Pamantasang Ajou
Ang Pamantasang Ajou (Ingles: Ajou University) ay isa sa mga pinakamahusay na unibersidad sa inhinyeriya sa Timog Korea na itinatag noong 1973, na matatagpuan sa Suwon, sa lalawigan ng Gyeonggi, 30 kilometro sa timog ng Seoul.
Sa kabila ng maikling kasaysayan nito, mabilis ang progreso ng unibersidad, at kinikilala ito bilang isa sa 100 mahuhusay na unibersidad na mas mababa sa 50 taong gulang, ayon sa QS Rankings. Ang Ajou sa kasalukuyan ay may mga programang di-gradwado at gradwado sa siyensiya, inhinyeriya, pangangalagang pangkalusugan, negosyo, agham panlipunan, batas, at liberal na sining.
Simbolo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Statue of Pioneer ay ang simbolo ng Pamantasang Ajou. Matatagpuan ito sa pangunahing pasukan ng paaralan.
37°16′58″N 127°02′46″E / 37.282913°N 127.04607°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.