Pumunta sa nilalaman

Pamantasan ng Silangang Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pamantasan ng Silangang Pilipinas
Itinatag noong1918
Uripambansang pamantasan o kolehiyo, pamantasan
Lokasyon,
Websaythttp://www.uep.edu.ph
Map

Ang Pamantasan ng Silangang Pilipinas (Ingles: University of Eastern Philippines, dinadaglat bilang UEP) ay isang pamantasan na matatagpuan sa Catarman, Hilagang Samar, Pilipinas. Ito ay itinatag noong 1918 at dating tinawag na Catarman Agricultural School o Paaralang Pansakahan ng Catarman. Noong 1956 naging Samar Institute of Technology (SIT). Magmula dito lumaki ito at naging isang pamantasan.

Sa ngayon naging isang university system na kung saan pumaloob ang mga malalaking paaralan sa Hilagang Samar gaya ng Laoang National Trade School na naging UEP-Laoang Campus at Pedro Rebadulla Agricultural School sa Catubig na naging UEP-Catubig Campus.

Ang kanyang main campus ay nasa Catarman. Katangi-tangi ang UEP dahil naging isa siyang pamayanan na umusbong mula sa isang pamantasan. Karaniwan kasi kung kelan merong pamayanan doon itinatayo ang pamantasan o mga dalubhasaan. Kabaliktaran dito. Ang UEP ay nauna munang itinayo saka nagkaraon ng pamayanan. Dati-rati'y puro dormitoryo lamang ang makikita rito dahil tatlong kilometro ang layo ng main campus sa bayan ng Catarman pero sa ngayon tatlong barangay na ang umusbong dito.

Maliban sa tatlong malalaking campus sa Catarman, Catubig, at Laoang sa Hilagang Samar. Meron na siyang mga limang extension school o satellite campus sa tatlong lalawigan ng Samar.

Dahil sa tatlong higanteng campus at limang satellite campuses, ang UEP ang maituturing na pinakamalaking pamantasan sa Rehiyon 8. Meron siyang 30,000 estudyante sa iba't ibang larangan ng akademya. Sa katunayan, ang kanyang RAB Amphitheather sa UEP Main Campus sa Catarman - na inukit mula sa gilid ng bundok - ay nakakapag-upo ng 15,000 katao bawat graduation exercises tuwing Marso.

Siya rin lang ang Pamantasan sa buong Pilipinas na meron bundok sa loob ng campus bilang laboratoryo ng mga nag-aaral sa Panggugubat (Forestry) at Agrikultura. Meron din itong sariling beach (ang White Beach) na paboritong tambayan ng mga estudyante.

Ang kasalukuyang pangulo ng Pamantasan ng Silangang Pilipinas ay si Dr. Mar P. de Asis.

Mga Dalubhasaan sa UEP Catarman

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Agrikultura
  • Batas
  • Edukasyon
  • Enhinyeriya
  • Medisinang Beterinaryo
  • Nursing
  • Sining at Pakikipagtalastasan
  • Pamamahala ng Negosyo
  • Paaralang Pangpaham (Graduate School)

Satellite Campus

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • UEP-Laoang
  • UEP-Catubig
  • UEP-Extension sa Oras (Silangang Samar)
  • UEP-Extension sa Allen (Hilagang Samar)
  • UEP-Extension sa Biri (Hilagang Samar)
  • UEP-Extension sa Pinabacdao (Kanlurang Samar)
  • UEP-Extension sa San Isidro Hilagang Samar)
  • Laboratoryong Pangmataas na Paaralan
  • Mababang Paaralan

Kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]