Pumunta sa nilalaman

Pamantasang Bilkent

Mga koordinado: 39°52′04.80″N 32°44′55.32″E / 39.8680000°N 32.7487000°E / 39.8680000; 32.7487000
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pamantasang Bilkent
Bilkent Üniversitesi
Itinatag noong20 Oktubre 1984; 40 taon na'ng nakalipas (1984-10-20)
UriPribadong pamantasang pananaliksik
Kaloob$300 milyon[1] (2011)
PanguloAli Doğramacı
RektorKürşat Aydoğan[2]
Akademikong kawani1,000[3]
Mag-aaral13,000[3]
Lokasyon
Çankaya, Ankara
,
39°52′04.80″N 32°44′55.32″E / 39.8680000°N 32.7487000°E / 39.8680000; 32.7487000
KampusUrbano, 5,000 akre (20 km2)[3]
Kulay         Pula & bughaw
MaskotBilkent Fox
Websaytw3.bilkent.edu.tr

Ang Pamantasang Bilkent (Turko: Kamalian sa panitik: Ang tinukoy mong tungkulin ay hindi umiiral.) ay isang pribadong di-kumikitang pamantasang pananaliksik na nasa Ankara, Turkiya. Itinatag ito ni İhsan Doğramacı, ang unang pangulo ng Konseho ng Mas Mataas na Edukasyon at pinuno ng kilalang pamilyang Doğramacı, na may layuning lumikha ng isang sentro ng kahusayan sa mas mataas na edukasyon at pananaliksik noong 1984.[4] Patuloy itong niraranggo sa mga nangungunang unibersidad sa Turkiya mula noong itinatag ito.[5][6] Noong 2011, niraranggo ito sa ika-112 sa mundo ng The World University Rankings (o Pandaigdigang Pagraranggo ng Unibersidad).[7] Itinutulad ang Pamantasang Bilkent sa Pamantasang Harvard at ang unang di-kumikitang pribadong unibersidad na itinatag sa bansa. Ang pangalang Bilkent ay isang pagdadaglat ng bilim kenti, ibig sabihin ay "lungsod ng agham" sa Turko.

Kasaysayan

Ang mga paghahanda para sa pagtatatag ng unibersidad ay nagsimula noong 1967, sa pagbili ng isang ari-ariang lupa sa kanluran ng Ankara. Noong huling bahagi ng dekada 1970, inilatag ang mga pundasyon ng mga gusali na nagtataglay ngayon ng mga tanggapang pang-administratibo, pakultad ng inhinyeriya, at aklatan. Mabilis na sumunod ang pagtatayo ng mga tirahan para sa mga akademikong kawani, mga kapeterya, dormitoryo ng mga mag-aaral, at iba't ibang mga gusaling pang-akademiko.[4]

Kampus

Pangunahing kampus ng Pamantasang Bilkent

Ang unibersidad ay sumasakop sa tatlong mga kampus. Ang mga ito ay matatagpuan sa tinatayang 12 km sa kanluran ng sentro ng Ankara, at sumasakop sa kabuuang lugar na higit sa 300 ektarya.[8]

Aklatan

Naglalaman ang aklatan ng unibersidad ng malaking koleksyon ng mga aklat na may taunang pagbili na nagkakahalaga ng higit sa 3 milyong dolyar ng Estados Unidos. Noong 2017, ang Aklatan ng Pamantasang Bilkent ay ang pinakamalaking aklatang pampamantasan ng Turkiya, at ito lamang ang aklatan ng unibersidad na nagraranggo sa nangungunang 10 mga aklatan sa bansa.[9]

Bilang karagdagan sa mga libro, kasama sa koleksyon ang mga pana-panahong subskripsyon, mikrodokumento (o microform), makukuhang maraming online na database at dyornal elektroniko. Mayroon din ang partitura (o sheet music) at nakarekord na tunog sa silid ng musika. Nagkalagay din sa aklatan ang ilang pribadong koleksyon at bulwagang eksibisyon.[10]

Mga sanggunian

  1. Ayon noong Oktubre 2, 2018. "Bilkent"in butcesi 250 milyon lira" (sa wikang Ingles). Hürriyet. 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-06-22. Nakuha noong 2019-06-22.
  2. "Bilkent University - Rector" (sa wikang Ingles).
  3. 3.0 3.1 3.2 "Bilkent University Facts" (sa wikang Ingles). 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-12-20.
  4. 4.0 4.1 "EN / Bilkent University – Historical Background". w3.bilkent.edu.tr (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-02-15. Nakuha noong 2018-02-15.
  5. "Bilkent University in The World University Rankings". www.timeshighereducation.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-07-05. Nakuha noong 2019-06-22.
  6. "QS University Rankings". www.topuniversities.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-07-06. Nakuha noong 2019-06-22.
  7. "2011 THE World University Rankings". www.timeshighereducation.com (sa wikang Ingles). 13 April 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 October 2015. Nakuha noong 22 June 2019.
  8. "EN / Bilkent University – About Bilkent". w3.bilkent.edu.tr (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-02-18. Nakuha noong 2018-02-18.
  9. "Türkiye'nin en iyi 10 kütüphanesi". Inarkibo mula sa orihinal noong 23 March 2012. Nakuha noong 2 July 2016.
  10. "Statistics". Bilkent University Library (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-02-18. Nakuha noong 2018-02-18.