Rotonda
Ang rotonda (Ingles: roundabout, literal na "palibutan", "paikutan", "libutan", o "ikutan") ay isang uri ng pabilog na sangandaan, isang salikop o bagtasan ng mga daan kung saan ang trapiko ng lansangan ay dumadaloy sa isang direksiyon o patutunguhan sa palibot o paligid ng isang panggitnang pulo.[1] Sa isang rotonda, ang pagpasok sa trapiko o daloy ng mga sasakyan ay dapat na palaging nagbibigay-daan sa mga sasakyang umaandar na nasa loob na ng bilog, at ang mga rotonda ay may karagdagang mga pagbabawal o restriksiyon sa pagkakalatag o krokis ng pinagsangahan ng daan upang makapagbigay ng mataas na kaligtasan o seguridad. Ang mga rotonda, sa kanilang makabagong anyo, ay isinapamantayan sa Nagkakaisang Kaharian, batay sa karanasan ng mga bilog na trapiko, rotaryo, o daang paikutan (tinatawag na traffic circle o rotary sa Ingles) o mas maluluwang na mga rotonda sa Estados Unidos, subalit pangkaraniwan na sa ngayon sa maraming mga bansa sa buong mundo. Ang mas maluluwang na mga rotonda, katulad ng sa Estados Unidos, ay tinatabanan o kinukontrol ng mga senyas na pampahinto, mga signal na pantrapiko, o maaaring hindi pormal na kinukontrol.[2]
Paggalaw
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
Paggalaw ng mga sasakyan sa rotonda sa isang bansa na sa kanan ang pagmamaneho (hal. Pilipinas).
-
Paggalaw ng mga sasakyan sa rotonda sa isang bansa na sa kaliwa ang pagmamaneho (hal. Australya).
Mga imahe
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
Isang rotonda sa Republikang Tseko
-
Isang rotonda sa Leiden University Medical Center, Netherlands
-
Old Market Roundabout, Bristol, United Kingdom
-
Isang rotonda sa New Mexico, Estados Unidos
-
Thomas Circle sa Washington, D.C. noong 1922
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ The New Shorter Oxford English Dictionary, Tomo 2, Clarendon Press, Oxford (1993), pahina 2632
- ↑ U.S. Department of Transportation: Roundabouts: an Informational Guide para 1.5
Ang lathalaing ito na tungkol sa Inhenyeriya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.