Pagtatampok sa Krus na Banal

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin


Ang Pagtatampok sa Krus na Banal (sa Griyego: Ὕψωσις τοῦ Τιμίου Σταυροῦ, sa Latin: Exaltatio Sanctae Crucis) ay isang kapistahang Kristiyano patungkol sa krus kung saan ipinako si Hesukristo. Ipinagdiriwang ang kapistahan nito tuwing ika-14 ng Setyembre, kung kailan sinasabing nahanap ni Santa Elena ang krus ni Hesus noong taong 326, at nang ito ay mabawi naman sa mga Persa (Persian) noong taong 628.[1][2]

Kasaysayan[baguhin]

Ayon sa tradisyon ng simbahan, ang tunay na krus ni Hesus ay natagpuan ni Santa Elena, ina ng Emperador ng Roma na si Constantinong Dakila, noong taong 326 sa Jerusalem. Sa utos ni Santa Elena at Constatino, ipinatayo ang Basilika ng Santo Sepulkro (Banal na Libingan) sa lugar na pinagtagpuan nito. Noong Setyembre 14, makalipas ang sampung taon, ihinandog ang nasabing simbahan at inilagak ang bahagi ng krus dito.

Sanggunian[baguhin]

  1. The True Cross. The Catholic Encyclopedia, New Advent.[1]. Hinango 2011-09-15. (Ingles)
  2. Exaltation of the Cross. Orthodox America. [2]. Hinango 2011-09-15. (Ingles)