagbigay ng kapangyarihan ng kanilang ID sa Internet (ito ay parte ng pagbigay-alam sa paggamit ng Internet), lokal na kaalaman sa lokal na lenguahe o salita (pagpatibay sa lokal na komunidad)at ayusin o baguhin ang mga pampublikong polisa (pero hindi dapat masyadong tinutumpak, katulad ng pagbawal sa paggamit ng VoIP, na makahinto sa pangangailangan dito). Sa hanay naman ng hiling, may pangkaraniwang pag-alala na umaabot sa mga taong gumagamit ng Internet, pero ayunan din na “ang mga oportunidad na ginawa na pagkalag ng spektrum sa pamamagitan ng suwit sa paghahayg gamit ang computer are binigyan din ng pokus. Ang mga ibang tagapagsalita ay nagrekomenda na ang spectrum ay dapat suportahan ng “broadband networks” at suportahan ng makibagong kalakal at makibagong paglingkod, samantala ang ibang tao ay makapanindigan ng makabuluhang kalutasan. ” [26]

(ii) mga panlipunan, kultural at pampolitika isyu ng Web 2.0' (ni Andrew Keen);

(iii) paggamit (lalong-lalo na sa Aprika, ni Nii Quaynor) at

(iv) pagbabago, pananaliksik and paglinang (ni Robert Kahn).

Ang ibang hamon ay ang pag-uusap sa mga pumaibabaw na isyu sa isang pandaigdigang pagtitipon na may iba’t-ibang pananaw, halimbawa, mga reyalidad ng mga mayayaman at mahihirap na bansa; demokrasya at di-demokrasyang alituntunin sa politika, at iba pa.

Pagsarang Sesyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kinabukasang Pagpulong ng IGF

[baguhin | baguhin ang wikitext]

2008, ang ikatlong IGF ay gaganapin sa lunsod ng Hyderabad, sa bansang India, sa 3—6 Disyembre 2008. [15] Naka-arkibo 2009-05-05 sa Wayback Machine.
2009 Ang Gobyerno ng Egypt ay nag-alok ng kanilang intensiyon na maging punong-abala sa taong 2009 pulong ng IGF.
2010 Ang Gobyerno ng Lithuania at Azerbaijan ay nagbigay- turing na sila ang maging punong-abala para sa pulong ng IGF sa taong 2010.

Pinanggalingan ng Kaalaman

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. The Internet Governance Forum (IGF)
  2. Talan ng Pag-uusapan sa Tunis para sa Lipunan ng Impormasyon o “Tunis Agenda for the Information Society,” para 72
  3. Balita Mula sa UN
  4. Balita Mula sa UN
  5. 5.0 5.1 5.2 Listahan ng Myembro ng Tagapagpayong Grupo o List of Advisory Group Members
  6. Balita Mula sa UN
  7. http://www.intgovforum.org
  8. Renewal of MAG
  9. "About". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-09-17. Nakuha noong 2008-09-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2008-09-17 sa Wayback Machine.
  10. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-14. Nakuha noong 2008-09-16.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2008-05-14 sa Wayback Machine.
  11. 11.0 11.1 World Summit on the Information Society. [2005]. The Tunis Commitment [online]. Makukuha sa: http://www.itu.int/wsis/docs2/tunis/off/7.html
  12. Ibid.
  13. World Summit on the Information Society. [2005]. Tunis Agenda for the Information Society [online]. Makukuha sa: http://www.itu.int/wsis/docs2/tunis/off/6rev1.pdf
  14. Magbasa tungkol sa mga aktibidades ng Diplo Foundation sa ilalim ng "Activities" sa "Internet Governance" pahina na makikita sa: http://www.diplomacy.edu/ig
  15. "Read further on the community blog of Diplo Foundation, specifically on OECD impressions: http://www.diplomacy.edu/ig/communityblog.asp". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-03. Nakuha noong 2008-09-16. {{cite web}}: External link in |title= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2008-10-03 sa Wayback Machine.
  16. Rekomendasyon ng Argentina Para sa Pagtitipon sa WSIS
  17. 16 Pebrero 2006 Ang mga tala o rekord ay makukuha sa: http://intgovforum.org/contributions/IGF-1-0216.txt at http://intgovforum.org/contributions/IGF-1-021606pm.txt
  18. 17 Pebrero 2006 tala o rekord ay makukuha sa: http://intgovforum.org/contributions/UN-IGF-AM-2-17-06.txt and http://intgovforum.org/contributions/UN-IGF-PM-2-17-06.txt
  19. Ang mga kontribusyon ay makukuha sa http://intgovforum.org/Summary%20of%20discussions.htm
  20. Magbasa Ukol sa mga Aktibidades ng WSIS at makukuha ito sa: http://www.itu.int/wsis/follow-up/index.html
  21. "Ulat Tungkol sa Konsultasyon Noong sa 3 Setyembre 2007 ay makukuha sa: http://www.intgovforum.org/IGF-03Sept07Consultation.txt". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-11-22. Nakuha noong 2008-09-16. {{cite web}}: External link in |title= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2008-11-22 sa Wayback Machine.
  22. "Mandate". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-01-07. Nakuha noong 2008-09-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2009-01-07 sa Wayback Machine.
  23. "Dynamic Coalitions". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-12. Nakuha noong 2008-09-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2009-02-12 sa Wayback Machine.
  24. Pakitingnan ang http://www.igfgreece2006.gr/
  25. "GigaNet - Global Internet Governance Academic Network - IGLOO". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-09-27. Nakuha noong 2008-09-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2008-09-27 sa Wayback Machine.
  26. 26.0 26.1 26.2 "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2008-10-29. Nakuha noong 2008-09-16.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2008-10-29 sa Wayback Machine.
  27. Pakitingnan ang http://www.igfbrazil2007.br/
  28. Para sa Buong Impormasyon makukuha ito sa http://www.intgovforum.org/rio_stats.htm
  29. Maaring kunin sa: http://www.intgovforum.org/Rio_Meeting/IGF2-opening-12NOV07.txt Naka-arkibo 2008-05-16 sa Wayback Machine. (page 1)
  30. Available at: http://www.intgovforum.org/Rio_Meeting/IGF2-opening-12NOV07.txt Naka-arkibo 2008-05-16 sa Wayback Machine. (page 2)

Labasang Dugtong

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Rustan108 04:54, 16 Setyembre 2008 (UTC) Sinalin sa wikang Pilipino mula sa Ingles na Wikipedia ng IGF ni Bb. Charity T. Gamboa ng Diplo Foundation