Palazzo Rusticucci-Accoramboni
Ang Palazzo Rusticucci-Accoramboni (kilala rin bilang Palazzo Rusticucci o Palazzo Accoramboni) ay isang itinayong muli na huling Renasimiyentong palasyo sa Roma.[1] Itinayo sa kalooban ni Kardinal Girolamo Rusticucci, ito ay dinisenyo nina Domenico Fontana at Carlo Maderno na ipinagsanib ang iba nang umiiral na gusali. Dahil dito, ang gusali ay hindi itinuring na isang magandang halimbawa ng arkitektura. Orihinal na matatagpyan sa hilagang bahagi ng kalye ng Borgo Nuovo, pagkaraan ng 1667 nakaharap ang gusali sa hilagang bahagi ng malaking bagong parisukat na matatagpuan sa kanluran ng bagong Piazza San Pietro, na dinisenyo noong mga taon na iyon ni Gian Lorenzo Bernini. Ang piazza, na pinangalanang Piazza Rusticucci pagkatapos ng palasyo, ay giniba noong 1937–40 dahil sa pagpapatayo ng bagong Via della Conciliazione. Noong 1940 ang palasyo ay giniba at itinayong muli gamit ang ibang plano sa hilagang bahagi ng bagong abenida, na itinayo sa pagitan ng 1936 at 1950, na kung saan ay iniuugnay ang Basilika ni San Pedro at ang Lungsod ng Vaticano patungo sa sentro ng Roma.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Borgatti, Mariano (1926). Borgo e S. Pietro nel 1300 – 1600 – 1925 (in Italian). Roma: Federico Pustet.
- Ceccarelli, Giuseppe (Ceccarius) (1938). La "Spina" dei Borghi (in Italian). Roma: Danesi.
- Castagnoli, Ferdinando; Cecchelli, Carlo; Giovannoni, Gustavo; Zocca, Mario (1958). Topografia e urbanistica di Roma (in Italian). Bologna: Cappelli.
- Cambedda, Anna (1990). La demolizione della Spina dei Borghi (in Italian). Roma: Fratelli Palombi Editori. ISSN 0394-9753.
- Gigli, Laura (1992). Guide rionali di Roma (in Italian). Borgo (III). Roma: Fratelli Palombi Editori. ISSN 0393-2710.
- ↑ in Italian). Roma: Federic
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- May kaugnay na midya ang Palazzo Rusticucci-Accoramboni (Rome) sa Wikimedia Commons