Pagsasakripisyo ng bata
Ang pagsasakripisyo ng bata ay ang rituwalistikong pagpatay ng bata upang kaluguran o payapain ang isang diyos, nilalang sobrenatural, o sagradong kaayusang panlipunan, kalipian, pangkat o pambansang debosyon upang matamo ang ninais na resulta. Tulad nito, isa itong anyo ng pagsasakripisyo ng tao. Inakala ang pagsasakripisyo ng bata na isang sukdulang ekstensyon ng ideya na kapag mas mahalaga ang bagay ng pagsasakripisyo, mas tapat ang taong gumagawa nito.[1]
Mukhang natapos ang pagsasanay ng pagsasakripisyo ng bata sa Europa at Malapit na Silangan bilang bahagi ng isang pagbabagong pangrelihiyon ng huling sinaunang panahon.[2]
Mga kalinangan bago ang Kolumbiyano
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nahanap ng mga arkeologo ang mga labi ng higit sa 140 bata na ginawang alay sa hilgang rehiyong baybayin ng Peru.[3]
Sa Sinaunang Malapit na Silangan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Paggagapos kay Isaac
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nakasaad sa Genesis 22 ang paggagapos kay Isaac, ni Abraham upang ihandog ang kanyang anak, si Isaac, bilang isang alay sa Bundok Moria. Isang pagsubok ito ng pananampalataya (Genesis 22:12). Sumang-ayon si Abraham sa utos na ito na hindi nakikipagtalo. Natapos ang kuwento sa pagpapakita ng isang anghel na pinigilan si Abraham sa huling minuto at ginawang hindi na kailangan na maging alay si Isaac dahil sa pagbibigay ng isang lalaking tupa, na hinuli sa katabing sanga ng kahoy, upang ito na lamang ang isakripisyo. Binigyan diin ni Rabi A.I. Kook, unang Punong Rabi ng Israel, ang kasukdulan ng kuwento, na iniutusan si Abraham na isakripisyo si Isaac ay ang buong punto: upang tapusin ang, at ang pag-ayaw ng Diyos sa rituwal ng pagsasakripisyo ng bata.[4] Sang-ayon kay Irving Greenberg, sinisimbolo ng salaysayin ng paggagapos kay Isaac ang pagbabawal ng pagsamba sa Diyos sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng tao, sa panahon na ang pagsasakripisyo ng tao ay karaniwan sa buong mundo.[5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "LacusCurtius • Greek and Roman Sacrifices (Smith's Dictionary, 1875)" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 5 Agosto 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Guy Strousma, "The End of Sacrifice" in The Making of the Abrahamic Religions in Late Antiquity (Oxford 2015). Academia link. (sa Ingles)
- ↑ "Peru child sacrifice discovery may be largest in history". BBC News (sa wikang Ingles). 28 Abril 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Olat Reiya", p. 93. (sa Ingles)
- ↑ Irving Greenberg. 1988. The Jewish Way: Living the Holidays. New York : Summit Books. p.195. (sa Ingles)